21/08/2025
๐ค๐ผIsang malaking EYYYYYYYYYY!๐ค๐ผ para sa matagumpay na dalawang araw na Pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 dito sa ating minamahal na Bayan ng Mangataremโฃ๏ธ๐
Pinasasalamatan po natin ang lahat ng mga kabataang nakibahagi at nakilahok sa bawat aktibidad. Ang LINGGO NG KABATAAN ay isang patunay na ang kabataan ay may boses, may kakayahan, at may malasakit para sa bayan at sa kalikasan.
๐ผ Sa unang araw, atin pong sinimulan sa isang MINI JOB FAIR sa Shahani Sports Complex na dinaluhan ng higit 200 job seekers. Sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO) at anim na partnering companies. Marami sa ating mga kababayan ang nakahanap ng bagong pag-asa at pagkakataon. Ang mga tagumpay po na ito ay hindi lamang personal na panalo, kundi tagumpay din ng buong komunidar. ๐๐ป
๐ณSa ikalawang araw naman, atin pong isinagawa ang Tree Growing Activity sa Daang Kalikasan.Sa bawat punlang itinanim, nakaugat ang ating panata na pangalagaan ang ating kapaligiran. Ang partisipasyon ng mga Sangguniang Kabataan Officials, Katipunan ng Kabataan Members, Barangay Council ng Bedania sa pamumuno ni Punong Barangay Roberto Bugagon, at Sangguniang Pederasyon na pinamumunuan ng ating SK Pederasyon Municipal President, Hon. Jasper Ray G. Unay at Vice President, Hon. Ken Aquino, at sa tulong ng Municipal Enviroment and Natural Resources Office naging posible ang pagpapatunay na ang kabataan ay tunay na katuwang sa pagsusulong ng adbokasiya para sa kalikasan!
๐๏ธ๐จ Idagdag pa porito ay ating binigyang-pugay ang kahusayan ng kabataan sa Poster at Slogan Making Contest. Sa kanilang malikhainh pagpapahayag, muling napatunayan na ang kabataan ng Mangatarem ay may galing at talento na maipagmamalaki. Salamat po sa ating mga hurado - Maโam Marjorie Pascua, Maโam Pearlyne Fernandez at Sir John David Doria - na saksi sa makukulay at makahulugang likha ng ating kabataan. โจ
Taos puso rin po ang ating pasasalamat sa walang sawang suporta ng ating butihing alkalde, Hon. Jensen F. Viray, na patuloy na nagsisilbing kaagapay sa mga programa para sa kabataan. Gayundin po sa lahat ng tanggapan ng LGU Mangatarem na nagbigay ng tulong at suporta upang maging matagumpay ang ating pagdiriwang. โฃ๏ธ
SA MGA KABATAAN NG MANGATAREM - SALUDO KAMI SA INYO! Patuloy tayong magkita at magsama sa mga darating pang programa para sa Kabataan. ๐ซก