Barangay 101 Zone 8 District 1 Manila

Barangay 101 Zone 8 District 1 Manila “Transparency, Good Governance, and a Hardworking Council at Its Best”

17/08/2026

⚠️ MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY 101

Pinapayuhan ang lahat ng residente na maging maingat at alerto dahil sa biglaang pagtaas ng tubig at pagbaha sa ilang bahagi ng ating lugar.

Panatilihing ligtas ang mga bata, senior citizen, PWD at iba pang nangangailangan ng tulong. Ilagay sa mataas at ligtas na lugar ang mahahalagang dokumento at gamit.

Kung kinakailangan nang lumikas, huwag nang maghintay na lumala ang sitwasyon. Agad na makipag-ugnayan sa mga Barangay Officials, Tanod at mga nakatalagang personnel para sa ligtas at maayos na paglikas.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Barangay.

Manatiling kalmado, alerto, maging handa, at magtulungan tayo.

📌Paalala mula sa tanggapan ni Punong Barangay William Baysa Ypon at ng Sangguniang Barangay.


Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ni Punong Barangay William Baysa Ypon kay Konsehal MC Bobby Limyuen sa kanyang m...
16/08/2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ni Punong Barangay William Baysa Ypon kay Konsehal MC Bobby Limyuen sa kanyang malasakit at agarang pagdamay sa ating mga residenteng lubos na naapektuhan at nasalanta ng Habagat.

Malaking tulong ang inyong ipinamahaging foodbox sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa panahong patuloy nilang kinakaharap ang epekto ng kalamidad.

Maraming salamat din kay Kagawad Francisco Pagayunan sa kanyang pag-aasikaso, gayundin sa ating mga Barangay Tanod na tumulong upang maging maayos at organisado ang pamamahagi ng ayuda.




Muling nakatanggap ng mainit at masustansyang champorado ang mga residente ng Road 10, Vitas, bilang bahagi ng patuloy n...
16/08/2026

Muling nakatanggap ng mainit at masustansyang champorado ang mga residente ng Road 10, Vitas, bilang bahagi ng patuloy na Lingguhang Feeding Program ng Barangay 101.

Sa pangunguna nina Punong Barangay William Baysa Ypon at Kagawad Michael Baysa Ypon “Boz Mike,” katuwang sina Kagagwad Francisco Pagayunan, D.O. Allyn Bangalisan, Ronald Cusay, KFRV volunteers, Barangay Tanod at sponsor na Coliseo De Manila.

Maraming salamat sa lahat ng katuwang sa pagpapatuloy ng programang ito para sa ating komunidad.

🗓️ Agosto 16, 2026



MASDAN | Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at tulong ang mga Opisyal ng Barangay sa naulilang pamilya ng yumaong resi...
16/08/2026

MASDAN | Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at tulong ang mga Opisyal ng Barangay sa naulilang pamilya ng yumaong residente na si Jonilo Soriano.

Personal na ipinagkaloob ang nasabing tulong nina Kagawad Michael Baysa Ypon "Boz Mike" at Kagawad Francisco Pagayunan, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay William Baysa Ypon.

📅 Agusto 15, 2026

TINGNAN | Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at tulong ang mga Opisyal ng Barangay sa naulilang pamilya ng yumaong res...
16/08/2026

TINGNAN | Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at tulong ang mga Opisyal ng Barangay sa naulilang pamilya ng yumaong residente at barangay tanod na si Ricardo S. Leynes.

Personal na ipinagkaloob ang nasabing tulong nina Kagawad Michael Baysa Ypon "Boz Mike" at Kagawad Francisco Pagayunan, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay William Baysa Ypon.

📅 Agusto 15, 2026

📢 PAALALA PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENSIpinababatid sa lahat ng nasa listahan na ang 2ND BATCH ng Senior Citizen Pay...
15/08/2026

📢 PAALALA PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS

Ipinababatid sa lahat ng nasa listahan na ang 2ND BATCH ng Senior Citizen Payout ay gaganapin sa Agosto 16, 2026 (Linggo), alas-8:00 ng umaga, sa Gregorio Perfecto High School.

Ang nasabing payout ay handog mula sa Tanggapan ni CONGRESSMAN Ernix Dionisio.

Kasalukuyang inihahanda ni Barangay Secretary Michael Jay Pasiga ang mga Invitation at Barangay Certificate of Indigency. Maaari na po itong kunin ngayon sa Barangay Hall hanggang alas-5:00 ng hapon.

Mangyaring ihanda ang 4 na photocopy ng Senior Citizen ID, na may 3 original specimen signatures, kasama ang iba pang kinakailangang dokumento para sa payout.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan.





📢 ABISO SA MGA BENEPISYARYOInaabisuhan ang mga residenteng nasa mga larawang kalakip na mayroon nang Invitation para sa ...
15/08/2026

📢 ABISO SA MGA BENEPISYARYO

Inaabisuhan ang mga residenteng nasa mga larawang kalakip na mayroon nang Invitation para sa inyong Payout ng Financial Assistance mula sa Tanggapan ni CONGRESSMAN Ernix Dionisio.

🗓️ Petsa: August 16, 2026
🕐 Oras: 1:00 PM
📍 Lugar: Gregorio Perfecto High School

Upang mapanatili ang kaayusan ng proseso, tanging ang mga nakapangalan sa Invitation lamang ang maaaring magtungo sa Barangay Hall simula alas otso (8:00) ng umaga hanggang alas singko (5:00) ng hapon.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.




14/08/2026

📢 PAALALA SA ATING MGA EVACUEES

Magkakaroon po ng pamamahagi ng food packs bukas, August 15, 2026, sa ganap na 2:30 PM para sa ating mga residenteng lubhang nasalanta ng habagat, handog ni Konsehal Bobby Lim Limyuen.

Sa mga may hawak po ng yellow card, mangyaring dalhin ito bilang patunay para sa pagtanggap ng food pack.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.




FYI Kabarangay
14/08/2026

FYI Kabarangay

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 14

Pursuant to Memorandum Circular No. 126, government offices are directed to shift to appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 14, 2026:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Pampanga
📍 Tarlac
📍 Nueva Ecija
📍 Cavite
📍 Batangas
📍 Rizal
📍 Laguna
📍 Quezon
📍 Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall likewise be implemented in these areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

LOOK: Barangay residents kicked off their day with energy and enthusiasm during Free Pa-Zumba Session held at Brgy. Hall...
13/08/2026

LOOK: Barangay residents kicked off their day with energy and enthusiasm during Free Pa-Zumba Session held at Brgy. Hall Rooftop. Sponsored by Kagawad Michael Baysa Ypon “Boz Mike” in partnership with Zumbamoms101.

🗓️ August 12, 2026




Address

2425 Everlasting Street Vitas Tondo
Manila
1013

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 101 Zone 8 District 1 Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share