Francisco Balagtas Elementary School

Francisco Balagtas Elementary School Official page
FBES since 1916

Where Excellence Begins
(1)

10/06/2026

IKAW NA BA ANG SUSUNOD NA ARNIS CHAMPION?

Inaanyayahan ang lahat ng mga Batang Balagtas na interesadong sumali sa ating Arnis Tryout. Ito ay gaganapin sa Bulwagang Balagtas (Social Hall) sa June 16 para sa mga batang lalake at June 17 para sa mga batang babae sa ganap na 1:30 nang hapon. Maghanda ng 1 minutong hiphop dance.

Hanapin lamang si Ma'am Jean E. Villanueva para sa karagdagang impormasyon.

PARENTS' ORIENTATION, ISINAGAWABilang bahagi ng Opening Block ng school year 2026-2027, nagsagawa ng Parents' Orientatio...
09/06/2026

PARENTS' ORIENTATION, ISINAGAWA

Bilang bahagi ng Opening Block ng school year 2026-2027, nagsagawa ng Parents' Orientation ang Paaralan. PInangunahan ito ng pamunuan ng Paaralan sa pangunguna nila Mr. Benedick A. Verona, Master Teacher II, at nang mga tagapagtaguyod ng guidance education na sina Mrs. Estrella B. Estrella, Master Teacher I at Mrs. Mary Ann E. Macavinta, Guidance Advocate para sa Key Stage 1. Dinaluhan ito ng mga magulang, tagapangalaga at mga stakeholders.

Matapos nito ay dumalo naman sa homeroom orientation at eleksyon ng homeroom PTA officers ang mga magulang at tagapangalaga upang mas maunawaan ang mga pagbabagong bitbit ng panibagong taon nang panuruan.

WELCOME BACK, MGA BATANG BALAGTAS!Kamusta naman ang first day of classes ninyo? Nawa ay ipagpatuloy nyo ang sipag sa pag...
08/06/2026

WELCOME BACK, MGA BATANG BALAGTAS!

Kamusta naman ang first day of classes ninyo? Nawa ay ipagpatuloy nyo ang sipag sa pagpasok araw-araw at siguradong marami kayong matututunan sa loob at labas ng ating Paaralan!

Maraming salamat po sa mga magulang na matiyagang gumising nang maaga upang maihanda ang mga pangangailangan ng kanilang mga Batang Balagtas na nagbabalik-paaralan.

Salamat din po sa ating mga community stakeholders, gaya ng ating mga barangay officials at mga kawani ng Manila Police District - Alvarez P*P para sa inyong assistance sa ating mga Batang Balagtas!

ORAS AT GATE NG PASUKAN AT LABASANSa mga minamahal naming mga magulang at tagapangalaga, nais po naming ipabatid sa inyo...
07/06/2026

ORAS AT GATE NG PASUKAN AT LABASAN

Sa mga minamahal naming mga magulang at tagapangalaga, nais po naming ipabatid sa inyo ang opisyal na Oras at Gate para sa Pasukan at Labasan ng mga Batang Balagtas.

Makatutulong po ito upang malaman ninyo ang tamang oras ng kanilang pagpasok at pag uwi sa ating Paaralan.

WELCOME BACK TO SCHOOL MGA BATANG BALAGTAS!Handa na ba kayong pumasok, mga Batang Balagtas?Ihanda na ang mga gamit sa es...
07/06/2026

WELCOME BACK TO SCHOOL MGA BATANG BALAGTAS!

Handa na ba kayong pumasok, mga Batang Balagtas?

Ihanda na ang mga gamit sa eskwela, bagong uniporme at syempre, ang inyong sarili!
Matulog nang maaga at iwasan na ang pagpupuyat.
Magkita kita tayo bukas sa ating paaralan.

Sa ganap na 6:00 nang umaga
Ang mga batang Grade One, Two, at Three ay mag-a-assembly sa Alvarez Street

Ang mga batang Grade Four, Five, at Six ay mag-a-assembly sa ating Covered School Grounds

Hanapin lamang ang inyong mga bagong g**o at ipakilala ang inyong sarili.

Kita-kits bukas, mga Batang Balagtas!

📣 Paalala sa Lahat ng Magulang at Tagapag-alagaMalugod po naming inaanyayahan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na ...
07/06/2026

📣 Paalala sa Lahat ng Magulang at Tagapag-alaga
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na makiisa sa pagbubukas ng klase. Ang inyong presensya at suporta ay mahalaga sa matagumpay na panibagong taong panuruan ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama po nating simulan ang ligtas, maayos, at makabuluhang pag-aaral para sa ating mga anak.
Maraming salamat po!



HAPPENING NOW:Dr. Reynaldo S. Pineda, Jr., Rhain Pineda  PSDS-in-charge presides the directional meeting of Master Teach...
03/06/2026

HAPPENING NOW:

Dr. Reynaldo S. Pineda, Jr., Rhain Pineda PSDS-in-charge presides the directional meeting of Master Teachers together with Mrs. Rosemarie Bonillo Ponce, Principal IV of Francisco Balagtas Elementary School.

These series of meetings are done to ensure the smooth opening of classes for the school
year 2026-2027.

With grateful hearts, we extend our sincerest appreciation to our beloved alumni and sponsors for your generous support ...
02/06/2026

With grateful hearts, we extend our sincerest appreciation to our beloved alumni and sponsors for your generous support and assistance during our Brigada Eskwela. Your kindness, time, effort, and donations truly made a big difference in helping prepare our school for another meaningful school year.
Thank you for being one with us in the spirit of bayanihan. May God bless you abundantly for your generosity and good hearts.
Medel Laña
Batch 1994 headed by Anya Ayna
Susana Delos Santos
Reynaldo Kadano



HAPPENING NOW: As part of the preparations for the upcoming Opening of Classes for the School Year 2026-2027, Mrs. Rosem...
02/06/2026

HAPPENING NOW:

As part of the preparations for the upcoming Opening of Classes for the School Year 2026-2027, Mrs. Rosemarie Bonillo Ponce, Principal IV of Francisco Balagtas Elementary School leads the directional meeting together with Master Teachers and Administrative Personnel.

ENROLLMENT NA!​Patuloy pa po ang pagpapatala sa Francisco Balagtas Elementary School (FBaES) para sa School Year 2026-20...
29/05/2026

ENROLLMENT NA!
​Patuloy pa po ang pagpapatala sa Francisco Balagtas Elementary School (FBaES) para sa School Year 2026-2027! Narito ang mahahalagang detalye para sa ating mga mag-aaral sa Kindergarten.
Ikaw na lang ang kulang, mag-enroll na sa FBaES!
See you there, future Batang Balagtas! 💚✨

Address

Alvarez Street , Sta. Cruz
Manila
1003

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Francisco Balagtas Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Francisco Balagtas Elementary School:

Share

Category