Barangay 585 Zone 57

Directions

Barangay 585 Zone 57 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 585 Zone 57, Government Organization, Santol Street, Manila.
(1)

16/07/2026

July 16, 2026: Anunsyo para sa Señior Citizen, Solo Parent at PWD Pay Out.

Mapagpalang hapon mga minamahal nating mga señior citizen, solo parent, at mga PWD sa ilalim ng ating barangay. Narito po ang schedule ng ating pay out na gaganapin sa atin pong barangay hall;

Senior Allowance:
Friday, July 24: 9am-6pm &
Saturday, July 25: 10am-6pm
(Bedridden will be visited on July 28-30)

Solo Parent & PWD:
Monday, July 27: 9am-6pm

Magdala lang po ng señior citizen, solo parent, o PWD ID sa pay out.

Mangyaring makipag ugnayan po sa ating tanggapan para po sa inyong mga katanungan. Maraming salamat po at kita kits!

Maraming Salamat po!

Atin pong pinapaalalahanan ang lahat ang paghahanda sa paparating na SUPER TYPHOON INDAY1.  Maging Alerto, ugaliing bant...
07/07/2026

Atin pong pinapaalalahanan ang lahat ang paghahanda sa paparating na SUPER TYPHOON INDAY

1. Maging Alerto, ugaliing bantayan ang lagay ng panahon sa radyo, telebisyon o internet

2. Suriin kung may bahagi ng tahanan na kailangang kumpunihin. Itaas ang ating mga gamit upang di po mabasa kung sakaling tumaas po ang tubig baha

3. Manatili sa loob ng tahanan kung malakas na ang ulan at hangin

4. Maghanda ng mga gamit na maaring gamitin katulad ng gamot, first aid kit, flashlight, damit, battery, inuming tubig, at pagkain na di po madali masira

5. Itabi ang mga mahalagang dokumento, at papeles sa isang waterproof na bag

6. I-charge ang ating mga cellphone, flashlight at powerbank upang maging handa kung sakaling mawalan ng kuryente

7. I-save ang mga emergency numbers upang mas madaling makahinge ng tulong

8. Makiisa sa pre-emptive evacuation

BARANGAY ANNOUNCEMENT: LIBRENG CIVIL REGISTRY SERVICES!Mga kabarangay, ilalapit po sa atin ang mga serbisyo ng Office of...
01/07/2026

BARANGAY ANNOUNCEMENT: LIBRENG CIVIL REGISTRY SERVICES!

Mga kabarangay, ilalapit po sa atin ang mga serbisyo ng Office of the Civil Registry sa pamamagitan ng "OPERATION BIRTHRIGHT" handog ng ating butihing Konsehala Eunice Castro

🗓️ Kailan: Huwebes (July 9, 2026) | 9:00 AM – 12:00 NN

📍 Saan: Barangay 586 Zone 57, Silencio Basketball Court, Sampaloc, Manila

Mga Libreng Serbisyo at Konsultasyon:

✅ Birth & Marriage Certificates
✅ Late Registration
✅ Pagtatama ng mali sa mga Sertipiko (Correction of Entries / Change of Name)
✅ Free Legal Consultation

Huwag po nating palampasin ang pagkakataong ito na maayos ang ating mga importanteng dokumento nang libre at malapit sa ating tahanan. Paki-share na rin po sa ating mga kapitbahay! Maraming salamat po. 🤝

Paalala, mga Manileño: Ayon sa Meralco, itinaas ng NGCP ang Yellow at Red Alert sa Luzon Grid ngayong araw, Mayo 14, 202...
14/05/2026

Paalala, mga Manileño: Ayon sa Meralco, itinaas ng NGCP ang Yellow at Red Alert sa Luzon Grid ngayong araw, Mayo 14, 2026, dahil sa kakulangan ng power supply at reserves.

Posible ang power interruption mula 4:01 PM hanggang 10:00 PM.

Magtipid po tayo sa kuryente at manatiling nakaantabay sa abiso ng Meralco at NGCP.

ADVISORY: Inanunsyo ng Meralco na isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa Yellow Alert at Red Alert ngayong Mayo 14, 2026, dahil sa kakulangan ng operating reserves.

Batay sa advisory, ipatutupad ang Yellow Alert mula 3:01 PM hanggang 4:00 PM at muling mula 10:01 PM hanggang 11:00 PM.

Samantala, isasailalim naman sa Red Alert ang Luzon Grid mula 4:01 PM hanggang 10:00 PM.

Pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente, lalo na sa peak hours, upang makatulong na maibsan ang pressure sa power supply.

Manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso mula sa Meralco, NGCP, at pamahalaan kaugnay ng power supply situation.


March 21, 2026: Barangay Clean Up Drive.Sulong sa kalinisan sa barangayan!Makiisa, makilahok, at maki-alam para sa mas m...
23/03/2026

March 21, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Sulong sa kalinisan sa barangayan!
Makiisa, makilahok, at maki-alam para sa mas maayos, mas malinis at mas progresibong kumunidad!

Maraming salamat po!

March 14, 2026: Barangay Clean Up Drive.Isa na naman pong araw ng paglilinis sa ating barangay!Sa pag papanatili ng kali...
15/03/2026

March 14, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Isa na naman pong araw ng paglilinis sa ating barangay!
Sa pag papanatili ng kalinisan ay katuwang natin ang isa't-isa, maging responsableng mamamayan tayo upang maging progresibo ang ating barangay.

Maraming salamat po!

March 7, 2026: Barangay Clean Up Drive.Ang Marso ay Buwan ng Pag-iwas sa sunog. May mga pagkakataon na ang pagsusunog ng...
09/03/2026

March 7, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Ang Marso ay Buwan ng Pag-iwas sa sunog. May mga pagkakataon na ang pagsusunog ng basura ang pinagmumulan ng nga insidente na kaugnay ng sunog.

Patuloy tayong maglinis ng ating kapaligiran, huwag mag sunog ng basura, ito po ay ipinagbabawal.

Maraming salamat po!

March 1, 2026: Buwan ng Pag-iwas sa sunog.Ang buwan ng Marso taon-taon ay buwan ng pag-iwas sa sunog o fire prevention m...
02/03/2026

March 1, 2026: Buwan ng Pag-iwas sa sunog.

Ang buwan ng Marso taon-taon ay buwan ng pag-iwas sa sunog o fire prevention month. Ayon sa datos, tuwing buwan ng Marso naitatala ang pinaka marami at malalaking insidente ng sunog, dahil narin sa pagtaas ng lebel ng init sa ating kapaligiran.

Sama-sama tayong maging handa at mag-ingat sa pagiging pabaya natin na maaring magdulot ng mapinsalang sunig sa ating kumunidad.

Patuloy tayong maging aktibo sa paglahok at makiisa sa mga programa na naglalayong maging ligtas laban sa sunog na batid ng ating lokal na pamahalaan.

" Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nagiisa", tayong lahat ay magtulungan upang mapanatiling ligtas ang ating pamayanan.

February 28, 2026: Barangay Clean Up Drive.And huling araw ng buwan ng Pebrero ay hindi nangangahulugan ng huling araw n...
01/03/2026

February 28, 2026: Barangay Clean Up Drive.

And huling araw ng buwan ng Pebrero ay hindi nangangahulugan ng huling araw ng paglilinis sa ating barangay. Ito ay patuloy na gampanin ng bawat isa sa atin, tuwing Sabado ng buwan. Patuloy nawa nating piliin na maging adbokasiya ang kalinisan at kaayusan. Disiplina sa mga basura at pagmamahal sa ating nasasakupan.

Maraming salamat po!

February 21,  2026: Barangay Clean Up Drive.Panibagong araw ng paglilinis sa ating kapaligiran. Paalala sa ating mga res...
25/02/2026

February 21, 2026: Barangay Clean Up Drive.

Panibagong araw ng paglilinis sa ating kapaligiran. Paalala sa ating mga residente at sa publiko na panatilihin ang kalinisan upang sakit ay maiwasan. Patuloy na makiiisa sa ganitong mga gawain, para sa ikagaganda, ikaka-ayos at ikali-ligtas ng ating pamayanan.

Maraming salamat po!

Address

Santol Street
Manila
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 585 Zone 57 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share