12/08/2026
TINGNAN: Makikiisa ang balangay ng una, natatangi, at tunay na boses ng kabataan sa kongreso — Kabataan Partylist sa First Day Rage, bukas ng tanghali, August 13 12pm.
Sa pagbubukas ng panibagong akademikong taon, hindi lamang tayo bumabalik sa mga silid-aralan, bumabalik din tayo sa patuloy na laban para sa isang edukasyong makatarungan, makatao, at tunay na nagsisilbi sa sangkaestudyantehan.
Sa gitna ng mga usapin ng hindi inanunsyong tuition fee increase para sa mga freshmen, panawagan para sa financial transparency at mga polisiyang patuloy na nakaaapekto sa kalidad at aksesibilidad sa edukasyon. Dadalhin muli natin sa lansangan at sama-sama nating ire-rehistura ang ating mga hinaing at paninindigan.
Tamaraws, makilahok kasama ang mga tunay, palaban, at makabayan na konseho at organisasyon ng pamantasan sa "Tams Rage for our Rights" at makiisa sa panawagan para sa:
•Better Implementation of Hybrid SetUp,
•Financial transparency mula sa FEU Administration,
•Paglikha ng mas inklusibong mga polisiya sa FEU,
•Pagpapanatili ng mga student spaces,
•Pagtutol sa Pax Silica; Defend Ancestral Lands at
•Pagsingil sa rehimeng Marcos-Duterte.
Para sa isang pamantasang tunay na student-centered—hindi lamang sa salita, kundi nararamdaman at natatamasa. Labanan ang komersyalisasyon ng edukasyon! Tumindig para sa pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon! Isulong ang isang sistemang pang-edukasyon na inuuna ang kapakanan at kinabukasan ng kabataan.
•DEFEND ACADEMIC FREEDOM!
•TUITION FEE INCREASE NA NAMAN! TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHINTULUTAN!
•SULONG KABABAIHAN!
•MAKIBEKI! HUWAG MASHOKOT!
•MAKIBAKA! HUWAG MATAKOT!
•NO TO PAX SILICA!
•MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN!
FEU Community! Tunay, palaban, makabayan!
Join the link for the coordination group chat.
https://m.me/j/AbZQb-Zt3DQYivlw/?send_source=gc:copy_invite_link_