06/05/2022
Siniguro po natin na walang magugutom sa Maynila ngayong pandemya. Lahat ay may pagkain na pagsasaluhan sa hapagkainan, at walang kakalam ang sikmura.
Naglunsad tayo ng Food Security Program para sa tuloy-tuloy na pamamahagi ng ayuda, may lockdown man o wala. Nasa 700,000 food boxes ang ating ipinamimigay kada buwan sa lahat ng mamamayanan ng lungsod.
Kapakinabanggan muna ng tao ang mauuna. Ito ang magiging direksyon ng ating pamahalaan kapag ako po ang binigyan ninyo ng pagkakataon na naging pangulo ng Pilipinas.