04/09/2021
Kabayan!!!
Una sa lahat, ako'y nagpapasalamat sa iyong malugod na pagtanggap sa aking imbitasyon.
Marahil ay nagtataka ka kung ano ba ang hangarin ng pahinang ito.
Hayaan mong ilahad ko sa iyo ang adhikain , layunin at hangarin ng Makabayang Pinoy.
Kung napapansin mo sa mga nangyayari ngayon sa bansa, tila ba palalim na ng palalim ang hidwaan, bangayan at paghahati-hati natin pagdating sa isyung politikal.
Naging normal na sa panahon ngayon ang magpuna, magalit at magtapon ng dumi sa taong di natin gusto o di kaya'y iba sa ating prinsipyo.
Bilang isang ordinaryong Pilipino, ako'y nalulungkot sa kinahinatnan ng ating bayan.
Kaya ko naisipang ilunsad ang pahinang ito upang kahit papaano'y maitama ko ang mga maling paniniwala sa pang araw-araw na kaganapan sa bansang ito. Nais kong iangat ang diskusyon at linangin ang pag-iisip ng iba upang sa gayo'y mamumuhay tayong may tunay na kaalaman.
Ang mga sumusunod ay ilan sa aking paglalahad upang ako'y iyong makilala:
1. Ako'y Pilipino na may sariling pag-isip.
2. Mahal ko ang Pilipinas.
3. Naniniwala ako na kaloob ng Diyos ang sinumang niluklok ng taumbayan sa anumang posisyon sa pamamagitan ng mapayapang halalan. Kaya't ang gobyerno na pinamamahalaan ngayon ng ating Presidente Duterte ay kaloob ng Diyos at sinumang hadlang sa kalooban ng Diyos ay hindi magtatagumpay.
4. Ang sinumang gumagawa ng destabilisasyon laban sa pamahalaan ay kalaban ng Diyos at dapat na suwayin at supilin dahil ang mga ito'y hadlang sa ating minimithing kaunlaran.
5. Ako ay pro-government, pro-Philippines at pro-God kaya kahit bumaba na sa posisyon si Presidente Duterte ay mananatiling ako'y para pa rin sa Pilipinas.
6. Kung sino man ang mahahalal ng taumbayan sa susunod na eleksyon ay aking igagalang at susuportahan ang mga programang para sa ikakabuti ng nakararami.
7. Aking ikinokondena ang bawat gawain ng mga komunista at makakaliwang grupo. Ang CPP-NPA-NDF at mga kasamahan nito ay ang tunay na salot ng lipunan. Ang kanilang baluktot na paniniwala ay higit kailanma'y hindi para sa ikabubuti ng ating bansa.
8. Naniniwala ako na kailangang labanan ang mga nagpapakalat ng mga Fake News at mga di makatotohanang impormasyon.
Alam kong mahal mo rin ang bayang ito. Kaya inaanyayahan kitang ishare ang ating page upang sa ganun mas marami pa tayong matulungang mga kababayan. Oo, sa atin ang page na ito kabayan.
Salamat Kabayan!
Nagmamahal,
Makabayang Pinoy