DepEd Cayetano Arellano High School

DepEd Cayetano Arellano High School Haven of Excellence, Molder of Achievers

23/07/2026

BREAKING NEWS | WALANG KLASE SA MAYNILA SA HULYO 27

Inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso ang suspensiyon ng klase β€” face-to-face at online β€” sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Maynila sa Lunes, Hulyo 27, 2026, bilang pagtalima sa pagdaraos ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Saklaw ng suspensiyon ang kinder hanggang senior high school, gayundin ang mga kolehiyo at unibersidad, sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon sa alkalde, layunin ng suspensiyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga ManileΓ±o, lalo na ang mga mag-aaral at mga g**o, na masubaybayan ang SONA ng Pangulo.


πŸ“’ EARTHQUAKE DRILL | Hulyo 16, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng kaligtasan at kahandaan sa saku...
17/07/2026

πŸ“’ EARTHQUAKE DRILL | Hulyo 16, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng kaligtasan at kahandaan sa sakuna, matagumpay na isinagawa ng Cayetano Arellano High School ang Earthquake Drill noong Hulyo 16, 2026.

Sa isinagawang pagsasanay, aktibong nakiisa ang ating mga mag-aaral, g**o, at kawani sa tamang pagsunod sa mga hakbang sa oras ng lindolβ€”mula sa "Duck, Cover, and Hold" hanggang sa maayos at ligtas na paglikas patungo sa mga itinakdang evacuation area.

Ang ganitong mga pagsasanay ay mahalaga upang mapaigting ang ating kahandaan at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sakaling magkaroon ng tunay na sakuna.
Ang kahandaan ngayon ay susi sa kaligtasan bukas.

Manila Public Information Office
Isko Moreno Domagoso

πŸŽ‰ Maligayang Kaarawan, Secretary Sonny Angara! πŸŽ‚Ang buong pamilya ng DepEd Cayetano Arellano High School ay taos-pusong ...
15/07/2026

πŸŽ‰ Maligayang Kaarawan, Secretary Sonny Angara! πŸŽ‚

Ang buong pamilya ng DepEd Cayetano Arellano High School ay taos-pusong bumabati ng isang maligayang kaarawan kay Department of Education Secretary Sonny Angara.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, mahusay na pamumuno, at patuloy na pagsusulong ng dekalidad at inklusibong edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

Nawa'y pagpalain pa po kayo ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong makabuluhang paglilingkod sa ating mga mag-aaral, g**o, at sa buong sektor ng edukasyon.

Maligayang Kaarawan po, Secretary Sonny Angara!

Happy Birthday and may God bless you always! πŸŽ‰πŸ‡΅πŸ‡­

09/07/2026

Upon recommendation of the Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD), I am ordering the suspension of face-to-face classes for Kinder to Senior High School (SHS) in public and private schools on Friday, 10 July 2026, due to moderate to heavy rainfall expected to persist today.

The MCDRRMO reported moderate to heavy rainfall of 50 to 100 millimeters, with conditions expected to persist throughout the day.

Schools are advised to shift to ADM or Alternative Delivery Mode.

FRANCISCO β€œISKO” MORENO DOMAGOSO
City Mayor

OPISYAL NA PAUNAWAIpinababatid sa lahat na ang opisyal na page ng Cayetano Arellano High School ay papalitan ng...
09/07/2026

OPISYAL NA PAUNAWA

Ipinababatid sa lahat na ang opisyal na page ng Cayetano Arellano High School ay papalitan ng pangalan at magiging

DepEd Cayetano Arellano High School

upang matiyak ang pare-parehong paggamit ng opisyal na tatak (branding) at pagsunod sa mga alituntunin ng DepEd para sa mga opisyal na digital platform.
Hinihikayat namin ang lahat ng mga Arellanites, magulang, alumni, mga stakeholder, at ang publiko na patuloy na sundan ang aming opisyal na page para sa mga opisyal na anunsyo, mga balita, at iba pang mahahalagang impormasyon ng paaralan.

Alinsunod ito sa:
DepEd Order No. 007, s. 2026

01/07/2026

PASOK: In light of the expected transfer of the Iglesia ni Cristo (INC) protest to Liwasang Bonifacio in the City of Manila, Mayor Isko Moreno Domagoso has announced the suspension of classes in all levels, both in public and private schools, today, Thursday, 2 July 2026.


πŸŽ‰πŸ›οΈ 455th Araw ng Maynila πŸ›οΈπŸŽ‰Ngayong ika-24 ng Hunyo 2026, buong pagmamalaking nakikiisa ang Cayetano Arellano High Scho...
23/06/2026

πŸŽ‰πŸ›οΈ 455th Araw ng Maynila πŸ›οΈπŸŽ‰

Ngayong ika-24 ng Hunyo 2026, buong pagmamalaking nakikiisa ang Cayetano Arellano High School sa pagdiriwang ng 455th Araw ng Maynila.

Sa paggunita sa mayamang kasaysayan, kultura, at pamana ng ating lungsod, nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating mahalin, pangalagaan, at pagyamanin ang ating minamahal na Maynila para sa susunod na henerasyon.

Maligayang ika-455 na Araw ng Maynila! β€οΈπŸ’™πŸ’›

πŸ‘”πŸ’š Maligayang Araw ng mga Ama!Ngayong araw, ating pinararangalan ang lahat ng ama at tatay na nagsisilbing haligi ng tah...
21/06/2026

πŸ‘”πŸ’š Maligayang Araw ng mga Ama!
Ngayong araw, ating pinararangalan ang lahat ng ama at tatay na nagsisilbing haligi ng tahanan, inspirasyon, at gabay ng kanilang mga anak. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon.

Mula sa buong pamilya ng Cayetano Arellano High School, isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga ama! πŸ’š

In support of the National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) and in line with the Department of Education's commitmen...
19/06/2026

In support of the National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) and in line with the Department of Education's commitment to ensuring safe and resilient learning environments, our school successfully conducted an Earthquake Drill on June 18, 2026.

Learners, teachers, and school personnel actively participated in the activity, demonstrating proper earthquake preparedness and response procedures. This initiative aims to strengthen disaster risk reduction and management (DRRM) awareness, promote a culture of safety, and enhance the readiness of the entire school community during emergencies.

Together, we continue to uphold the safety and well-being of every learner through preparedness, vigilance, and collective responsibility.






Address

T. Alonzo Street, Sta. Cruz
Manila
1014

Telephone

+63287115928

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Cayetano Arellano High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share