23/07/2026
BREAKING NEWS | WALANG KLASE SA MAYNILA SA HULYO 27
Inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso ang suspensiyon ng klase β face-to-face at online β sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Maynila sa Lunes, Hulyo 27, 2026, bilang pagtalima sa pagdaraos ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Saklaw ng suspensiyon ang kinder hanggang senior high school, gayundin ang mga kolehiyo at unibersidad, sa parehong pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon sa alkalde, layunin ng suspensiyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga ManileΓ±o, lalo na ang mga mag-aaral at mga g**o, na masubaybayan ang SONA ng Pangulo.