22/04/2022
MGA PALATANDAAN NG LAYLATUL QADR
Dalawa lang ang palatandaan ng Laylatul Qadr na nabanggit sa mga Hadith na may matibay na pagkakasalaysay.
Una: Ang gabing yaon ay maaliwalas, hindi mainit at hindi rin namang malamig.
Pangalawa: Sa umaga pagkatapos ng gabing iyon ay sisikat ang araw na walang sinag.
Ano ang mga dapat gawin sa gabing ito o Laylatul Qadr?
Una: Pagpapadami ng dasal (Tahajjud).
Pangalawa: I'tikaf o pananatili sa Masjid sa layuning pagsamba sa Allah, sa sampung huling araw ng Ramadhan.
Pangatlo: Pagpapadami ng panalangin.
Pang-apat: Pagsuaumikap gumawa ng iba't ibang mabubuting gawain.
Sapagkat ang gabing yaon ay mas mainam kaysa 1000 months, sa madaling salita; anumang mabuting gawain na iyong magawa sa Laylatul Qadr ay mas mainam kaysa isang libung buwan.
β Muhd-ata Abdulkarim