08/04/2025
Saan daw napunta ang 15 BILLION na inutang? Eto po pinatayo ng basic services na kapaki-pakinabang sa Manileño.
Hindi masabi ng mga kalaban ni Yorme na ibinulsa niya yung utang dahil may resibo, nakikita at nararamdaman ng mga Batang Maynila kung saan dinala ang buwis nila.
Kung tutuusin, mas mura pa itong 15 BILLION na ito kumpara sa isang 33 BILLION PESOS na presyo ng bagong Senate Building. Yung 15 Billion na inutang ay nakapagpatayo ng:
⭐️ Isang 10-storey fully air conditioned Bagong Ospital ng Maynila, may 384 beds para sa mga pasyente, 12 intensive care units, 20 pribadong kwarto, malaking emergency room na kasya ang 50 katao, 3-storey parking building at helipad for future air ambulance.
⭐️ Apat na makabagong 10-storey fully air condition Manila public schools na may first class facilities katulad ng mahigit-kumulang 800 classrooms, facility offices, auditoriums, gymnasiums, roof decks, basketball courts, football fields, libraries, canteens, and elevator units.
⭐️ 6 na condo housing projects tatlong 15-storey building at tatlong 20-storey building na may sukat ang bawat unif na 42-square meter, super health centers, city hall satellite offices, modern Manila Public Laboratory facilities, swimming pools, function rooms, activity lawns, roof deck gardens, function rooms, and parking slots
⭐️ Manila Zoo Redevelopment dahil simula nang ito ay binuksan sa publiko 66 taon na ang nakalilipas tanging sa administrasyon lang ni Yorme Isko Moreno lang ito nakatikim ng malawakang pagsasaayos at pagbibigay ng kaukulang atensiyon sa kalagayan ng mga hayop.
Bakit ba minadali ni Yorme? Kasi napag-iwanan na ang Maynila ng mga kapitbahay nito sa NCR. Kaya kailangan magmadali, dahil kung tutuusin Maynila dapat ang modelo dahil tayo ang Kapitolyo ng Pilipinas!