Barangay 775 Zone 84

Barangay 775 Zone 84 This is the official page of Barangay 775, Zone 84, District 5, Manila, Philippines.

01/08/2026

📢 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Magandang araw po!

Nais po naming ipaalam na kamakailan ay nawalan ng suplay ng kuryente ang ating mga streetlights sa loob ng 2 araw dahil sa hindi awtorisadong pag-jumper ng kuryente mula sa linya ng Barangay.

Mayroon na po tayong Control Panel na awtomatikong nakakakita kung may iligal na pag-tap sa ating linya ng kuryente. Kapag may natukoy itong ganitong insidente, tutunog ang alarm at pansamantalang mapuputol ang suplay ng kuryente sa ating mga streetlights.

Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa na huwag mag-jumper o mag-tap ng kuryente mula sa linya ng Barangay. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang abala at mapapanatiling maayos ang serbisyo para sa ating lahat.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.

24/07/2026

MAGANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT!

Nais po naming ipabatid ang iskedyul ng payout para sa Social Pension, Senior Allowance, PWD Allowance, at Solo Parent Allowance.

📅 Hulyo 24

* 7:00 AM – 12:00 NN – Pagkuha ng inyong allowance sa Dakota Harrison Court.
* 2:00 PM – Magsisimula ang pamamahagi ng mga allowance sa Barangay.

📅 Payout Period:
Hulyo 24 hanggang Hulyo 29 lamang.

Mga Kailangang Ihanda:

• Senior Allowance

* Tatlong (3) photocopy ng Senior Citizen ID, na may tatlong (3) pirma sa bawat kopya.

• Social Pension

* Tatlong (3) photocopy ng Senior Citizen ID, na may tatlong (3) pirma sa bawat kopya.

• Solo Parent Allowance / PWD Allowance

* Tatlong (3) photocopy ng Solo Parent ID, PWD ID, o Certificate, na may tatlong (3) pirma sa bawat kopya.
* Hindi tatanggapin ang expired na ID o certificate.
* Kung minor and PWD Beneficiary, kailangan din ng (3) photocopy ng Guardian na may (3) pirma sa bawat kopya.

Maraming salamat po at hinihiling namin ang inyong pakikiisa sa pagsunod sa iskedyul at mga kinakailangang dokumento upang maging maayos at mabilis ang proseso ng payout.

🇵🇭 Flag Ceremony | LunesMagandang umaga mga kabarangay!Sinimulan natin ang linggo sa ating regular na Flag Ceremony kasa...
20/07/2026

🇵🇭 Flag Ceremony | Lunes

Magandang umaga mga kabarangay!

Sinimulan natin ang linggo sa ating regular na Flag Ceremony kasama ang mga opisyal at kawani ng Barangay 775. Nawa’y maging gabay ang pagkakaisa at malasakit sa patuloy nating paglilingkod sa ating komunidad.

PAALALA | PANSAMANTALANG WATER INTERRUPTIONMagandang araw po, mga kabarangay!Ipinaaalam po ng Manila Water na magkakaroo...
16/07/2026

PAALALA | PANSAMANTALANG WATER INTERRUPTION

Magandang araw po, mga kabarangay!

Ipinaaalam po ng Manila Water na magkakaroon ng Line Meter Replacement Activities, na magdudulot ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig.

Petsa: July 17, 2026 (Biyernes)
Oras: 12:30 AM hanggang 4:00 AM

Paalala sa lahat ng residente:
• Mag-ipon ng sapat na tubig bago ang nakatakdang oras ng water interruption.
• Pagbalik ng suplay ng tubig, hayaang dumaloy muna ang tubig ng ilang minuto hanggang luminaw bago ito gamitin.

Humihingi po ng paumanhin ang Manila Water sa abalang maidudulot ng gawaing ito. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsasaayos at pagpapabuti ng serbisyo upang matiyak ang mas maayos at maaasahang suplay ng tubig.

Maraming salamat po!

LATE POST | FLAG CEREMONY 🇵🇭Noong Lunes, muli po tayong nagsama-sama sa ating Flag Ceremony bilang pagpapakita ng paggal...
07/07/2026

LATE POST | FLAG CEREMONY 🇵🇭

Noong Lunes, muli po tayong nagsama-sama sa ating Flag Ceremony bilang pagpapakita ng paggalang sa ating pambansang watawat at pagkakaisa.

Kasabay nito, nais din po naming ibahagi ang ating bagong Barangay Hall signage. Maraming salamat sa Idealdesign Sign Maker sa paggawa nito, at sa ating masisipag na Barangay Tanod, Electrician, at Auxiliary na tumulong sa pag-install.

Maraming Salamat po!


MONDAY FLAG CEREMONYIsang mapagpalang Lunes po sa ating lahat!Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating Monday Flag ...
29/06/2026

MONDAY FLAG CEREMONY

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa ating Monday Flag Ceremony. Nawa’y maging paalala ito ng ating pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at patuloy na paglilingkod.

Magkaroon po tayo ng isang ligtas, maayos, at produktibong linggo. 🇵🇭


HAPPY PRIDE MONTH 🏳️‍🌈Ngayong Pride Month, kinikilala at ipinagdiriwang natin ang kahalagahan ng paggalang, pagtanggap, ...
27/06/2026

HAPPY PRIDE MONTH 🏳️‍🌈

Ngayong Pride Month, kinikilala at ipinagdiriwang natin ang kahalagahan ng paggalang, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay. Nawa'y patuloy nating itaguyod ang isang pamayanang bukas, inklusibo, at may malasakit sa bawat isa. Sama-sama nating isulong ang pagkakaisa sa gitna ng ating pagkakaiba.

Maligayang Pride Month! 🌈



Maligayang Araw ng Maynila!Sa pagdiriwang ng ika-455 na anibersaryo ng Lungsod ng Maynila, ating ginugunita at ipinagdir...
24/06/2026

Maligayang Araw ng Maynila!

Sa pagdiriwang ng ika-455 na anibersaryo ng Lungsod ng Maynila, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang mayamang kasaysayan, kultura, at mga tagumpay ng ating mahal na lungsod. Ito rin ay pagkakataon upang kilalanin ang katatagan, pagkakaisa, at pagmamahal ng bawat Manileño sa ating lungsod.

Mula sa Barangay 775 Council, malugod naming binabati ang lahat ng mga Manileño ng isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Araw ng Maynila.

Muli, Maligayang Araw ng Maynila!



FYI ‼️
23/06/2026

FYI ‼️

LATE POST | FLAG CEREMONYNarito ang ilang kuha mula sa isinagawang Flag Ceremony ngayong Lunes. Maraming salamat po sa l...
22/06/2026

LATE POST | FLAG CEREMONY

Narito ang ilang kuha mula sa isinagawang Flag Ceremony ngayong Lunes. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras upang ipakita ang pagmamahal at paggalang sa ating watawat.

Hangad po namin ang patuloy na pakikiisa ng bawat isa sa ating lingguhang Flag Ceremony tuwing Lunes.

Address

Sagrada Familia Street
Manila
1017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 775 Zone 84 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share