CGSO - Manila

CGSO - Manila The official page of the City General Services Office, headed by Ms. Thelma L. Perez, OIC-City General Services Officer, under the leadership of HON.

MAYOR FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO.

Ang City General Services Office, sa pamumuno ni Ms. Thelma Ligaya Perez, ay taus-pusong nagpapasalamat sa Office of the...
29/04/2026

Ang City General Services Office, sa pamumuno ni Ms. Thelma Ligaya Perez, ay taus-pusong nagpapasalamat sa Office of the President of the Philippines sa pangunguna ni Hon. Ferdinand Bongbong Marcos at sa City Government of Manila sa pamumuno ni Mayor Hon. Francisco Isko Moreno Domagoso, para sa programang “Biyayang Bigas sa Maynila” na ipinagkaloob sa mga empleyado ng aming tanggapan.

Ang ganitong tulong ay malaking ginhawa at patunay ng malasakit sa kapakanan ng mga kawani ng pamahalaan. Maraming salamat po.

Ang City General Services Office, sa magiting na pangunguna ni Ms. Thelma Ligaya Perez, City General Services Officer, a...
22/04/2026

Ang City General Services Office, sa magiting na pangunguna ni Ms. Thelma Ligaya Perez, City General Services Officer, ay matagumpay na nagsagawa ng Basic Life Support and First Aid Seminar para sa mga empleyado mula sa bawat dibisyon ng opisina.

Ito ay isang opisyal na Gender and Development (GAD) Activity ng CGSO na naglalayong palakasin ang kahandaan, kaalaman, at kakayahan ng bawat kawani sa pagtugon sa mga emerhensiya, anuman ang kasarian, tungkulin, o posisyon. Sa pamamagitan ng programang ito, pinagtitibay ang isang ligtas, inklusibo, at maagap na kapaligiran sa trabaho kung saan ang bawat isa ay handang umaksyon at magligtas ng buhay kung kinakailangan.

Ayon kay Ms. Perez, “Ang kaalaman sa Basic Life Support at First Aid ay hindi lamang dagdag kasanayan, kundi isang mahalagang responsibilidad. Sa bawat tamang tugon, may pagkakataon tayong makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng seguridad sa ating komunidad sa loob at labas ng opisina.”

Lubos ding nagpapasalamat ang CGSO sa mga resource speakers mula sa Manila City DRRM Department (MCDRRMD) sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan, gayundin sa Department of Tourism Culture and Arts Manila (DTCAM) para sa pagbibigay ng venue na naging daan sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

16/04/2026
16/04/2026

“MAYNILA, LAGING HANDA” — PBBM PINURI ANG AGARANG PAGKILOS NG MANILA LGU

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Lungsod ng Maynila dahil sa mabilis na pagtugon at kahandaan nito sa pagpapatupad ng mga programa ng pambansang pamahalaan.

"Nauna lang ang Maynila dahil mabilis gumalaw ang Office of the Mayor dito sa Maynila kaya lagi silang nauuna. Kapag nagbubukas kami ng programa, nauuna. Sinasabi ko: ‘Sino iyong handa, sino iyong ready? Maynila pwede na daw bukas.’ Eh, di iyon — punta na ako sa Maynila," ani Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, patunay ito na laging handa ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila na tumugon at makiisa sa mga programang direktang nakatutulong sa mamamayan.


16/04/2026
ADVISORY: MAGSUOT NG FACE MASK SA PAGLABAS NG BAHAY 😷Inaabisuhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management D...
11/04/2026

ADVISORY: MAGSUOT NG FACE MASK SA PAGLABAS NG BAHAY 😷

Inaabisuhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang lahat ng Manileño na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, alinsunod sa patuloy na pagmomonitor sa kalagayan ng kalidad ng hangin sa Kapitolyo ng bansa.

Batay sa Air Quality Index (AQI) mula sa apat na monitoring locations sa ilalim ng Hinga Maynila Program ngayong Abril 11, 2026, alas-5:00 ng hapon, naitalang nasa “Fair” ang Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital, habang ang Puregold Tayuman ay nasa antas na “Unhealthy for Sensitive Groups.”

Dahil dito, maaaring makaranas ng hindi magandang epekto sa kalusugan ang mga kabilang sa sensitibong sektor, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may iniindang sakit sa baga, puso, o hika. Pinapayuhan ang mga may respiratory illness tulad ng asthma na iwasan o limitahan ang outdoor activities sa mga lugar na apektado ng UFSG level ng hangin.

Ayon sa monitoring, maaaring maiugnay ito sa makapal na usok mula sa nagpapatuloy na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na umaabot sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat, limitahan ang matagal na pananatili sa labas kung hindi kinakailangan, at ugaliing magsuot ng face mask bilang pag-iingat laban sa masamang epekto ng maruming hangin.

Patuloy pong minomonitor ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Manileño.


11/04/2026

Inilabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang ₱62.5 milyon bilang subsidiya para sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ang nasabing halaga ay sumasaklaw sa first quarter subsidy para sa taong 2026 bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lungsod sa kalidad na edukasyon para sa mga estudyanteng Manileño.


11/04/2026
Ngayong Araw ng Kagitingan, hindi lamang pag-alala ang ating ipinakita kundi aktwal na pagkilos para sa kapakanan ng ati...
09/04/2026

Ngayong Araw ng Kagitingan, hindi lamang pag-alala ang ating ipinakita kundi aktwal na pagkilos para sa kapakanan ng ating lungsod. Sa pangunguna ni City General Services Officer Ms. Thelma Ligaya Perez, tuluy-tuloy ang isinagawang paglilinis at pagsasaayos sa loob at labas ng Manila City Hall Building.

Nagtulong-tulong ang mga kawani ng CGSO Building Administration Division (CGSO-BAD) sa pagpipintura ng mga parking area at wheelchair ramps, gayundin sa masusing paglilinis ng paligid upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng lahat ng empleyado at mamamayan na araw-araw na naglilingkod at nagtutungo sa City Hall.

Ang simpleng gawaing ito ay sumasalamin sa tunay na diwa ng kagitingan sa makabagong panahon, ang malasakit, disiplina, at pagkakaisa sa pagpapanatili ng isang maayos at maipagmamalaking Maynila para sa bawat Manileño.

09/04/2026

JUST IN: Manila LGU, magbibigay ng ₱25,000 economic assistance sa mga panaderya kapalit ng price freeze sa mga basic Filipino breads.

Sa pagpupulong ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kaninang umaga, Abril 9, kasama ang iba’t ibang lokal na panadero sa Maynila, napagkasunduan ang pagbibigay ng ₱25,000 na tulong-pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod sa loob ng isang buwan, bilang suporta sa kanilang operasyon.

Kapalit nito, inaasahan na ang mga panaderyang lalahok ay hindi magtataas ng presyo ng kanilang mga produktong tulad ng pandesal, pan de limon, putok, at Spanish bread upang masigurong direktang makikinabang ang mga mamimili.

Layunin ng programa na matulungan ang maliliit na negosyo na maipagpatuloy ang kanilang operasyon habang nagbibigay ginhawa sa mga Batang Maynila sa gitna ng krisis.

-
E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer


Address

Manila City Hall Building
Manila
1000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CGSO - Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share