26/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/1CCgy1mtA5/
TINANGAY NA TRUCK AT TRAILER, NABAWI; MISMONG DRAYBER AT MAHIGIT ₱3.1-MILYONG KARGAMENTO, PINAGHAHANAP PA‼️
[ MPD DACU & TH€FT & R0BB€RY
RECOVERY AND FOLLOWUP OPS ]
Matagumpay na narekober ng Manila Police District (MPD) sa District Anti-Carn@pping Unit (DACU) katuwang ang Th€ft and Robb€ry Section ang isang Isuzu Truck Tractor Head at Heavy Trailer na iniulat na na-carnap kamakalawa mula sa Tondo Maynila, sa Mabilis na joint recovery operation ay natunton at nabawi sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite, madaling araw ng Hulyo 25, 2026.
Sa masusing koordinasyon, backtracking/forwardtracking sa mga cctvs --follow-up operation, natunton ng mga operatiba ni MPD Anti Carn@pping Unit chief PMAJ JOHN PETER N FALLAR ang alarmado na sasakyan at agad itong nabawi. Gayunman, kaharap ang ang may-ari/operator ng trucking company ay ininspeksyon ang naturang 40-foot re**er container, natuklasang wala na ang kargamentong nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱3,131,953.11.
Nabatid kay PMAJ FALLAR, katuwang sa operasyon ang mga tauhan ni Th€ft & R0bb€ry Section PMAJ JOSEPH JIMENEZ kung saan patuloy ang kanilang operasyon kung saan pinaghahanap rin ang mismong drayber na si alyas Ariel na sinasabing pangunahin umanong suspek sa pagtangay sa trailer truck, habang pinaiigting din ang imbestigasyon upang mabawi ang malaking halaga ng nawawalang kargamento at mapanagot ang lahat ng sangkot sa krim€n.
Alinsunod sa direktiba ni MPD Chief PBGEN ATTY ARNOLD C SANTIAGO, sinisiguro ng mga Pulis-Maynila ang kani-kanilang Bilis-Kilos na pagtugon sa bawat idinudulog ng ating mga kababayan katulad na nga rin ng nasabing insidente kung saan mismong drayber umano ang tumangay sa truck sa kasagsagan ng biyahe, gayunpaman ay narekober ito at patuloy ang hot pursuit operation.
ANCAR👍🏽