12/06/2026
๐ต๐ญ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐ฅ๐๐ก๐ฌ๐ ๐ต๐ญ
128 na taon na ang nakalilipas mula nang iwagayway ang ating bandila, ngunit nananatili ang hamon sa ating kalayaan sa gitna ng mas sopistikadong anyo ng dayuhang kontrol. Sa kasalukuyan, hindi na lamang pisikal na pananakop ang ating kinakaharap kundi ang banta ng "Pax Silica"โang modernong geopolitikal na tunggalian kung saan ang mga makapangyarihang bansa ay nag-uunahan sa pagkontrol sa teknolohiya, digital na imprastraktura, at mga kritikal na suplay tulad ng semiconductors. Sa ilalim ng huwad na kapayapaang ito, patuloy na nagmamaniobra ang mga dayuhang entidad upang pasukin at manmanan ang ating mga digital na sistema habang sabay na nagpapakita ng agresyon sa ating mga teritoryo tulad ng West Philippine Sea. Ang ganitong imperyalistang interes ay naglalayong panatilihin ang Pilipinas bilang tagatustos lamang ng hilaw na materyales at consumer ng dayuhang teknolohiya, habang ninanakawan tayo ng karapatang pakinabangan ang sarili nating likas na yaman.
Bilang mga progresibong mag-aaral sa ilalim ng Bukluran, mariin nating kinokondena ang sistematikong infiltrasyon at pagsasalaula sa ating pambansang patrimonya. Ang tunay na paglaya ay hindi magaganap hangga't ang ating mga karagatan ay pinipigilang mapangisdaan ng sarili nating mamamayan at ang ating digital na soberanya ay nakasandig sa interes ng mga dayuhang korporasyon at estado. Panahon na upang magkaisa ang kabataan at ang buong sambayanan upang buwagin ang tanikala ng modernong kolonisasyon. Atin ang Pinas! Atin ang West Philippine Sea! Ipagtanggol ang soberanya at ipaglaban ang tunay, malawakan, at progresibong kalayaan ng bayan!
Patuloy tayong makialam, lumabas, at makibuklod! Tara na sa Bukluran!
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐ https://tinyurl.com/PREREGBUKLURAN
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ค๐ง๐๐๐ฃ๐๐ง๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ. โจ