10/03/2026
ππ πππππ πππππππ!β£
β£
Pahayag ng Sulong TUP-Manila, sa hindi makatarungang pagharang at hindi pagpapapasok sa mga Haligi ng Bayan sa ating pamantasan, at ang sapilitang pagkuha ng ID upang makapasok. β£
β£
Ang malayang pagpasok ng mga estudyante ng pamantasan ay protektado sa ilalim ng ππππππππ πππ ng ating ππππππππππππ, at maari lamang pigilin ng mga gwardya at security kung nagdadala ng panganib sa sarili, sa kapwa, o sa pamantasan. Hindi kaylan man magiging dahilan ang haba ng buhok upang harangin ang ating karapatan sa edukasyon.β£
β£
Mariing na kinokondena ng mga lider-estudyante mula sa Sulong TUP-Manila, ang pagyurak ng pamantasan sa karapatan ng bawa't magaaral nito, at ang kawalan ng tamang proceso sa pagpapataw ng makalumang polisiya ng Hair and Dress code. Pananagutan sa mga magaaral ng pamantasan, at respeto para sa karapatan ng bawa't isa. Ang konstitudyonal at demokratikong karapatan ng bawa't mamamayan ay hindi nalulusaw sa pagpasok sa unibersidad, at mas lalo ng hindi mas mataas ang makalumang student handbook sa pambansang batas na nagpo-protekta sa ating mga estudyante.β£
β£
Inaanyayan namin kayo na abutin kami at magpabatid ng mga detalye sa mga nangyayari o pahayag ukol dito, sa pamamagitan ng pagmessage sa page ng Sulong TUP-Manila.β£
β£
ππππππ πππ πππππ πππππππππ!β£
πππππππππππ πππππππππ πππππππππ!β£
β£
β£