BRGY 646, ZONE 67

BRGY 646, ZONE 67 A documentation of accomplishment of BRGY 646 ZONE 67

Noong Agosto 28,2026 araw ng Biernes Tagumpay na nai-turn over ang LIBRENG BANGKA sa ating barangay na pinangunahan ng m...
31/08/2026

Noong Agosto 28,2026 araw ng Biernes

Tagumpay na nai-turn over ang LIBRENG BANGKA sa ating barangay na pinangunahan ng mga MLHUILLIER COORDINATOR AND STAFF at ni Mr. Arnel Eustacio M. Angeles Director of the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sa pangunguna ni Ch. Roel Floro at ng kanyang mga KONSEHO, gayon rin ng mga mamamayan ng Barangay 646 ay lubos po kaming nag papasalamat sa biyayang inyong ipinagkaloob, upang mapanatili po ang kaligtasan ng aming mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Ito po ay isang biyaya na may kaakibat na responsibilidad. Kung kaya`t makakaasa po kayo na ito ay aming pakaiingatan at hinihiling na huwag magamit. Subalit kung ito man ay kinakailangan, makakapag salba ito ng buhay at makakapag panatili ng kaligtasan!

Maraming salamat sa magandang adhikaing ito MLHUILLIER at maraming salamat, sapagkat sa dinami-rami ng barangay sa Lungsod ng Maynila, napili ninyo ang Barangay 646 upang mapagkalooban nito.

Maraming salamat po sa pagiging "TULAY NG BAWAT PAMILYANG PILIPINO‼️"

Happy Birthday Nanay Betty🎂🎉✨Maraming salamat po sa inyong SERBISYO at PAGPAPANATILING MALINIS palagi ang opisina ng Bar...
29/08/2026

Happy Birthday Nanay Betty🎂🎉✨

Maraming salamat po sa inyong SERBISYO at PAGPAPANATILING MALINIS palagi ang opisina ng Barangay lalo na kapag UMAGA!!

Mula po sa inyong Pamilya mula sa Barangay 646, sa pangunguna ni Chaiman Roel Floro ay humihiling ng MAGANDANG KALUSUGAN, MAHABANG BUHAY AT BIYAYA para sa inyo🎂🎂🎂

HAPPY 80th Birthday po Nanay Betty🎉🎉🎉

28/08/2026

Turn Over Ceremony of BOAT DONATION at BARANGAY 646. From MLHUILLER🩷🩷🩷

Maraming Salamat sa SERBISYO SECRETARY AMOR BERNARDINO+++Hindi matatawaran ang iyong paglilingkod, gayon rin ang iyong d...
27/08/2026

Maraming Salamat sa SERBISYO SECRETARY AMOR BERNARDINO+++

Hindi matatawaran ang iyong paglilingkod, gayon rin ang iyong dedikasyon pagdating sa iyong mga TUNGKULIN.

Sa lahat po ng mga Kabarangay natin na nais pong masilayan ang mga labi ni Mami Amor, at makiramay ngayon po ang kanyang huling araw ng pamamalagi sa Barangay 646 (FRIDAY).

At mamaya rin po 6:00PM magkakaroon po ng banal na misa at panalangin para sa kanyang walang hanggang kapahingahan.

Hanggang sa muli Mami Amor🕯️

Maraming Salamat sa SERBISYO SECRETARY AMOR BERNARDINO+++Hindi matatawaran ang iyong paglilingkod, gayon rin ang iyong d...
26/08/2026

Maraming Salamat sa SERBISYO SECRETARY AMOR BERNARDINO+++

Hindi matatawaran ang iyong paglilingkod, gayon rin ang iyong dedikasyon pagdating sa iyong mga TUNGKULIN.

Mamimiss po ng Barangay ang inyong ngiti, gayon rin ang inyong mabilis na aksyon sa bawat mga kabarangay nating nangangailangan ng mga papeles!

Hindi mo man mga anak o kamag anak ang mga taong nabigyan mo ng serbisyo, marami ang tumatawag sayo ng MOMMY✨✨✨

Hanggang sa muli Mommy Amor🕯️

BELATED HAPPY BIRTHDAY SK LANCE ORANTES🎂🎂🎂Mula sa iyong pamilya sa BARANGAYAN maraming salamat sa iyong SERBISYO AT PATU...
23/08/2026

BELATED HAPPY BIRTHDAY SK LANCE ORANTES🎂🎂🎂

Mula sa iyong pamilya sa BARANGAYAN maraming salamat sa iyong SERBISYO AT PATULOY NA PAGTUPAD SA IYONG PANGAKO‼️‼️‼️

Muli, mula sa barangay 646 BELATED HAPPY BIRTH SK LANCE🎉🎉🎉

CLEAN UP DRIVE‼️Patuloy ang pag sunod sa adhikaing MAKE MANILA GREAT AGAIN☝️Pinangunahan ni Kagawad Jessel Jarilla at Se...
22/08/2026

CLEAN UP DRIVE‼️

Patuloy ang pag sunod sa adhikaing MAKE MANILA GREAT AGAIN☝️

Pinangunahan ni Kagawad Jessel Jarilla at Sec. Raquel Villanueva ang CLEAN UP DRIVE. Ito ay Alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Lungsod Yorme Isko Moreno na linisin ang Maynila tuwing araw ng Sabado. Katuwang rito ang lahat ng mga Barangay VOLUNTEERS. Sabay sabay nating linisin ang ating Barangay at makiisa sa DIREKTIBA ng ating Punong Lungsod Yorme Isko.

HINDI ALINTANA ANG ULAN SA TAWAG NG SERBISYO!!!

Isang pamumunong may puso ang nais ihatid sa inyo ni Ch. Roel Floro sampu ng kanyang mga KONSEHO✨✨✨


🎓 Isang taos-pusong pagbati kay Rafael Rey  A. Villegas💙💛Ang iyong pagtatapos sa kursong Bachelor of of Secondary Educat...
21/08/2026

🎓 Isang taos-pusong pagbati kay Rafael Rey A. Villegas💙💛

Ang iyong pagtatapos sa kursong Bachelor of of Secondary Education , Major in Filipino mula sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology ay bunga ng iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa iyo, kundi isang inspirasyon din sa mga kabataang nangangarap at nagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan. Nawa'y magsilbi itong paalala na ang bawat pagsubok ay may katumbas na tagumpay para sa mga taong hindi sumusuko.

Mula sa iyong Pamilya sa Barangay 646 salamat sa iyong dedikasyon sa bawat pag tulong ng mga MATAGUMPAY NA PROYEKTO pag dating sa proseso at paghahanda para sa aming mga programa.

Muli, taos-pusong pagbati, Rafael Rey (RR)! 🎉

Pinangunahan ng mga BARANGAY TANOD ang paglilinis ng mga itinambak na mga kagamitan sa mga PUBLIC SPACES sa P. CASAL na ...
18/08/2026

Pinangunahan ng mga BARANGAY TANOD ang paglilinis ng mga itinambak na mga kagamitan sa mga PUBLIC SPACES sa P. CASAL na hindi napat pinagtatambakan.

Panatilihin po nating malinis at kaaya aya ang tapat ng ating barangay!

Isang paalala mula kay Ch. Roel Floro at mga KONSEHO❤️❤️❤️

Address

Solano Street
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY 646, ZONE 67 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share