17/04/2022
PAGKAMPIHAN KA MAN NG PUWERSA NG KALABAN, HINDI MATITINAG ANG AMING PANININDIGAN!
Ang patuloy na paglakas, paglawak at pagyakap ng kabataan at taumbayan kay BusyPRESIDENTE LENI ROBREDO ay nagpapatunay lamang ng paghahangad ng mamamayan ng isang pangulong magdadala sa ating lahat sa landas tungo sa isang matapat, mapagkalinga at matatag na gobyerno.
Hindi si Marcos Jr ang isyu ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo, kung hindi ang usapin ng pagnanakaw, pang-aabuso sa kapangyarihan at pagpapayaman gamit ang posisyon sa gobyerno. Kung ikaw ay nakikinabang o nakinabang dito tama lamang na ikaw ay mahigpit na tutulan, labanan at panagutin!
Ang korapsyon ang isang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na lumalala ang kahirapan sa isang bansa. Alam nating lahat dahil sa matapang na pagpapahayag ni busyPresidente Leni Robredo laban sa korapsyon ay may tatamaan at may gagawa ng mga paninira sa kanyang krediblidad upang maging pangulo ng ating bansa. Hindi bulag ang kabataan at taumbayan dito! Patuloy kaming titindig hanggang mailuklok namin siya sa Malacanang.
Si busyPresidente Leni Robredo ay may malinaw na platapormang tutugon sa napapanahong pangangailangan ng mamamayan, handang humarap sa lahat ng mga debate at diskurso upang masuri natin ang kanyang pangarap para sa mga Pilipino at higit sa lahat may resibong kayang ipakita ukol sa kanyang nagawa at gagawin pa, tanda ng isang pinunong naiintindihan ang salitang katapatan, responsibilidad at pananagutan sa taumbayan. Iyan ang uri ng lider na kailangan ng ating bansa!
PAGKAMPIHAN KA MAN NG PUWERSA NG KALABAN, HINDI MATITINAG ANG AMING PANININDIGAN!
President Maria Leonor Gerona Robredo!
Ipanalo natin ito hanggang dulo!
!