Partido Tanglaw

Partido Tanglaw Running political party for Adamson University-PULITIKA, a recognized student organization of Adamson

TINGNAN: Resulta sa halalan ng AdU-PULITIKAMaraming salamat Political Science community sa pagboto! Isa sa mga primaryan...
11/06/2023

TINGNAN: Resulta sa halalan ng AdU-PULITIKA

Maraming salamat Political Science community sa pagboto! Isa sa mga primaryang layunin ng partido ang mas mataas pang porsyento ng pakikilahok ng komunidad tulad ng halalan. Asahan ninyong mas pag-iigihan pa natin ang pagkamit sa adhikaing ito.

Maraming salamat din sa mainit na suporta ng kalakhan sa aming partido—kasing init ng tanglaw na sinindihan at bibitbitin natin tungo sa pagpapanday sa mas maayos na komunidad ng Political Science. Ngunit dito rin nagtatapos ang pagkakahati natin sa suporta at partido; muli tayong magsasama-sama para sa pagkamit ng mas matalas, mas maayos, at mas makataong Political Science community.

Narito ang balangkas ng mga platapormang nais isulong ng ating mga susunod na lider-estudyante. Bilang mga mag-aaral ng ...
09/06/2023

Narito ang balangkas ng mga platapormang nais isulong ng ating mga susunod na lider-estudyante. Bilang mga mag-aaral ng Agham Pampulitika, nararapat nating suriin nang maigi ang mga katangian ng ating ihahalal sa AdU-PULITIKA. Ito ang pinaniniwalaan ng Partido TANGLAW.

Sikhay ng Kabataan, Pananglaw ng Kinabukasan!




Ang mahusay na lider ay may tapang, may kusa, at higit sa lahat, may konkretong mga plano.Sa Partido TANGLAW, tiyak ang ...
09/06/2023

Ang mahusay na lider ay may tapang, may kusa, at higit sa lahat, may konkretong mga plano.

Sa Partido TANGLAW, tiyak ang liwanag ng kinabukasan sa mga plano at platapormang progresibo, may puso, at huhulma sa makabago at matagumpay na komunidad ng Agham Pampulitika.

Narito ang mga platapormang nais isulong ng ating mga susunod na lider-estudyante. Dahil sa Partidong TANGLAW, Sikhay ng Kabataan, Pananglaw ng Kinabukasan!

Executive Committee
AUSG Representative: PAUL MATTHEW G. SANTILLAN
President: JUSTIN MAE R. ESTILLES
VPI: JUNE ERIKA ZAPEDA
VPE: NINA KYLA MARIE Y. ESTAYAN
Secretary: REIGHN ALLEN CAMPO
Treasurer: ISABELLA LEIGH C. TABUDLONG
Auditor: JAIRINE KHYLA L. MEJIA
P.R.O.: ANAEZA AUBREY D. BORJA

Board of Councils
Academic and Information Affairs: RIDELLE GEN T. PRUDENCIO
Social and Environmental Affairs: MARIANE RAYCHELLE BARBACENA
Recreational Affairs: IAN DIEGO GERVACIO
Students’ Rights and Welfare: DEMETRIA MAY DELA CERNA

Batch Representatives
2nd Year Batch Representative: FEONA CELINE MICHAELA S. CADAG
3rd Year Batch Representative: FRANCES GLICEREE R. CAMENFORTE
4th Year Batch Representative: DAINIELLE A. BALLESTEROS
Halina't samahan kami sindihan ang tanglaw para sa ating kinabukasan!

SIKHAY NG KABATAAN, PANANGLAW NG KINABUKASAN!Saklaw ng laban ng masa ang laban ng mag-aaral.Sa gitna ng humihigpit na kl...
09/06/2023

SIKHAY NG KABATAAN, PANANGLAW NG KINABUKASAN!
Saklaw ng laban ng masa ang laban ng mag-aaral.

Sa gitna ng humihigpit na klimang politikal, hindi nakukulong sa pagsasalita ang gampanin ng isang ninanais maglingkod. Nararapat ding taglayin niya ang kahandaang makinig sa pangangailangan ng mga mag-aaral, umaksyon sa panahon ng pangangailangan, at tumindig sa oras ng kagipitan.

Halina't samahan kaming sindihan ang tanglaw para sa ating kinabukasan!
Partido TANGLAW para sa darating na halalan!




09/06/2023

Sa panahon ng dilim at pangamba, sa gitna ng pag aagam-agam at kawalan ng pag-asa, nanatili ang ating pangarap para sa mas maayos na pamamahala. Ngunit nahaharap tayo sa tanong na, "Kaya ba natin?"

Batid namin ang hirap ng pakikibaka sa buhay bilang mga estudyante at mamamayan; sa loob man ng unibersidad o sa labas ng lumalalang krisis ng mala-kolonyal na lipunan.

Kaya naman maigting na tinanggap namin ang hamon na gamitin ang lakas, talino, at pagpupursigi para sa isang progresibo at organisadong pamamahala para pagsilbihan ang kapwa namin estudyante. Wika nga ng mga Pilipinong Teologo noong nakaraang pambansang halalan, "Hindi na sapat ang mangarap, kailangan nang magtaya".

Hindi kami ang liwanag, tanglaw lamang kami patungo rito. Sama-sama nating pandayin ang ating kolektibong pangarap para sa tunay na representasyon ng ating mga sarili at ating mga karapatan. Pulitikans, kaisa ninyo kami sa pagtanglaw ng malayang bukas!

Address

900 San Marcelino Street
Manila
1000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Partido Tanglaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share