Tambisan sa Sining - Sta. Mesa

Tambisan sa Sining - Sta. Mesa

CALL FOR DONATIONS! Ang First Day Fight ay isang taunang selebrasyon na ginagawa sa PUP. Bitbit ng tradisyong ito ay ang...
16/08/2026

CALL FOR DONATIONS!

Ang First Day Fight ay isang taunang selebrasyon na ginagawa sa PUP. Bitbit ng tradisyong ito ay ang diwang palaban na nakaugat sa malawak na kasaysayan ng pakikibaka ng mga kabataan tungo sa pakikipaglaban para sa edukasyong aksesable sa malawak na hanay ng mga kabataan.

Kasabay nito, ay ang paghahanda ng mga kabataan upang salubungin ang bagong akademikong taon nang palaban. Kung kaya mula sa Tambisan sa Sining - Sta. Mesa, kami ay nananawagan ng donasyon upang pangtustos sa rekursong kakailanganin sa paggawa ng mga panawang dadalhin ng mga kabataan sa darating na First Day Fight sa August 18. Anumang halaga, ay malaki ang maitutulong nito sa pagkakatuparan ng mga panawagan ng mga Kabataang Artista ng Bayan.

โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ FIRST DAY FIGHT 2026 โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅInaanyayahan namin ang mga Artista't Iskolar ng Bayan na makilahok sa natitirang araw para...
14/08/2026

โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ FIRST DAY FIGHT 2026 โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Inaanyayahan namin ang mga Artista't Iskolar ng Bayan na makilahok sa natitirang araw para sa paghahanda ng unang araw ng eskwela!

EDUCATIONAL DISCUSSIONS
Aug 14 | Pax Silica Primer
Aug 15 | PAKUM Fest
Aug 16 | On Neoliberalism
Aug 17 | KTPMU

PRODUCTION WORK
Aug 14-17
Placard Making
Patchwork & Balatengga Making
Chorale Performance

Mag-mensahe sa aming page kung nais mag volunteer!

JOIN Tambisan sa Sining-Sta. Mesa:
tinyurl.com/jointambestamesa
tinyurl.com/jointambestamesa
tinyurl.com/jointambestamesa

๐Ÿšจ ALERT! ๐Ÿšจ BCDA, gustong targetin ang mga impluwensya raw sa likod ng pagtutol ng mga magsasaka sa Pax Silica. Ngunit, m...
13/08/2026

๐Ÿšจ ALERT! ๐Ÿšจ

BCDA, gustong targetin ang mga impluwensya raw sa likod ng pagtutol ng mga magsasaka sa Pax Silica. Ngunit, malinaw sa atin na ang kanilang pagtutol ay dahil sa kanila mismong karanasan sa pananamantala ng nga ganid na kapitalista at mismong ng imperyalistang US.

Ang pakikiisa sa pagtutol ay hindi impluwensya, kundi ang pagpapakita na batid ng sambayanang Pilipino ang karapatan na dapat ipaglaban ng mga magsasaka at katutubo sa kanilang lupa at kabuhayan.

STAND WITH OUR FARMERS! NO TO PAX SILICA!




๐‘ถ๐‘ท๐‘ฌ๐‘ต๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘จ: ๐‘ฒ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐‘ฒ๐’๐’๐’•๐’“๐’‚ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’†๐’“๐’š๐’‚๐’๐’Š๐’”๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐†๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐Œ๐ ๐š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐ƒ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐Œ๐š๐๐ซ๐ข๐ โ€” S...
12/08/2026

๐‘ถ๐‘ท๐‘ฌ๐‘ต๐‘บ๐‘ฐ๐‘ฉ๐‘จ: ๐‘ฒ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐‘ฒ๐’๐’๐’•๐’“๐’‚ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’†๐’“๐’š๐’‚๐’๐’Š๐’”๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’ˆ๐’Ž๐’‚
๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐†๐€๐๐€๐†๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€

๐Œ๐ ๐š ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐ƒ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐Œ๐š๐๐ซ๐ข๐ โ€” Surian ng Sining
Filmmaker, labor rights advocate, at Secretary General ng Surian ng Sining. Dating Public Information Officer ng Kilusang Mayo Uno at propaganda committee head ng Tambisan sa Sining.

๐‰๐จ ๐“๐š๐ง๐ข๐ž๐ซ๐ฅ๐š โ€” Linangan ng Kulturang Pilipino
Visual artist at labor rights advocate. Kasalukuyang secretary ng Department of Cultural Affairs ng Kilusang Mayo Uno. Ateneo Art Awards Fernando Zobel Prize awardee.

๐‰๐š๐ข๐ฆ๐ž ๐‚๐š๐ฅ๐ฆ๐š โ€” The FQS Movement
Labor rights advocate at cultural worker, kasapi ng First Quarter Storm Movement.

Moderator:
๐‘ฌ๐’•๐’Š๐’†๐’๐’๐’† ๐‘ญ๐’๐’“๐’•๐’Š๐’ mula sa Surian ng Sining - Human Rights Desk

๐Ÿ—“๏ธ August 13, 2026 ยท 1:00 PM
๐Ÿ“ 2F Ateneo Art Gallery, Ben Chan ArtSuite
Soledad V. Pangilinan Arts Wing, Aretรฉ, Ateneo de Manila University

Bahagi ng pampublikong programa ng ๐“๐š๐ง๐š๐ฐ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐šฬ๐ญ๐ข๐ค: ๐’๐ข๐ฉ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ฅ๐ž๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š (๐Ž๐ซ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐’๐ข๐ ๐ก๐ญ: ๐€ ๐•๐ข๐ž๐ฐ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ค) sa Ateneo Art Gallery. Kabahagi rin ang Hilway Press at Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing para sa pagbubuo ng ating programa!
Ang pagtitipon na ito ay bukas sa lahat!

๐Ÿ‘‰๐Ÿ‘‰MAG SIGN UP NA PO KAYO DITO: https://go.ateneo.net/LunsadKampanyaOpensiba

TUTULAN ANG PAGPAPATAYO NG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! DPWH, PALAYASIN SA PAROLA!Mahigit 3 taon nang simulan ang proyekto...
08/08/2026

TUTULAN ANG PAGPAPATAYO NG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! DPWH, PALAYASIN SA PAROLA!

Mahigit 3 taon nang simulan ang proyekto ng DPWH na North-South Harbor Bridge kung saan tatamaan ang mga tirahan ng mga residente ng Parola. Nagsimula sa maliit na bahagdan ng tatamaang erya, hanggang sa malaking lupain na ng Parola ang nais gamitin sa pagtatayo ng tulay na siyang magsisilbi lang naman sa interes ng mga naglalakihang korporasyon at ganid na kapitalista.

Noong Mayo lamang ay pininsala ng malawak na sunog ang higit 1200 na kabahayan na tinitirahan ng mahigit 7,000 na residente. At sa halip na tulungan ang mga mamamayan upang muling magsimula ng kanilang pamumuhay, mas itinuon pa ng DPWH at NHA ang kanilang atensyon tayuan ito ng tulay palayasin ang higit 1300 na residente.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,390 na bahay ang tatamaan ng demolisyon upang maitayo ang North-South Harbor Bridge, ngunit nasa 200 lamang sa mga ito ang mga mairereloka at mabibigyan ng kumpensasyon, ngunit hindi rin garantisado ang kabuhayan sa lugar na kanilang paglilipatan.

Sagasa din ang proyekto ng DPWH sa Presidential Proclamation 571 at Executive Order 108 na nag ga-gawad ng lupain ng Parola sa mga mamamayan naninirahan dito. Sa madaling salita: Sa mamayan ng Parola ang lupaing iyon kaya sila ang may karapatan doon.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, patuloy na pinagsasamantalahan ang milyun-milyong Pilipino. Imbis na unahin ni Marcos Jr. ang hinaing at kapakanan ng mga Pilipino, siya pa mismo ang nagpapahintulot sa mga proyektong pumipinsala sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Kung patuloy na magpapakatuta at magtatago sa anino ng mga ganid na kapitalista si Marco Jr., patuloy ding maghihirap ang sambayanang Pilipino sa lumalalang krisis sa ating lipunan.

Itigil ang pagtatayo ng North-South Harbor Bridge! Kilalanin ang PP 571 at EO 108!
Demolisyon, Tutulan, Labanan, Huwag Pahintulutan!

Pahayag ng Tambisan sa Sining โ€” Sta. Mesa ukol sa Temporary Restraining Order ng Pasig Regional Trial Court (RTC) sa โ‚ฑ85...
07/08/2026

Pahayag ng Tambisan sa Sining โ€” Sta. Mesa ukol sa Temporary Restraining Order ng Pasig Regional Trial Court (RTC) sa โ‚ฑ85 Wage Increase sa Metro Manila matapos magpahayag ng hinaing ang dalawang malaking construction corporation

DAGDAG SAHOD, IPAGLABAN! WAGE SUSPENSION, TUTULAN!


ITIGIL ANG PAGPAPATAYO NG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! DPWH, LAYAS SA PAROLA!Pagkatapos ng malawak na sunog na pininsala a...
07/08/2026

ITIGIL ANG PAGPAPATAYO NG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! DPWH, LAYAS SA PAROLA!

Pagkatapos ng malawak na sunog na pininsala ang mahigit 1,200 na kabahayan at lugar-paninirahan ng mamamayan mula sa Binondo Side ng Parola, sa halip na paunlarin ang kalagayan ng mga paninirahan, ay itinuon pa rin ng DPWH at NHA ang pagpapatayo ng mapaminsalang tulay na magpapalayas sa mahigit 1,300 na mga kabahayan sa Parola.

โ€œMaari pa ring magtayo ng bahay dahil sa 2028 pa maitatayo ang tulayโ€ ani ng NHA sa ilang mga residente hinggil sa pagpapatayo ng mga bahay matapos ang sunog. Malinaw na walang malasakit ang pamahalaan sa mga tatamaan ng demolisyon at mawawalan ng paninirahan, walang tiyak na programang nakahapag para mabigyan ng maayos na tirahan ang mga tao. Sobra-sobra ang prayoridad nitong ipatayo ang tulay na pagsisilbihan ng mga malalaking negosyo samantalang nasa bingit ng kawalan ng bahay ang mamamayan ng Parola.

Kasabay nito, hindi naman libre at dekalidad ang mga inaalok na pabahay sa mga residente. Nawalan na ng bahay, trabaho at hanapbuhay, pagbabayarin pa ng matataas na upa sa mga lugar na malalayo sa mga paaralan, ospital, at hanapbuhay!

Proklamado na sa mamamayan ng Binondo side ang lupang tinitirikan. Illegal ang pamantayan ng DPWH para itulak ang pagpapatayo ng North-South Harbor Bridge at sapilitang palalayasin ang mamamayan sa kanilang karampatang mga tahanan! Direktang sinasagasaan nito ang ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฑ๐Ÿณ๐Ÿญ ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿด na ipinoproklama ang lupa ng Binondo side sa mamamayan nito.

Hindi sagot sa krisis sa paninirahan ang tulay na pakikinabangan lamang ng iilan!
MAMAMAYAN, TUTULAN ANG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! KARAPATAN SA PANINIRAHAN, IPAGLABAN! RESPETUHIN ANG PROKLAMASYONG 571!

ITIGIL ANG PAGPAPATAYO NG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! DPWH, LAYAS SA PAROLA!

Pagkatapos ng malawak na sunog na pininsala ang mahigit 1,200 na kabahayan at lugar-paninirahan ng mamamayan mula sa Binondo Side ng Parola, sa halip na paunlarin ang kalagayan ng mga paninirahan, ay itinuon pa rin ng DPWH at NHA ang pagpapatayo ng mapaminsalang tulay na magpapalayas sa mahigit 1,300 na mga kabahayan sa Parola.

โ€œMaari pa ring magtayo ng bahay dahil sa 2028 pa maitatayo ang tulayโ€ ani ng NHA sa ilang mga residente hinggil sa pagpapatayo ng mga bahay matapos ang sunog. Malinaw na walang malasakit ang pamahalaan sa mga tatamaan ng demolisyon at mawawalan ng paninirahan, walang tiyak na programang nakahapag para mabigyan ng maayos na tirahan ang mga tao. Sobra-sobra ang prayoridad nitong ipatayo ang tulay na pagsisilbihan ng mga malalaking negosyo samantalang nasa bingit ng kawalan ng bahay ang mamamayan ng Parola.

Kasabay nito, hindi naman libre at dekalidad ang mga inaalok na pabahay sa mga residente. Nawalan na ng bahay, trabaho at hanapbuhay, pagbabayarin pa ng matataas na upa sa mga lugar na malalayo sa mga paaralan, ospital, at hanapbuhay!

Proklamado na sa mamamayan ng Binondo side ang lupang tinitirikan. Illegal ang pamantayan ng DPWH para itulak ang pagpapatayo ng North-South Harbor Bridge at sapilitang palalayasin ang mamamayan sa kanilang karampatang mga tahanan! Direktang sinasagasaan nito ang ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฑ๐Ÿณ๐Ÿญ ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿด na ipinoproklama ang lupa ng Binondo side sa mamamayan nito.

Hindi sagot sa krisis sa paninirahan ang tulay na pakikinabangan lamang ng iilan!
MAMAMAYAN, TUTULAN ANG NORTH-SOUTH HARBOR BRIDGE! KARAPATAN SA PANINIRAHAN, IPAGLABAN! RESPETUHIN ANG PROKLAMASYONG 571!

Pagtibayin ang ating pagkakaisa para sa karapatan sa paninirahan! sumali sa PAMATU! โœŠ
https://forms.gle/ozbxVzjFRFTBoyJA9
https://forms.gle/ozbxVzjFRFTBoyJA9
https://forms.gle/ozbxVzjFRFTBoyJA9

01/08/2026

CALLING FOR DONATIONS! โœŠโœจ๏ธ

Nananawagan kami ng suporta para sa transportasyon ng mga volunteer na makikiisa sa laban ng mga manggagawa upang itayo ang tunay, palaban, at makabayang unyon na LDM-IWS. Maaaring i-scan ang QR code para sa pagpapaabot ng donasyon. Lagyan lamang ng note na: Para sa IWS Volunteers!

Sumama sa laban ng mga manggagawa sa IWS!
Ipanalo ang LDM-IWS-ADLO-KMU! โœŠ

Mariing kinukondena ng Tambisan sa Siningโ€“Sta. Mesa ang ilegal na pagdakip at pag-aresto ng PNP sa SONA 51.Kriminal ang ...
29/07/2026

Mariing kinukondena ng Tambisan sa Siningโ€“Sta. Mesa ang ilegal na pagdakip at pag-aresto ng PNP sa SONA 51.

Kriminal ang Philippine National Police na nag-aastang protektor at terorista ang estado. Gumamit ng dahas ang kapulisan laban sa mga lumahok sa mapayapang pagtitipon. Dinakip ang mga aktibista, mamamahayag, pati na paralegal nang walang sapat na batayan. Hindi ito bahagi ng pagpapatupad ng kaayusan, kundi isang panunupil sa malayang pagpapahayag.

Sa halip na tugisin ang mga korap at tiwaling opisyal sa bansa, nakatuon ang PNP sa pagharang at pag-aresto sa taumbayang naglalantad ng kasalukuyang kalagayan sa bansa. Malaya ang mga pugante at buwaya sa pamahalaan, samantalang ang mga rallyistang may panawagan ang siyang dinadakma at pinupusasan. Ang paggamit ng anumang porma ng sining bilang protesta ay hindi kailanman krimen. Ang nangyaring pag-aresto ay hayagang paglabag sa karapatan sa pamamahayag at sa kalayaan ng pagtitipon.

Ang insidenteng ito ay pagpapatunay na buhay at namamayagpag ang kultura ng impunidad sa bansa. Hindi nagsisilbi ang PNP para sa kapakanan ng publiko; bagkus, ginagamit ang puwersa nito upang kasangkapanin ng estado na supilin ang mga nakikibakang mamamayan.

Sa SONA 51 at iba pang nangyaring pag aresto sa ibang panig ng bansa, ipinakita ng administrasyong Marcos Jr. ang takot nito sa dumadaluyong na pagkilos ng sambayanan.

Agarang palayain ang mga natitira pang nakakulong! Panagutin ang mga opisyales na nag-utos at nagsagawa ng mga labag sa batas na operasyong ito!


Dumaluyong sa lansangan ang nagngangalit na taumbayan kahapon, Hulyo 27, sa kahabaan ng Commonwealth upang ilantad ang t...
28/07/2026

Dumaluyong sa lansangan ang nagngangalit na taumbayan kahapon, Hulyo 27, sa kahabaan ng Commonwealth upang ilantad ang tunay na kalagayan ng mamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr.

Bitbit ang mga malikhaing panawagan at tampok ang mga sining-biswal, mapangahas na nagmartsa ang iba't-ibang sektor sa lipunan upang ilantad ang kasalatan sa serbisyo, kawalang katarungan at pananagutan ng Gobyerno ng Pilipinas. Wala itong ibang inatupag kundi ipalamon sa Estados Unidos ang mga lupa, likas na yaman at lakas-paggawa ng bansa. Mulat ang mga kabataan at Artista ng Bayan sa kronikong krisis na nililikha ng Imperyalismo, Pyudalismo, at Burukrata kapitalismo at sa nagagawa ng sama-samang pagkilos. Kaya't sa lagablab ng mainit na pakikibaka ng mamayang mulat at lumalaban, nagpapatuloy ang ating pakikibaka para sa tunay na kasarinlan at matagalang kapayapaan.

ARTISTA NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!


----
Sumali sa Tambisan sa Sining-Sta. Mesa:
tinyurl.com/joinstambesa

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tambisan sa Sining - Sta. Mesa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tambisan sa Sining - Sta. Mesa:

Shortcuts

Share