07/09/2026
Panoorin: Nakapanayam ng Radyo Publiko - Bangon Bayan Mahal si Usec. Jose Torres, Jr. , Executive Director ng PTFOMS, tungkol sa kahalagahan ng darating na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.
Ayon kay Usec. Torres, ang PTFOMS, sa kooperasyon ng OPAPRU, ay humigit kumulang na isang taon na naghahanda para sa eleksyon tulad ng pagsasagawa ng serye ng oryentasyon at safety trainings para sa midya. Makaka-asa ang mga mamamahayag na magkakaroon ng Media Monitoring Centers sa Marawi at Cotabato at Quick Reaction Teams kasama ang PNP, COMELEC at iba pang ahensya para siguraduhin ang kaligtasan nila. Tumawag lamang sa PTFOMS Hotline 0965 031 0377.
Dagdag pa ni Usec. Torres, “Inaasahan na ang mga kandidato at opisyales sa BARMM ay maintindihan ang kahalagahan ng midya na malayang masaksihan at maiulat ang pangyayari sa makasaysayang kaganapang ito. Para sa mga kasamahan sa midya, nawa’y mapaghandaan ng maayos hindi lamang ang mga kagamitan kundi pati rin ang inyong kalusugan. Alamin ang konteksto at kasaysayan ng lugar; alalahanin na maging patas sa pag-uulat, malawak na pagtingin sa sitwasyon, at laging maging maingat at responsible sa pag-uulat. Ika nga, “There is no story worth our lives.”
PTFOMS Hotline: +63 965 031 0377
PTFOMS Incident Report Form: https://forms.gle/hNizuXw7AhPn5DnN9