Kabataan Partylist - TUP Manila

Kabataan Partylist - TUP Manila Sinusulong ng Kabataan Party-list ang panlipunang pagbabago at tunay na pag-unlad sa bansa. Ito ay pulitikang kumakatawan sa interes ng mas nakararami.

Ang balangay ng UNA, NATATANGI, at TUNAY na boses ng kabataan sa kongreso sa TUP Manila โš™๏ธโœŠ

https://bit.ly/JoinKPLTUP
https://bit.ly/JoinKPLTUP
https://bit.ly/JoinKPLTUP

Ang Kabataan Partylist - TUP Manila ay isang pang-masang organisasyon ng kabataan na naglalayong pukawin, pakilusin at organisahin ang pinakamadaming bilang ng kabataan para sama-samang kamtin ang mga karapatan at

demokratikong kahilingan nito. Ito ay partido ng mga kabataan na itinataguyod ang alternatibong pulitika ng pakikibaka at pag-asa, laban sa namamayaning pulitika na naglilingkod at pinakikinabangan lamang ng ilan at ng mga dayuhan. Naninindigan ang Kabataan na tanging sa sama-samang pagkilos ng mamamayan lamang makakamit ang mga layunin ng mamamayan, mula sa partikular na mga isyu hanggang sa mismong pagbabago ng lipunan. Gayumpaman, ang Kabataan Party-list ay pumapasok sa Kongreso para maksimisahin ang puwang na ito para isulong ang pulitika ng pakikibaka at pagbabago. Sa loob ng Kongreso nalalantad ang kabulukan ng sistema at pamahalaan, naisusulong ang interes ng mamamayan, natitipon at na-uugnayan ang mas maraming kabataan at mamamayan, at sa isang antas ay nadedepensahan ang kilusang masa sa atake ng mga nasa kapangyarihan. Sa TUP Manila, nilalantad at nilalabanan ang mga anti-student policies, komersalisasyon sa edukasyon, at pasismo sa pamantasan. Kaakibat na nito ang pagpapatambol ng mga kampanya para sa maayos na pasilidad at kalaayang pang-akademiko tungo sa dekalidad at aksesableng edukasyon sa pamamagitan ng pagmulat, pagoorganisa, at pagpapalahok sa pakikibaka para sa demokratikong karapatan sa pamantasan. MGA LAYUNIN

1. Libre, abot-kaya, at dekalidad na edukasyon para sa lahat
2. Nakabubuhay na sahod at trabaho
3. Pambansang Soberanya
4. Tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon
5. Kalusugan sa pisikal at isip
6. Batayang serbisyong panlipunan
7. Hustisya at pananagutan
8. Mainam at pangmatagalang kapayapaan, at pagwawakas ng tiranya
9. Aksyong Pang-klima
10. Wakasan ang diskriminasyong pang-kasarian

Sumama sa gaganaping POOREST DE MAYO (THE SAGALA OF THE MARGINALIZED) mamaya na lalahukan ng iba't ibang sektor sa Mayni...
22/05/2026

Sumama sa gaganaping POOREST DE MAYO (THE SAGALA OF THE MARGINALIZED) mamaya na lalahukan ng iba't ibang sektor sa Maynila lalong lalo na sa Tondo.

Tulad ng sinabi ni Pope Leo XIV, "Maghanap palagi ng kapayapaan at tanggihan ang digmaan."

Magsasagawa ng maliit na prusisyon ang mga nasa maralitang komunidad, mga kababaihan, mga manggagawa, at grupo ng mga kabataan sa lungsod na tinatawag na Poorest de Mayo, na hango mula sa Flores de Mayo, sa anyo ng Santacruzan upang ipakita ang tunay nitong diwa hindi sa magarbong parada kundi sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa lumalalang krisis sa sosyo-ekonomiko na dulot ng pandaigdigang pagtaas sa presyo ng langis at lumalalang kahirapan na nararanasan ng mga maralita kabilang na ang mga lokal na pakikibaka na kinakaharap ng mga Manileรฑo.

Sa prusisyon na ito, apat na indibidwal na may simbolikong arko ang kakatawan sa mga pakikibaka ng mga Manilenyo, partikular na mula sa napipintong banta ng waste-to-energy incinerator project sa Smokey Mountain, hanggang sa patuloy na pakikibaka ng kababaihan, ang malupit na kalagayan sa mga iligal na tinanggal na manggagawa ng Manila Harbour Center, at ang lumalalang panunupil na kinakaharap ng mga kabataan at estudyante.

๐Ÿ’3:00 PM - Tipunan sa Plaza Morga
๐Ÿ’4:00 PM - Prusisyon patungong Plaza Hernandez (tapat ng Sto. Niรฑo de Tondo)
๐Ÿ’6:00 PM - Tapos ng programa

21/05/2026

๐“๐”๐๐ˆ๐€๐๐’, ๐ˆ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐ ๐€๐๐† ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐ƒ๐„๐Œ๐Ž๐Š๐‘๐€๐“๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐! ๐’๐”๐Œ๐€๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐๐‹๐€๐‚๐Š ๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜ ๐๐‘๐Ž๐“๐„๐’๐“!

Sa pagtatapos ng taong panuruan, nananatiling malaki ang laban ng mga TUPians hinggil sa represyon, bulok na sistema, at mapanupil na mga patakaran sa loob ng pamantasan.

Patuloy pa rin ang mga hinaing hinggil sa ๐‡๐š๐ข๐ซ and ๐ƒ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐๐ž ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ฒ, ๐Š๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง at ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ƒ๐ž๐ค๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ na ๐๐š๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐š๐ at ๐‹๐š๐›๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ๐จ, ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐‘๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง, ๐‘๐ž๐๐ญ๐š๐ ๐ ๐ข๐ง๐ , at ๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ค๐ข๐ฅ sa ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ng mga ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž. Hanggang ngayon, hindi pa rin inaaprubahan ang Revised Student Handbook sa kabila ng panawagang pakinggan ang boses ng mga mag-aaral.

Sa muling pagbubukas ng academic year, dala pa rin natin ang parehong mga suliraning matagal nang nagpapahirap sa loob ng pamantasan. Kaakibat nito ang mas malawak na krisis sa lipunan - korapsyon, abuso sa kapangyarihan, at kapabayaan ng mga naghaharing uri.

Ngunit malinaw: ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ฆ๐š๐ง ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค.

Kaya bilang mga ๐ˆ๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐š๐ซ ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง,, tumindig tayo, ipaglaban ang ating demokratikong karapatan, at igiit ang makatao at makamasang edukasyon - mula sa loob ng silid-aralan patungo sa malawak na kalsada sa lansangan saan matatagpuan ang tunay na laban.

๐Ÿ“ฃ ๐–๐„๐€๐‘ ๐๐‹๐€๐‚๐Š

๐Ÿ• 2:30 PM | Mass Up @ TUP Gate 4 / Zobel
๐Ÿ•’ 3:00 PM | Program (Local Issues)
๐Ÿ•ž 3:45 PM | Cultural Performance
๐Ÿ•“ 4:00 PM | 2nd Program (National / Regional Issues)
๐Ÿ•Ÿ 4:30 PM | Open Mic
๐Ÿ•  4:50 PM | Cultural Performance
๐Ÿ•” 5:00 PM | Dugtong ADU (Black Friday Protest)

ONE TAFT LABANAN ANG BULOK NA SISTEMA!May pagputok ng baril sa senado, may nag ddrill, may naghahabulan at kung ano-ano ...
15/05/2026

ONE TAFT LABANAN ANG BULOK NA SISTEMA!

May pagputok ng baril sa senado, may nag ddrill, may naghahabulan at kung ano-ano pang teatro ng mga nasa kapangyarihan para protektahan ang pansariling interes habang lubog sa krisis ang mamamayang Pilipino.

Sa gitna ng pagtakas ni Bato Dela Rosa at pagpapabagal sa impeachment ni Sara Duterte, nananatiling inutil si Marcos sa harap ng krisis at pang-aabuso.

Mga kabataan, hindi tayo dapat manatiling tahimik sa gitna ng paglalaro nila sa taumbayan.

Oras na para tayo ay magkaisa at lumabas sa lansangan para labanan ang bulok na sistema!

Sumama sa pagkilos mamaya ng mga kabataan mula sa Taft Avenue.

May 15 (Friday) 5 PM @ Kalaw Cor. Taft

Dumalo at magpadalo!

SARA, PANAGUTIN!
BATO, ARESTUHIN!
MARCOS, SINGILIN!

HAPPENING NOW:Kasama ang Katabataan Partylist-TUPM at ibang pang kasamang progresibong grupo ang nag tipon-tipon gitna n...
13/05/2026

HAPPENING NOW:

Kasama ang Katabataan Partylist-TUPM at ibang pang kasamang progresibong grupo ang nag tipon-tipon gitna ng Welcome Rotonda sa QC upang bakahin ang matagal na proseso ng hustisya sa pag-lilitis kay Sara Duterte, at pag-gamit ni Bato sa senado bilang โ€œMeat shieldโ€ upang makatakas sa mga naka-ambang kaso sa ICC. Ilang mga mga putok ng baril ang narinig ng mga taoโ€™t media sa loob ng senado na sinundan ng pag-papaalis sa mga kawani ng Media.

Kasalukuyan din na armado ang mga tropa ng kapulisan, at ilang mga drones ang mga namataan sa kalagitnaan ng protesta sa Welcome Rotonda.

Kabataan, huwag makatakot labanan ang katiwalian sa bansang kinatatayuan, sumama at maki-baka kasama ang galit masa.

ALAMIN AT TUTULAN ANG NANG-YAYARING MGA KATIWALAAN SA LOOB NG ESTADO


Nakibaka at nakihanay ang kabataang TUP-Manila sa paggunita ng Araw ng Manggagawa, kasama ang libu-libong manggagawa at ...
04/05/2026

Nakibaka at nakihanay ang kabataang TUP-Manila sa paggunita ng Araw ng Manggagawa, kasama ang libu-libong manggagawa at mga progresibong organisasyon. Sama-samang nagmartsa ang hanay mula Espaรฑa Boulevard, Maynila patungong Mendiola, at nagpatuloy hanggang Kalaw Avenue patungo sa Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard.

Matining na umalingawngaw ang mga panawagan ng masa para ipaglaban ang nakabubuhay na sahod, ibasura ang mapanupil na excise tax at VAT, at kundenahin ang agresyon at pambobomba ng US-Israel laban sa Iran at iba pang karatig-bansa. Ipinakita ng protesta ang matinding pagkadismaya sa umiiral na kalagayang sosyo-ekonomiko at sa papel ng imperyalistang kapangyarihan sa patuloy na krisis.

Bago pa man tuluyang umarangkada ang martsa, kapansin-pansin na ang presensya ng estado sa pamamagitan ng mga barikada sa Mendiola, Legarda, Quezon Bridge, at Kalaw Boulevardโ€”isang malinaw na pagtatangka na pigilan at supilin ang lehitimong karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagpoprotesta.

Kasabay nito, mariing iginiit ng mga nagprotesta ang panawagang hustisya para sa mga biktima ng karahasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang ang insidente ng Toboso 19, at iba pang kaso ng pang-aabuso sa kanayunan. Ipinanawagan ang pagpapanagot sa mga may sala at ang agarang pagtigil sa militarisasyon sa mga komunidad.

Sa Kalaw, naganap ang pagsunog ng effigy bilang simbolo ng matinding pagtuligsa sa mga mapanupil na polisiya at dayuhang panghihimasok. Gayunman, nagtapos ang programa sa tensyon nang manghimasok ang mga pwersa ng PNP at BFP, na nagdulot ng kaguluhan sa hanay ng mga nagpoprotesta.

Sa kabila ng pananakot at panunupil, nanindigan ang kabataang TUP-Manila at ang masang lumahok: patuloy ang laban para sa makatarungang sahod, pambansang soberanya, at tunay na demokrasya.

Uring Manggagawa, Hukbong mapagpalaya
Sahod Itaas, Presyo ibaba
Junk EDCA, Junk VFA, Junk MBP

Join KABATAAN TUP-MANILA NOW!!
https://tinyurl.com/4t88ece7

JUNK, JUNK EDCA! FROM IRAN TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE! Today marks the 12th anniversary of the Enhanced...
30/04/2026

JUNK, JUNK EDCA! FROM IRAN TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE!

Today marks the 12th anniversary of the Enhanced Defense Cooperation Agreement since it was signed last 2014 and the second month of the ongoing war between US-Israel against the sovereign of Iran in their attempt to control their oil industry and their regime.

To start this historic day, the End the US War on Iran Coalition NCR was officially launched through a press conference this morning at Kalaw cor. Taft. Then, we marched to the United States Embassy and amplified the calls for the removal of all US military bases in the Philippines through the withdrawal of all unequal treaties between the US and our country. We also called on the end of the deadly war on Iran that has killed 3,375 Iranians and injured 26,500+.

We marched under the scorching heat of the sun to Rajah Sulayman Park, where we continued with performances and speeches from different advocacy groups. This is just a commitment of a challenging yet inspirational goal of strengthening the anti-imperialist movement in the Philippines. This Labor Day, we will march again for justice and peace for the Filipinos and all victims of the imperialist wars of agressions in all parts of the world.

NO JUSTICE, NO PEACE!
FOREIGN TROOPS OUT NOW!
FROM IRAN TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE!




28/04/2026

TINGNAN: Ngayon ay nasa Rajah Sulayman ang mga progresibong organisasyon para ikundena ang Imperyalistang U.S.-Israel.

Binibigyan diin ng mga kabataan na tutulan ang gerang agresyon na nagpapahirap hindi lamang sa mga soberanyang bansa gaya ng Iran, kundi pati na rin ang mamamayang Pilipino.




๐ŸŽถ  "๐˜ช๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฉ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜น๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฉ"  ๐ŸŽถโฃโฃ- Bru๐๐จ ๐–๐š๐ซ๐ฌโฃโฃโฃโฃWe asked for peaceโฃโฃThey gave us warโ€ฆ and ...
27/04/2026

๐ŸŽถ "๐˜ช๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ฉ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜น๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฉ" ๐ŸŽถโฃโฃ
- Bru๐๐จ ๐–๐š๐ซ๐ฌโฃโฃ
โฃโฃ
We asked for peaceโฃโฃ
They gave us warโ€ฆ and โ‚ฑ140/L dieselโฃโฃ
โฃโฃ
As supersonic missiles fly across the Middle East, we Filipinos are left to our own devices as prices for petroleum, food and fares shoot up just as fast. Now, imperialist aggression is not just a distant headline but a missile hitting pockets, our livelihoods, and our future. โฃโฃ
โฃโฃ
All the while, our government, the Marcos Jr. administration, still hosts American and foreign troops in our country, further emboldening them to use the Philippines as a base to escalate regional tensions.โฃโฃ
โฃโฃ
๐–๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐ฆ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐š๐ ๐š๐ข๐ง ๐š๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐๐š๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐š๐ ๐š๐ข๐ง๐ฌ๐ญ ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ž๐ซ๐ข๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ ๐š๐ ๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง. ๐Ž๐ง ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ—:๐Ÿ‘๐ŸŽ๐€๐Œ @ ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐‚๐จ๐ซ. ๐“๐€๐…๐“ ๐€๐•๐„. ๐–๐„๐€๐‘ ๐–๐‡๐ˆ๐“๐„ ๐š๐ง๐ ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ž๐š๐œ๐ž ๐Ÿ.๐ŸŽ!โฃโฃ
โฃโฃ
Join the March for Peace on April 28, Tuesday, via bit.ly/JoinMarch4Peace!โฃโฃ
โฃโฃ
๐๐„๐€๐‚๐„ ๐๐Ž๐“ ๐–๐€๐‘! โฃโฃ
๐’๐“๐Ž๐ ๐“๐‡๐„ ๐”๐’ ๐–๐€๐‘ ๐Œ๐€๐‚๐‡๐ˆ๐๐„! โฃโฃ
----------------โฃโฃ
Join us and be a Youth for Justice and Peace:โฃโฃ
https://bit.ly/Join-Y4JPโฃโฃ
โฃโฃ
Follow us atโฃโฃ
https://x.com/Y4JP_NCRโฃโฃ
https://www.tiktok.com/โฃโฃ
https://www.instagram.com/y4jp_ncr/โฃโฃ
โฃโฃ
โฃโฃ
โฃโฃ
โฃโฃ
โฃโฃ

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž: ๐—ž๐—ผ๐˜„๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ต๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ ๐˜€๐—ถ๐˜… ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—น๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐˜€The six day strike staged by Kowloon workers end...
22/04/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž: ๐—ž๐—ผ๐˜„๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ต๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ ๐˜€๐—ถ๐˜… ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—น๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐˜€

The six day strike staged by Kowloon workers ended following a signed agreement between labor representatives and management that granted wage increases, restored benefits, and opened formal negotiations for a Collective Bargaining Agreement (CBA).

Initially there were around 60 workers that participated in the protest, effectively halting operations at Kowloon House West Avenue. Starting from April 15, 2026, workers remained together on site for the succeeding five days where they slept, ate, and organized collectively, resulting in a complete paralysis of the company production.

During the program, Jerome Adonis of Kilusang Mayo Uno commended the workers and their families, recognizing the strike as a major victory. Renee Co of Kabataan Partylist also attended, while Bernard Dimaunahan expressed gratitude to donors and supporters who sustained the workers throughout the strike. Negotiations for a CBA then began, with management expected to face the media in a scheduled press conference.

Additionally, the strike centered on the demands where workers called for โ€œsapat at makatarungang sahod para sa manggagawaโ€ and the just return of withheld service charge benefits. These demands were addressed in the agreement signed between the Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant and Allied Industries and Katipunan Food Service.

Under the said agreement, workers has secured a Php 40 wage increase spread over two years, alongside the reinstatement of service charge benefits that had been withheld for the past three years that they are working. Management also committed to releasing these service charges weekly from July to November, in addition to granting a full package of benefits, including signing bonuses, vacation and sick leaves, and etc. The company also agreed to a non-retaliatory clause, ensuring that no cases or punitive actions would be filed against striking workers. All striking workers were also set to receive Php 2, 500 by Friday, reflecting immediate gains following the protest. This development marked a significant safeguard for labor rights following the protest.

This strike was described as historic, being the first at Kowloon in 18 years. It reportedly reduced company profits, compelling management to concede to workers demands due to the sustained halt in operations. At present, workers are returning to their jobs today. A nationwide rally is set to follow, alongside a larger mobilization on Labor Day, as labor groups push to extend the gains of the Kowloon strike into a wider campaign.



Written by Aldous Paras

Photos by Prince Lagaรฑa | TPA

EDUCATIONAL DISCUSSION TAYO, ANO TARA?Halina't makiisa sa talakayan upang alamin kung ano nga ba ang tuwirang epekto ng ...
21/04/2026

EDUCATIONAL DISCUSSION TAYO, ANO TARA?

Halina't makiisa sa talakayan upang alamin kung ano nga ba ang tuwirang epekto ng Gyera at Krisis sa ating lipunan, at bakit nga ba mahalagang makita natin ang lumalalang tensyong pandaigdig.

๐Ÿ“Super Junior Garden, Luneta Park
๐Ÿ—“๏ธ APRIL 25, 2026
๐Ÿ•– 3:00 pm

Tara na't makisali at makinig sa usaping heopolitikal.




EDUCATIONAL DISCUSSION TAYO, ANO TARA?

Halina't makiisa sa talakayan upang alamin kung ano nga ba ang tuwirang epekto ng Gyera at Krisis sa ating lipunan, at bakit nga ba mahalagang makita natin ang lumalalang tensyong pandaigdig.

๐Ÿ“Super Junior Garden, Luneta Park
๐Ÿ—“๏ธ APRIL 25, 2026
๐Ÿ•– 3:00 pm

Tara na't makisali at makinig sa usaping heopolitikal.



Address

Ayala Boulevard, Ermita
Manila
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Partylist - TUP Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataan Partylist - TUP Manila:

Share