20/08/2026
๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐ฆ๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ: ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฆ ๐๐ง ๐ ๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ ๐ก๐ โ๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ: ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ง ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ข๐ข๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐ฆ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐ข๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง๐ฆโ
โผ๏ธ TRIGGER WARNING: Mentions of gun violence in schools and universities. โผ๏ธ
Sa kakatapos lamang na dayalogo ng Konseho ng mga Mag-aaral ng KAS sa administrasyon ng Kolehiyo, malinaw na nakita ang kabiguan nitong konsultahin ang sangkaestudyantehan at ang mga lehitimong kinatawan nito bago magpatupad ng programang direktang nakaaapekto sa ating seguridad at kapakanan. Sa dayalogo ng Konseho at administrasyon, kinilala mismo ang kakulangan sa konsultasyon, ngunit ipinagtanggol ang pagpapatuloy ng programa dahil umano sa urgent na kahilingan ng mga magulang at sa โunethicalโ na pagkansela sa aktibidad matapos magbigay ng kumpirmasyon ang mga speaker. Ngunit ang urgency ay hindi lisensya upang lampasan ang demokratikong proseso. Kung may panahon upang magplano, mag-imbita ng tagapagsalita, at maghanda ng programa, may panahon ding kumonsulta sa mga estudyanteng direktang maaapektuhan nito.
Mas lalong kailangang suriin ang paglahok ng isang uniformed state security force (Philippine Coast Guard) sa loob ng pamantasan. Maaaring sabihin ng administrasyon na hindi ito programa para sa militarisasyon, ngunit hindi sapat ang deklarasyon ng intensyon upang burahin ang lehitimong pangamba sa epekto ng presensya ng armadong institusyon ng estado sa isang akademikong espasyo. Ang tanong ay hindi lamang kung โmilitarisasyonโ ba ang tawag dito, kundi kung bakit patuloy na itinuturing na kinakailangang bahagi ng campus safety ang mga armadong institusyon, habang isinasantabi ang boses ng mismong mag-aaral ng Unibersidad, lalong lalo na sa kasaysayan ng presensya ng mga uniformed personnel sa Pamantasan. Katulad na lamang ni Cobbie Jan Canda at mga kasamahan nito sa rehiyon ng UP Mindanao na patuloy ang paniniktik ng kapulisan kung saan nilagay sa โwanted active personsโ ang mga kabataang aktibista.
Tinututulan namin ang isang security framework na nag-nonormalisa sa presensya ng mga armadong puwersa sa kampus at sabay na ipinapasa sa mga estudyante ang bigat ng paghahanda para sa karahasang dapat pinipigilan ng institusyon. Hindi sapat na turuan ang kabataan kung paano tumugon sa isang shooting habang hindi sapat ang pagtutok sa prevention, mental health services, counseling, psychosocial support, student welfare, at regulasyon sa akses sa armas. Ang campus safety ay hindi dapat maging simpleng โsurvival trainingโ para sa mga estudyante. Hindi responsibilidad ng kabataan na maghanda para sa kabiguang maprotektahan ng Unibersidad ang kanilang nasasakupan.
Tinututulan din ng Konseho ang pananaw na sapat nang magkaroon ng konsultasyon โsa susunod.โ Ang konsultasyon ay hindi dapat maging damage control matapos mailabas ang isang kontrobersyal na programa. Ito ay karapatan ng sangkaestudyantehan at kinakailangang bahagi ng demokratikong proseso sa pag-organisa ng Pamantasan. Ang boses ng mga mag-aaral ay hindi dapat pakinggan lamang kapag tapos na ang desisyon.
Sa halip na gawing sentro ng campus safety ang presensya ng uniformed state forces, nananawagan kami para sa holistiko, maagap, nakasentro sa mag-aaral, at demokratikong sistema ng seguridad. Palawakin at gawing aksesible ang mental health at counseling services, palakasin ang psychosocial at emergency response mechanisms, bumuo ng malinaw na prevention protocols, at tiyaking may sapat na suporta sa mga estudyanteng nangangailangan nito. Ipaglaban ang mahigpit na regulasyon sa akses at pagmamay-ari ng armas at tugunan ang mga ugat ng gun violence, hindi lamang ang mga sintomas nito.
Higit sa lahat, hinihingi namin ang institusyonalisadong konsultasyon sa CASSC at mga organisasyon ng mag-aaral para sa lahat ng programang may direktang epekto sa seguridad at kapakanan ng sangkaestudyantehan. Ang commitment ng administrasyon na kumonsulta sa mga susunod na programa ay dapat maging aktuwal na pagbabago sa proseso, hindi lamang pangako matapos ang isang lapse.
Ang tunay na ligtas na kampus ay hindi nasusukat sa dami ng unipormadong puwersang ipinapasok dito. Nasusukat ito sa lawak ng serbisyong naibibigay, sa lakas ng mekanismong pumipigil sa karahasan at kultura ng impunidad, at sa lawak ng demokratikong partisipasyon ng mga taong bumubuo sa pamantasan. Ang KAS ay para sa malayang pagkatuto at paglaya ng kaisipan, hindi para sa normalisasyon ng presensya ng mga armadong puwersa ng estado. ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐๐บ๐ผ, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ, ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐จ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ!
MULI, MARIING NANANAWAGAN ANG SANGKAESTUDYATEHAN NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MANILA NA IHINTO ANG GAWAING FORUM NG CAS NA โSAFE CAMPUS: ACTIVE THREAT AND SHOOTING PREPAREDNESS TRAINING FOR COLLEGE STUDENTSโ
MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN! UPHOLD UP-DND ACCORD
#