14/02/2026
PROTEKTADO ANG MAY ALAM! ๐ก๏ธ
Walang masama sa pagiging handa. Sa katunayan, ang paggamit ng proteksyon ay tanda ng pagmamahal sa sarili at sa partner.
Sa pakikipagtulungan ng SK Barangay 45 at Safe Space PH, layunin naming siguraduhin na ang bawat kabataan sa ating barangay ay ligtas at may sapat na kaalaman tungkol sa sexual health.
Bakit mahalaga ang condom? Bukod sa birth control, ito ang isa sa pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang HIV at iba pang STIs.
Keep it Safe: Hindi kailangang mahiya. Ang pag-iingat ay responsibilidad nating lahat.
PAANO MAKAKUHA NG LIBRENG CONDOM?
Mag-message lang nang direkta sa aming page para sa inyong request. Makakaasa kayo na ang inyong impormasyon ay mananatiling confidential at private.
Ligtas ang lodi na maingat! ๐ฏ