22/06/2025
MATAGUMPAY NA PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES!
Isang mainit na pasasalamat mula sa SK Council ng Barangay 298 sa matagumpay na School Supplies Distribution Activity na isinagawa ngayong araw (June 22, 2025)!
Sa pangunguna ni SK Chairperson Micko Jerald Tee at ng buong SK Council, katuwang ang suporta ng ating Senior Council sa pamumuno ni Punong Barangay Jeric Tee, matagumpay nating naipamahagi ang mga gamit pang-eskwela mula Grade 1 hanggang College level!
Bukod sa mga school supplies, namigay rin tayo ng tote bags at may pa-snacks pa mula sa Dunkin’ Donuts Food Truck na may kasamang malamig na inumin!
Nakakatuwang makita ang ngiti ng bawat kabataan habang tinatanggap nila ang kanilang gamit — tunay ngang ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng ating barangay.
Muli, maraming salamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa aktibidad na ito. Sama-sama tayong magtaguyod ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan ng Barangay 298!