PNU - USC Student Electoral Commission

PNU - USC Student Electoral Commission ENSURING FREE, ORDERLY, HONEST, PEACEFUL AND CREDIBLE ELECTIONS.

The PNU-USC Student Electoral Commission shall have the exclusive charge of the enforcement and administration of all laws relative to the conduct of Student Elections for the purpose of ensuring free, orderly, honest, peaceful and credible elections. The Commission also welcomes verified petitions from any and all bona fide students for holding plebiscites, initiatives and referendum.

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐‚๐š๐ง๐๐ข๐๐š๐ญ๐ž๐ฌโ€™ ๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ข๐ซ2026 First-Year Assembly ElectionsHanda na ba ang Batch Paghiro na bumoto nang tama at ...
02/09/2026

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐‚๐š๐ง๐๐ข๐๐š๐ญ๐ž๐ฌโ€™ ๐Œ๐ž๐ฆ๐จ๐ข๐ซ
2026 First-Year Assembly Elections

Handa na ba ang Batch Paghiro na bumoto nang tama at matalino? ๐Ÿ—ณ๏ธ

Tunay na kapanapanabik ang paparating na halalan para sa 2026 First-Year Assembly Elections! Higit sa mga plataporma, mahalaga ring malaman ang personal na memoir ng mga tumatakbong kandidato.

Ang memoir ay nagsisilbing kuwento sa likod ng bawat pagsubok, pag-asa, at kanilang paglalakbay bilang mga lider-estudyante. Makakatulong ito upang lubos na kilatisin ang bawat kandidato tungo sa kanilang pinaka-inaasam na posisyon.

Huwag sayangin ang pagkakataon na makilahok, makiisa, at piliin ang kandidatong tunay na naglilingkod hindi lamang sa pamantasan kundi sa buong masang PNUans.

๐Ÿ“Œ Kilalanin. Suriin. Piliin.

โ€”

Edited by: Comm. Ayessha Ricablanca and Comm. Lhianne Cassie Cruz
Caption by: Comm. Ayessha Ricablanca

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl





For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’• ๐’”๐’‚ ๐‘ซ๐’†๐’Ž๐’๐’Œ๐’“๐’‚๐’”๐’š๐’‚, ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚ ๐’ƒ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’๐’”๐’†๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’”๐’‚Sa tuwing sumasapit ang Buwan ng Wika, hindi lamang natin...
31/08/2026

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐‘ฏ๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’• ๐’”๐’‚ ๐‘ซ๐’†๐’Ž๐’๐’Œ๐’“๐’‚๐’”๐’š๐’‚, ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚ ๐’ƒ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’๐’”๐’†๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’”๐’‚

Sa tuwing sumasapit ang Buwan ng Wika, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang ganda ng wikang Filipino kundi maging ang yaman ng ating kultura. Ngunit ang ating kultura ay hindi hiwalay sa ating mga katutuboโ€”sila ang pangunahing tagapag-ingat ng ating tunay na pamana, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan. Ang kanilang tinig at danas ay mahalagang bahagi ng ating demokrasya. Upang maging ganap ang ating pagka-Pilipino, kailangang marinig, kilalanin, at katawanin sa lipunan ang mga sektor at pamayanang ito na patuloy na nagtatanggol sa ating pinagmulan.

Kaugnay nito, dito nagiging mahalaga ang tunay na layunin ng pagpapayabong ng wika. Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipag-usap, kundi tulay upang maunawaan ng bawat mamamayan ang kanilang mga karapatan, pamamahala, at estado sa lipunan.

Subalit sa kabila ng mahalagang papel na ito, masasabi ba nating ang wikang Filipino at ang mga katutubong wika ay tunay na napapangalagaan? Sa halip na palakasin, patuloy na nahaharap sa malalaking suliranin ang ating wika at kultura. Isang malinaw na halimbawa rito ang mga banta at balakid sa implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)โ€”isang programang dapat sana'y nagpapatibay sa kaalaman ng mga kabataan gamit ang kanilang wikang kinagisnan, ngunit tila isinasantabi at hinahayaang manghina. Sumasabay pa rito ang kontrobersiyang kinasangkutan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Sa halip na magsilbing ehemplo ng integridad at tunay na paglilingkod sa kultura at mga katutubong wika, naging sentro pa ito ng pambabatikos dahil sa kontrobersyal na paggawad ng parangal sa sarili nitong mga komisyoner. Isang malaking kabalintunaan na ang institusyong dapat nagtataguyod at nagtatanggol sa wika ay nasasangkot sa pansariling kapakinabangan. Kapag ang wika at ang mga institusyon nito ay ginamit upang payamanin ang ego ng ilang nasa kapangyarihan sa halip na kilalanin ang tunay na nakikibaka sa layayan, nawawalan ito ng moral na pundasyon.

Dahil dito, dapat nating tandaan na ang tunay na kapangyarihan ng wika ay wala sa mga pormal na memo o sa taunang maningning na pagdiriwang tuwing Agosto. Ang wika ay buhay dahil ito ang boses ng mamamayanโ€”ng mga katutubong ipinaglalaban ang kanilang lupang ninuno at wika, ng mga magsasakang humihingi ng katarungan, ng mangagagawang naghahangad ng sapat na sahod, at ng kabataang naghahanap ng katotohanan.

Sa huli, ang paggamit ng ating wika at tinig ay nag-uugat sa ating balota at pagboto. Ang boto ay hindi lamang isang karapatan; ito ay isang pananagutan upang kumatawan, ipaglaban, at pangalagaan ang mga tao, kultura, at pamayanang bumubuo sa ating bansa. Lalo't pa sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang maling impormasyon sa social media, kinakailangan ang mapanuring botante. Bago maniwala at magbahagi, dapat magtanong: Totoo ba ito? Saan nagmula ang impormasyon? Ano ang ebidensya? Ang isang botanteng marunong magsuri at may kaalaman ay hindi basta-basta nabibili o napapaniwala ng propaganda.

Kaya naman, sa bawat halalan, may pagkakataon tayong pumili ng mga pinunong may tunay na pananagutan. Huwag nating sayangin ang tinig na ipinagkaloob sa atin ng demokrasya. Gamitin natin ang ating wika at kaalaman upang makapagsuri, at ang ating boto upang makilahok sa paghubog ng isang makatarungang kinabukasan.

โ€”

โœ๐Ÿป ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐‰๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐š๐ง๐š ๐ƒ๐ž ๐†๐ฎ๐ณ๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐†๐ž๐ซ๐š๐ซ๐ ๐‘๐ฎ๐ฉ๐ž๐ซ๐ญ ๐„๐ฌ๐ญ๐š๐œ๐ข๐จ
๐Ÿ–ผ๏ธ ๐๐š๐ ๐š๐š๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐ƒ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ฒ ๐ˆ๐ ๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl




For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—š๐˜‚๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜€! ๐ŸŒŸ๐Ÿ“œMula sa Komisyon, Taos-pusong pagbati at pagpupugay para sa mga komisyo...
31/08/2026

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—š๐˜‚๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜€! ๐ŸŒŸ๐Ÿ“œ

Mula sa Komisyon, Taos-pusong pagbati at pagpupugay para sa mga komisyoner na matagumpay na pumasa sa August 2026 Guidance Counselor Licensure Examination! Ang inyong pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon ay tunay na nagbunga.

Saludo kami sa inyong tagumpay at sa bagong yugto ng inyong propesyonal na paglalakbay. Nawaโ€™y patuloy ninyong magamit ang inyong kaalaman at puso sa paggabay at pagtulong sa iba.

โ€”

Edited by: Comm. Alliah Mae Lacena & Comm. Elias Peregrina
Caption by: Comm. Alliah Mae Lacena

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl




For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐ŸŽ๐Ÿ–.๐Ÿ‘๐Ÿ || ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐’๐„๐‚๐ญ๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ฒ๐ž๐š๐ซ! ๐ŸŽ‚ ๐ŸŽ‰๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐›๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐ง๐ž! ๐ŸŽ€Today, we celebrate more than just another y...
31/08/2026

๐ŸŽ๐Ÿ–.๐Ÿ‘๐Ÿ || ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐’๐„๐‚๐ญ๐š๐œ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ฒ๐ž๐š๐ซ! ๐ŸŽ‚ ๐ŸŽ‰
๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐›๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐ง๐ž! ๐ŸŽ€

Today, we celebrate more than just another year of your life, Comm. Marianneโ€”we celebrate the person you are and the presence you bring wherever you go. ๐Ÿ’ As you take on new responsibilities, meet new people, and create new memories, we hope you never forget to pause, enjoy the little things, and give yourself a little pat on the back for how far youโ€™ve come. May the year ahead be filled with unexpected blessings, meaningful connections, and genuine love. The Commission is excited to know you more and witness you bloom throughout your journey with us. Happy birthday, Marianne! โœจ

๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ ๐—ฆ๐—˜๐—–๐˜๐—ฎ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ? ๐˜š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ช๐˜ต๐˜ด ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ'๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฎ.

1. Happiest birthday, Teach Marianne! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚ I wish you all the best on your special day. I love how determined you are in everything we do for school and how prepared you always are for every presentation. Sana hanggang dulo, ganyan ka pa rinโ€”dedicated, hardworking, and always ready. Again, happy birthday, and may you have many more birthdays to come! ๐Ÿ’—โœจ โ€”Comm. Reane

2. She is like a sunflower in a meadow; she brings light and color to everyone. Marianne is full of personality, hope, and goodness in her heart. She does everything with compassion. She once created a creative look for a presentation in class, took a gentle lead in collaborative work, expressed her ideas freely, and became an activist for social change. For all these reasons, I have admired her.

She proves that she is willing to do anything for the good of the work. And I am so happy that I was able to witness and know a person like Teach Marianne. Happy Birthday, Teach! ๐ŸŽ‰๐ŸŒปโ€”Comm. Althea

3. Marianne is a SECtacular person, in a way that, she always thinks of others first before herself. Also, for the short time I have been with her, I would say, she's generous, understanding, kind, creative, and loveable. And, these characteristics of her makes her admirable. One memorable memory that I will not forget, is during the first day of class. That was the moment that I first saw her, and at the same time, the first time that I got to talk to her. It was the most memorable, because it was the first day, and this is when I first got to know what kind of person she was.โœจ๏ธ โ€”Comm. Klein

โ€”

Layout by: Comm. Eli Peregrina and Comm. Danielle Mary Ignalangin
Caption by: Comm. Reane Dabu, Comm. Althea Salatandre, Comm. Princess Klein Tribiana, & Comm. Lhianne Cassie Cruz

โ€”

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl



For the Students, We Serve!
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐‘บ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’Sa bawat pagsapit ng huling Lunes ng Agosto, nakasanayan ng ating lipunan na mag-ala...
31/08/2026

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐‘บ๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’

Sa bawat pagsapit ng huling Lunes ng Agosto, nakasanayan ng ating lipunan na mag-alay ng mga bulaklak at magbigkas ng matatayog na talumpati sa paanan ng mga bantayog. Muling binubuhay ang pangalan nina Bonifacio, Rizal, at iba pang mukha ng ating kasaysayan na nakaukit sa tanso at marmol. Ngunit habang natatapos ang mga opisyal na seremonya, nananatili ang isang tahimik na katotohanan, sa kasalukuyang panahon ang tunay na hininga ng ating bansa ay hindi lang nagmumula sa mga rebultong walang kibo, kundi sa mga mamamayang patuloy na pumapasan sa mabigat na krus ng pang-araw-araw na pamumuhay.

Iba na ang mukha ng pakikibaka, hindi na ito sinusukat sa dami ng dugong nadanak sa digmaan, kundi sa patak ng pawis na iniaalay para sa ikabubuhay ng kapwa. Ang kabayanihan ngayon ay tahimik na gumagalaw sa bawat Overseas Filipino Worker na pinipilit ngumiti sa video call habang nilalamon ng kalungkutan sa malayong lupain, sa pag-asang mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang kanyang pamilya. Nasa mga kamay ito ng ating mga magsasaka at mangingisda na kahit lubog sa utang at nakikipagbuno sa unos ay patuloy pa ring nagbubukid at pumapalaot upang tiyaking may laman ang mesa ng bansa. Makikita rin ito sa mga g**o at manggagawang pangkalusugan na sa kabila ng kakarampot na sahod at nakakapagod na sistema ay pumapasok pa rin sa araw-araw taglay ang buong tiyaga at malasakit.

Ang mga taong ito ay walang sariling bantayog sa gitna ng mga liwasang bayan at walang mga aklat ng kasaysayan na mag-uulat ng kanilang mga pangalan kapag dumating ang bukas. Gayunpaman, sa bawat sakripisyong ginagawa ng karaniwang mamamayanโ€”mula sa tsuper na gumigising bago magmadaling-araw hanggang sa simpleng mamamayang pumipili pa ring maging tapat sa kabila ng mga pagsubokโ€”dito tunay na na nabubuhay ang diwa ng pagiging dakila.

Ang pinakatapat na pagpupugay ay ang pagkilala at paglaban sa kanila ng makatarungang pagtrato, sapat na suporta, at disenteng pamumuhay. Sapagkat sa huli, ang pinakamatibay na pundasyon ng isang bansa ay hindi ang mga monumentong gawa sa bato, kundi ang dignidad ng mga taong patuloy na nagtataguyod dito.

โ€”

โœ๐Ÿป ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ.๐ƒ๐š๐ง๐š ๐…๐š๐ฒ๐ž ๐€๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ฌ
๐Ÿ–ผ๏ธ ๐๐š๐ ๐š๐š๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž ๐„๐ฏ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐š๐ง๐ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐„๐ฅ๐ข๐š๐ฌ ๐๐ž๐ซ๐ž๐ ๐ซ๐ข๐ง๐š

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl




For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐งNgayong araw, Agosto 30, 2026, ipinagdiriwang sa buong bansa ang Natio...
30/08/2026

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐ง

Ngayong araw, Agosto 30, 2026, ipinagdiriwang sa buong bansa ang National Press Freedom Day alinsunod sa Republic Act 11699. Ginugunita natin ang ika-176 na anibersaryo ng kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar โ€” ang Ama ng Pamamahayag sa Pilipinas at isa sa mga haligi ng Kilusang Propaganda. Sa pamamagitan ng kanyang pluma ginamit niya ang La Solidaridad upang isiwalat ang mga kapalpakan at pang-aabuso noong panahon ng Espanyol.

Ngunit habang ginugunita ng pamahalaan ang pamanang ito sa pamamagitan ng mga pormalidad, isang tanong ang nagmumulto sa ating mga bulwagan: Tunay bang malaya ang pluma ngayon, o muli lamang itong iginagapos ng mas makabagong anyo ng panunupil?

Sa kasalukuyang pambansang estado ng media, bagaman madalas ipagmayabang ng pamahalaan ang pagtaas ng estado ng bansa sa mga internasyonal na sukat ng kalayaan sa pagpapahayag, iba ang nararanasan sa kalsada at komunidad. Nananatili ang banta ng cyber-libel, ang patuloy na pag-iral ng organisadong disinformation at troll farms, at ang panggigipit sa mga alternatibong media. Hindi rin mawawala ang realidad ng kakulangan sa hustisya at seguridad ng mga mamamahayagโ€”isyung patuloy na naglalagay sa Pilipinas sa listahan ng mga pinaka delikadong lugar para sa malayang pamamahayag sa buong mundo.

Ang masakit na reyalidad na ito ay nadarama din sa loob ng mga pamantasan. Sa pamamagitan ng R.A. 11699, inatasan ang mga institusyong pang-edukasyon katuwang na rin ang media na mag-organisa ng mga gawaing magpapataas ng kamalayan ukol sa karapatan at proteksyon ng press. Ngunit, ironically sa mga mismong bakuran ng mga pang aralan, ang mga pahayagang pangkampus ay patuloy na binubusalan. Mula sa pagkaantala ng pondo, tahasang pakikialam ng administrasyon sa mga artikulo, hanggang sa pananakot sa mga estudyanteng manunulat na nag-uulat ng mga isyung tulad ng pagtaas ng matrikula, at reporma sa paaralan โ€” ang campus press na sanaโ€™y lugar ng malayang diskurso ay minsang ginagawa na lamang sangkap para pagandahin ang imahe ng mga eskwelahan.

Hindi prebilehiyo ang kalayaan sa pamamahayag; ito ay pangunahing karapatan na nagtatanggol sa batayang katarungan ng bawat mamamayan. Kapag pinalitan ng pinalitan ng propagandang pinondohan at hawak ng administrasyon ang katotohanan, hindi lamang ang mga mamamahayag ang natatalo โ€” ang lipunan ang ginagawang bulag at bingi.

Ang pagpupugay sa naging papel ni Plaridel ay wala sa idineklarang okasyon sa kalendaryo o sa paulit na pahayag ng suporta galing sa Palasyo o kung saan mang opisina ng gobyerno. Ito ay nasa patuloy na paglaban para sa seguridad ng ating mga mamamahayag, ang paggarantilya sa malayang daloy ng impormasyon nang walang banta ng panggigipit, at ang matatag na pagtatanggol sa integridad ng pluma at ng kamera laban sa anumang anyo ng panunupil, mula sa bulwagan ng gobyerno hanggang sa silid ng ating mga pamantasan.

Sapagkat ang isang lipunang tahimik sa gitna ng mali ay hindi nangangahulugang payapaโ€” sa halip, nangangahulugan lamang ito na ang mga pang-aabuso ay patuloy na nagyayari sa dilim.

โ€”

โœ๏ธ ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐ข: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ž ๐€๐ง๐ง๐ž ๐†๐ž๐ซ๐จ๐ง๐ข๐ฆ๐จ
๐Ÿ–ผ๏ธ ๐๐š๐ ๐š๐š๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข: ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ. ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐š ๐‰๐จ๐ฆ๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐ž ๐‚๐š๐ญ๐š๐›๐š๐ฒ

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl




For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐•๐Ž๐— ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐’ | ๐๐‘๐ˆ๐„๐…๐ˆ๐๐† ๐Ÿ: ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐ ๐๐„๐‘๐ˆ๐Ž๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐†๐”๐ˆ๐ƒ๐„๐‹๐ˆ๐๐„๐’ ๐…๐Ž๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐…๐˜๐€๐„๐˜ฃ๐˜บ: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ. ๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜•๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ช๐˜ด๐˜ฐThe briefing 2 fo...
30/08/2026

๐•๐Ž๐— ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐’ | ๐๐‘๐ˆ๐„๐…๐ˆ๐๐† ๐Ÿ: ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐ ๐๐„๐‘๐ˆ๐Ž๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐†๐”๐ˆ๐ƒ๐„๐‹๐ˆ๐๐„๐’ ๐…๐Ž๐‘ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐…๐˜๐€๐„
๐˜ฃ๐˜บ: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ. ๐˜Š๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜•๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ช๐˜ด๐˜ฐ

The briefing 2 for the 2026 First Year Assembly Elections (FYAE) was conducted yesterday, August 29, 2026 with Publicity Officer (PO) Elias Peregrina facilitating the briefing through Google Meet.

The briefing provided an overview of the Campaign Election Process and outlined the important election calendar concerning the campaign period. Topics included definition of campaign terms, types and forms of campaign propaganda, rules and guidelines, approval process, cleaning period and the Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

During the Briefing, it was emphasized that all the campaign acts are not expressly prohibited but not considered permissible, provided that it must be approved by the Publicity Officer and Executive Board. All political parties and independent candidates are required to submit a SOCE detailing their donations and campaign expenses.

With the Campaign Period approaching, Candidates are advised to be mindful of these reminders, rules and guidelines in order to have a peaceful and smoothly campaign period.

The Campaign Period is set to begin today, August 30, 2026, and will run until September 9, 2026. It will conclude with the Meeting de Avance on the same day, marking the end of the official campaign period.

โ€”

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl





For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐’๐œ๐ซ๐ž๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž 2026 ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐˜ฃ๐˜บ: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ. ๐˜“๐˜ฆ๐˜น๐˜ช๐˜ฆ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฏThe Commission con...
30/08/2026

๐•๐Ž๐— ๐๐Ž๐๐”๐‹๐ˆ | ๐’๐œ๐ซ๐ž๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž 2026 ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
๐˜ฃ๐˜บ: ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ. ๐˜“๐˜ฆ๐˜น๐˜ช๐˜ฆ ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ

The Commission conducted a three-day Screening Process from August 26โ€“28, 2026, facilitated by the Screening Committee Officer, Comm. Ranessa Leigh Totaรฑes. The Commission held the Oral Interview on August 26, while it administered the Written Examination asynchronously throughout the three-day Screening Period.

A total of five Aspiring Candidates underwent the Screening Process, with three aspiring candidates from SIKHAY-PNU and two aspiring Independent Candidates.

After completing the Screening Process, the Commission released the official results this weekend as it prepares to begin the Campaign Period for the 2026 First Year Assembly Elections for Batch Paghiro.

โ€”

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl





For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐ ๐๐„๐‘๐ˆ๐Ž๐ƒ2026 First-Year Assembly ElectionBatch Paghiro, opisyal nang magsisimula ang panahon ng pa...
30/08/2026

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐ ๐๐„๐‘๐ˆ๐Ž๐ƒ
2026 First-Year Assembly Election

Batch Paghiro, opisyal nang magsisimula ang panahon ng pangangampanya.

Mula ika-30 ng Agosto hanggang ika-9 ng Setyembre taong 2026, bibigyang pagkakataon ang mga kandidato na ihayag ang kanilang mga plataporma, adbokasiya, at pananaw.

Maging mapanuri sa mga inihahaing paninindigan, makinig sa mga plataporma, at makibahagi sa mga talakayan. Kilalanin ang mga kandidatong nagnanais maglingkod at suriin kung alin sa kanilang mga adhikain ang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng Batch Paghiro.

โ€”

Edited by: Comm. Danielle Mary Ignalangin
Caption by: Comm. Elias Peregrina

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl





For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐‚๐€๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐€๐“๐„๐’2026 First-Year Assembly ElectionsSa bisa ng Kapasyahan Blg. 199, opisyal na kinikilal...
29/08/2026

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ | ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐‚๐€๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐€๐“๐„๐’
2026 First-Year Assembly Elections

Sa bisa ng Kapasyahan Blg. 199, opisyal na kinikilala ng PNU-USC Student Electoral Commission ang mga Opisyal na Kandidato para sa 2026 First-Year Assembly Elections.

Narito ang mga kandidato na opisyal na makikilahok sa halalan para sa kinatawan ng Batch Paghiro.

Kilalanin ang mga kandidato, suriin ang kanilang mga paninindigan, at maging mapanuri sa pagpili ng inyong mga kinatawan.

Para sa masang Paghiro, ang bawat tinig ay mahalaga. ๐ŸŒฑ

โ€”

Edited by: Comm. Danielle Mary Ignalangin, Comm. Elias Peregrina
Caption by: Comm. Alliah Mae Lacena

For more updates, donโ€™t forget to follow our social media pages:
Facebook, X, Instagram, and TikTok: /pnusecmnl





For the Students, We Serve.
Serbisyo Muna, Bago Pakikisama!

Address

Room 402-B, Gusali Ng Wika, Philippine Normal University, Ayala Boulevard , Taft Avenue
Manila

Opening Hours

Monday 10am - 6pm
Tuesday 10am - 6pm
Wednesday 10am - 6pm
Thursday 10am - 6pm
Friday 10am - 6pm
Saturday 10am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNU - USC Student Electoral Commission posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNU - USC Student Electoral Commission:

Shortcuts

Share