04/06/2026
Mula sa pamunuan ni Hon. Chairman Nestor D.R. Buco at ng kanyang konseho. Kami po ay nagpapasalamat na kasama ang ating barangay na mapabilang sa programang “Bawat Barangay Makikinabang” Educational Assistance Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito po ay iginawad sa (5) benepisyaryo bilang mga karapat-dapat na mag aaral. Hangad po namin na magpatuloy pa ang mga ganitong klaseng programa upang mas marami pang mga estudyante ang maabot ang kanilang pangarap sa kabila ng kakulangan sa pinansyal na pangangailangan.