18/05/2026
🌊☀️ BEAT THE HEAT 2026 ☀️🌊
🏊♂️ Barangay 413 Summer Swimming Activity 🏊♀️
Bago tuluyang magtapos ang tag-init, nais po ng ating mahal na Chaiman Oyong na mabigyan tayo ng isang masaya, malamig, at makabuluhang bonding kasama ang ating pamilya, kaibigan, at mga kapitbahay. 💙
Kaya naman inaanyayahan po ang lahat sa ating
🏊♀️ “Beat the Heat Swimming Activity ng Brgy 413🏊♂️
🗓️ Kailan: May 23, 2026 (Saturday)
⏰ Oras: 3:00 PM hanggang 8:00 PM
📍 Saan: Dapitan Sports Complex
🚙 First Batch ng sasama sa swimming, aalis ng 2:00 pm, assembly place ay Barangay Hall
✨ Tara na at sabay-sabay nating i-enjoy ang huling hirit ng summer — kwentuhan, tawanan, kulitan, at bonding na siguradong magdadala ng saya sa ating Barangay 413! 🌴💦
📌 Mahahalagang Paalala at Alituntunin:
🚫 Bawal ang batang walang kasamang magulang o guardian
Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpapasok ng minors na walang kasamang responsable at sapat na gulang na guardian.
🎒 Bring Your Own Baon
Maaaring magdala ng sariling pagkain at inumin para mas enjoy ang bonding kasama ang pamilya at barkada.
🩱 Bring Your Own Gamit at Salbabida
Huwag kalimutang magdala ng swimming attire, tuwalya, ekstrang damit, at salbabida lalo na para sa mga bata at hindi gaanong marunong lumangoy.
🍔 At kahit may kanya-kanya tayong baon…
May PA-FREE BURGER pa din si Chairman Oyong para sa mga makikibahagi sa ating summer activity! ❤️
Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at suporta.
Magkita-kita po tayo para sa isang masaya, ligtas, at mas memorable na huling hirit ngayong tag-init! 🌊☀️