FIX Metro Manila

Directions

FIX Metro Manila Let's Make Manila Great Again Metro Manila is the National Capital Region of the Philippines. As well as the 1st class municipality of Pateros!

It is comprised of 16 cities: City of Manila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, and Valenzuela. It is the center of culture, economy, education and the seat of government. Metro Manila is one true wonder that cannot be overlooked. From the hustle-and-bustle in and around the region, we deliver general news from the Metro. From traffic updates to new trends, we got you all covered. Let's fix Metro Manila!

So paano na tayo mga Idol? Sama sama na lang ba tayo dito?Ito ba ang lugar na hindi na maayos ang traffic na yan?Naka da...
11/10/2026

So paano na tayo mga Idol? Sama sama na lang ba tayo dito?

Ito ba ang lugar na hindi na maayos ang traffic na yan?

Naka daan ka na din ba dito?

📍East Service Rd. Muntinlupa.

370 NCAP VIOLATIONS, NAITALA SA MAYNILA!Umabot sa 370 paglabag sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) ang naitala ng p...
09/10/2026

370 NCAP VIOLATIONS, NAITALA SA MAYNILA!

Umabot sa 370 paglabag sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) ang naitala ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa testing phase ng sistema.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau, 190 paglabag ang naitala noong Lunes at karagdagang 180 noong Martes.

Samantala, tiniyak ng MMDA at Quezon City na walang madodobleng violation notice mula sa kanilang mga camera dahil pinag-uugnay nila ang mga lokasyon ng paglalagay ng mga ito.

Pinapayuhan ang mga motorista na tingnan ang kanilang mga citation sa opisyal na NCAP portal ng LGU o sa platform ng MMDA na May Huli Ka.

Nagbabala rin ang Philippine National Police laban sa mga pekeng text message tungkol sa traffic violations. Huwag basta mag-click ng kahina-hinalang link o magbigay ng personal at pinansyal na impormasyon.

Samantala, kinuwestiyon ng transport group na PISTON ang posibleng epekto ng NCAP sa kabuhayan ng mga tsuper dahil sa umano’y labis na multa. Nanawagan ang grupo na itigil ang polisiya at iginiit na ang pamamahala sa trapiko ay dapat magsilbi sa publiko.

Makikita sa larawan noong Lunes ang interseksyon ng Quezon Avenue at EDSA, na nilagyan ng mga CCTV camera, kasabay ng mu...
08/10/2026

Makikita sa larawan noong Lunes ang interseksyon ng Quezon Avenue at EDSA, na nilagyan ng mga CCTV camera, kasabay ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Kabilang sa mga lungsod na nagpapatupad ng polisiya ang San Juan, Quezon City, Manila, Parañaque at Muntinlupa.

Good morning Yorme! 🌤️Anong nangyari sa impounding area sa may central market? Napuno na ba sa dami ng e.tric?AI or legi...
07/10/2026

Good morning Yorme! 🌤️

Anong nangyari sa impounding area sa may central market? Napuno na ba sa dami ng e.tric?

AI or legit? 🤔

📷 Donreimon Pitogo

Spot the difference po tayo Yorme. Ano po ba pinagbago nito? Yung Camera Angle lang po ba??
06/10/2026

Spot the difference po tayo Yorme. Ano po ba pinagbago nito? Yung Camera Angle lang po ba??

1 SA 4 NA MMDA FLOOD CONTROL PUMPS, HINDI GUMAGANA NOONG 2025Ayon sa Commission on Audit (COA), 28 sa 119 pumping units ...
05/10/2026

1 SA 4 NA MMDA FLOOD CONTROL PUMPS, HINDI GUMAGANA NOONG 2025

Ayon sa Commission on Audit (COA), 28 sa 119 pumping units ng MMDA ang hindi operational sa pagtatapos ng 2025 dahil sa repair, replacement o rehabilitation.

Ibig sabihin, humigit-kumulang isa sa bawat apat na pumping units ang hindi gumagana, na maaaring makaapekto sa kapasidad ng ilang pumping station na magpaagos ng tubig kapag malakas ang ulan.

Pinakamalaki ang problema sa Uli-Uli Pumping Station sa Manila, kung saan walang operational na pump. Sa Libertad Pumping Station sa Pasay, dalawa lamang sa anim na unit ang gumagana.

Samantala, sinabi ng MMDA na hindi naman naaapektuhan ang kabuuang operasyon dahil sa kasalukuyang rehabilitation at mayroon itong mobile pumping units para sa mga emergency.

Binigyang-diin din ng COA na kailangan ang mas maayos na koordinasyon ng MMDA at DPWH, sapat na pondo para sa repairs, at mas pinaigting na monitoring at automation ng mga pumping station.

Sa harap ng patuloy na banta ng pagbaha sa Metro Manila, gaano kahalaga ang bawat pumping station sa mabilis na pag-apula ng baha?

NCAP SA METRO MANILA, IPAGPALIBAN MUNA?Nanawagan ang ilang grupo ng mga tsuper at commuter na ipagpaliban o linawin muna...
04/10/2026

NCAP SA METRO MANILA, IPAGPALIBAN MUNA?

Nanawagan ang ilang grupo ng mga tsuper at commuter na ipagpaliban o linawin muna ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na nakatakdang bumalik sa anim na lungsod sa Metro Manila sa Oktubre 5.

Sakop nito ang Manila, Muntinlupa, Parañaque, Quezon City, San Juan at Valenzuela.

Ayon sa Manibela, kailangan munang isaalang-alang ang mataas na presyo ng langis at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na dagdag pasanin sa mga motorista at publiko.

Samantala, nanawagan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng mas malawak na konsultasyon sa mga stakeholder upang malinaw ang proseso ng panghuhuli, paghusga sa mga violation, due process at posibleng papel ng mga pribadong contractor sa pagpapatakbo ng NCAP.

Isa rin sa mga tanong ng grupo: Saan mapupunta ang mga multa at paano titiyaking patas at malinaw ang sistema?

Bagama’t inalis na ng Korte Suprema ang natitirang TRO laban sa mga NCAP ordinance, nilinaw ng korte na ang pagbasura sa mga petisyon ay hindi nangangahulugang pinagtibay nito ang validity o constitutionality ng mga kinuwestiyong NCAP issuances.

Habang papalapit ang Oktubre 5, iginiit ng mga grupo na mahalaga munang marinig ang panig ng mga motorista, tsuper at iba pang stakeholder bago tuluyang ipatupad ang sistema.

04/10/2026
NCAP, MULING IPATUTUPAD SA 6 NA LUNGSOD!Simula Oktubre 5, balik na ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Manila, ...
03/10/2026

NCAP, MULING IPATUTUPAD SA 6 NA LUNGSOD!

Simula Oktubre 5, balik na ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Muntinlupa at San Juan.

Sa halip na direktang sitahin sa kalsada, maaaring maitala ng CCTV at digital cameras ang mga paglabag sa batas-trapiko. Maaari ring i-check online ng mga motorista ang kanilang violations, magbayad ng multa, at maghain ng contest kung sa tingin nila ay may maling pagkakahuli.

Ang mga multa ay ibabatay sa Metro Manila Traffic Code of 2023 para sa mas pare-parehong traffic rules at penalties sa buong Metro Manila.

Kaya mga motorista, dobleng ingat at disiplina sa kalsada! Dahil simula Oktubre 5, maaaring camera na ang makapansin sa bawat paglabag.

WALANG PUNO, MAS MATINDING INIT?Posibleng umabot sa 45°C hanggang 50°C ang heat index sa mga lungsod at lugar na kakaunt...
02/10/2026

WALANG PUNO, MAS MATINDING INIT?

Posibleng umabot sa 45°C hanggang 50°C ang heat index sa mga lungsod at lugar na kakaunti ang puno at halaman kapag lumala ang epekto ng tinatawag na Super El Niño, ayon sa Climate Change Commission.

Ayon kay Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz, mahalagang mapanatili ang mga natitirang “green spaces” sa mga urban area—kabilang ang mga puno, damo at maging lumot sa mga pader at sidewalk—dahil nakatutulong ang mga ito sa pagsalo ng init.

Iminungkahi rin ang pagkakaroon ng misting systems, cooling areas at hydration stations sa matao at mataong lugar.

Samantala, pinayuhan ang mga vulnerable sectors gaya ng senior citizens at mga may dati nang kondisyon na umiwas muna sa matinding init, lalo na sa 10 AM hanggang 3 PM.

Isang pag-aaral ng Climate Impact Lab ang nag-proyekto rin ng humigit-kumulang 6,500 karagdagang heat-related deaths sa Pilipinas mula Setyembre 2026 hanggang Pebrero 2027, kumpara sa karaniwang taon. Projection ito at hindi aktuwal na bilang ng mga namatay.

Sa gitna ng lumalaking init, bawat puno, damo at luntiang espasyo ay mahalaga.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FIX Metro Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category