30/08/2026
๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ข๐ ๐๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐๐ข๐๐จ | ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ 30
Ngayong ika-30 ng Agosto, ginugunita natin ang Pandaigdigang Araw ng mga Biktima ng Sapilitang Pagkawala, bilang pagkilala sa mga desaparecido at pakikiisa sa kanilang mga pamilya na patuloy na naghahanap ng katotohanan at katarungan.
Ang sapilitang pagkawala ay tahasang paglabag sa karapatang pantao at isang anyo ng pampulitikang panunupil na hindi maaaring bigyang-katwiran sa ilalim ng anumang batas o kalagayan. Sa bawat kaso ng sapilitang pagkawala, ikinukubli ang kinaroroonan, at ipinagkait sa kaniyang pamilya ang katotohanan, nilalabag hindi lamang ang karapatan ng biktima kundi maging ang karapatan ng kaniyang pamilya sa katarungan.
Sa ilalim ng ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ฐ๐ ๐ก๐ผ. 10353 o ๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐ง๐๐จ๐ซ๐๐๐ ๐จ๐ซ ๐๐ง๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฉ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ญ ๐จ๐ 2012, malinaw na kinikilala ng batas ng Pilipinas ang sapilitang pagkawala bilang isang krimen. Itinataguyod nito ang pananagutan ng Estado na pigilan ang ganitong paglabag, tiyaking maayos na na imbestigahan ang mga kaso, matukoy ang kinaroroonan ng mga desaparecido, at mapanagot ang mga salarin.
Subalit sa kabila ng umiiral na batas, patuloy na nagaganap ang sapilitang pagkawala sa bansa. Batay sa datos ng Karapatan (2025), 17 ๐ฏ๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ ng sapilitang pagkawala ang naitala sa ilalim ng pamahalaan ni Ferdinand Marcos Jr. Ang patuloy na paglitaw ng mga kasong ito ay manipestasyon ng umiiral na kultura ng impunidad at ng kabiguan tiyakin ng Estado ang ganap na proteksiyon sa kalayaan, karapatan sa buhay, at seguridad ng mamamayan.
Kabilang sa mga kasong ito ang pagkawala nina ๐๐ฒ๐ป๐ฒ ๐ฅ๐ผ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น โ๐๐ฎ๐๐ผ๐ผโ ๐๐ฒ ๐๐ฒ๐๐๐ at ๐๐ฒ๐
๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐ฝ๐๐๐ฎ๐ป, kapwa dating lider-estudyante ng UP Baguio na naging aktibo sa pagsusulong ng karapatan ng mga estudyante, makamasang edukasyon, at malayang pamamahayag. Ang kanilang pagkawala ay patuloy na humihingi ng malinaw na kasagutan at agarang pagpapalitaw, habang naghihintay ang kanilang mga pamilya at mga kasama sa pagkilos.
Hindi mapaghihiwalay ang mga kaso ng sapilitang pagkawala sa mas malawak na kalagayan ng pampulitikang panunupil sa bansa. Sa mahabang kasaysayan ng estado ng karahasan at impunidad, naging kasangkapan ang sapilitang pagkawala upang patahimikin ang mga nagsusulong ng kanilang mga karapatan, nakikibaka para sa kanilang kabuhayan, at nagtataguyod ng makatarungang pagbabago sa lipunan. Mula sa panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyan, patuloy na hinaharap ng mga pamilya ng desaparecido ang kawalan ng katarungan habang nananatiling hindi napapanagot ang mga responsable.
Higit sa lahat, hindi maaaring ituring na nagwawakas ang krimen sa mismong sandali ng pagkawala. Hangga't hindi natutukoy ang kinaroroonan at kapalaran ng desaparecido, nagpapatuloy ang pagkakait ng katotohanan at katarungan. Tungkulin ng Estado na hanapin ang mga nawawala, tiyakin ang agarang at masusing imbestigasyon, itaguyod ang karapatan ng mga pamilya sa katotohanan, at panagutin ang sinumang may pananagutan sa krimen, anuman ang kanilang posisyon o katungkulan.
Hindi sapat ang pagkakaroon ng batas kung nananatiling papel lamang ang proteksiyong ipinangako nito. Walang saysay ang mga institusyong itinayo upang magbigay ng katarungan kung ang mga biktima ay patuloy na nawawala, ang kanilang mga pamilya ay patuloy na naghihintay, at ang mga salarin ay patuloy na nakalalakad nang malaya. Ang kawalang-pananagutan sa mga nagkasala ay hindi kawalan ng kakayahan lamang ng Estado. Isa itong pagkabigo nitong tuparin ang pangunahing tungkulin nitong pangalagaan ang karapatan at dignidad ng mamamayan.
Ang pagkawala ng isang tao ay hindi dapat maging pagkawala rin ng pananagutan.
Sa araw na ito, huwag nating hayaang malunod sa katahimikan ang mga pangalan at kuwento ng mga desaparecido. Ipalaganap ang panawagan ng kanilang pamilya, ilantad ang katotohanan sa likod ng bawat sapilitang pagkawala, at igiit ang agarang pagpapalitaw sa mga desaparecido.
๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐
-๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!