23/02/2025
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐!
Sa darating na ika-25 ng Pebrero, gaganapin ang ika-39 na anibersaryo ng ๐๐ฟ๐๐ผ ๐๐๐ค๐ฅ๐ก๐ ๐๐ค๐ฌ๐๐ง ๐๐๐ซ๐ค๐ก๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ. Taun-taon itong ginugunita at dati nang kinikilala bilang isang non-working holiday. Gayunpaman, sa kasalukuyang kalendaryo ng administrasyong Marcos Jr., ito ay binago at itinakda bilang isang ๐จ๐ฅ๐๐๐๐๐ก ๐ฌ๐ค๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ก๐๐๐๐ฎ, na maaaring magdulot ng paglimot o pagbalewala sa makasaysayang pangyayari sa EDSA, na nagpatalsik sa dating diktador na si Marcos Sr.
Sa kabila ng pagtatangkang burahin ang alaala ng makasaysayang rebolusyon, hindi matitinag ang diwa ng mga Pilipinong patuloy na ipinaglalaban ang demokrasya at kalayaan. Maraming mga eskuwelahan at institusyon ang hindi nagpadala sa naturang hakbang. Patuloy nilang kinikilala ang kahalagahan ng EDSA, bilang isang simbolo ng pagkakaisa ng sambayanan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan.
Kaya sa pamahalaan ng Sintang Paaralan, nakakalimot na rin ba tayo sa kasaysayan? Isa ang ๐๐ค๐ก๐ฎ๐ฉ๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ sa mga unibersidad na nagpatigil ng klase at nagpadala ng mga estudyante, kaguruan, at tauhan, tulad nina Charlie Del Rosario at Dr. Nemesio Prudente, upang mag-organisa at makiisa sa EDSA Revolution. Mula noon, kilala ang Sintang Paaralan bilang isang institusyong palaban at matatag sa paninindigan para sa demokrasya at karapatan ng mamamayan. Ngayon, tila ang dating maalab na diwa ng pakikibaka ay nagiging malamlam. Ang mga aksyon o kawalan ng aksyon, tulad ng hindi pagsuspinde ng klase ngayong 39th Commemoration ng EDSA, ay maaaring magdulot ng katanungan: Ano na ang nangyari sa mga pinaglaban ng mga naunang henerasyon?
Dugo't pawis ang dumanak upang patalsikin ang diktadura. Boses ng mga mamamayang nag-aalab sa galit ang umalingawngaw para sa progresibong pagbabago. Buhay ang isinakripisyo at naging kabayaran para sa kalayaang ating tinatamasa.
Kaya naman nanawagan kami sa administrayon ng unibersidad na muling isaalang-alang ang kanilang desisyon. Bilang isang institusyong may malalim na kasaysayan ng pakikibaka para sa karapatan at demokrasya, mahalaga para sa PUP na kilalanin ang kahalagahan ng araw na ito.
๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐.