23/01/2020
"OLATS ANG POLIO SA MANILA"
Yan po ang gusto ng ating YORME ISKO MORENO...
Mga Momshies...kakatapos pa lang po ng ating OPT (OPERATION PAG TIMBANG)
Wag po kayong magsawa sa amin kasi po muli kaming mag iikot po kasama ang staff ng ating center for MONOVALENT ORAL POLIO VACCINE TYPE 2 (MOPV2)
Napaka halaga po ng patak polio na ito para po dagdag na panlaban ng inyong anak laban sa POLIO syempre po ayaw natin na mapilay po ang ating mga anak kaya makiisa po tayo sa programang ito mula po sa...
MANILA HEALTH DEPARTMENT kasama ang UNICEF at ang WHO
Nais po ng ating butihing Mayor ISKO MORENO na "OLATS ANG MAYNILA SA POLIO". Kaya
kami po ay nag seminar tungkol po sa isasagawang MOPV2...ang mabibiyayaan po ng libreng patak polio ay mga bata mula 0 to 59 months...mag uumpisa po kaming mag ikot mula January 27, 2020 to February 9, 2020
Mayroon pa pong 2nd round abangan na lang.po ang muli ko pong anunsyo.
Maraming Salamat po in Advance...BHW JOY of Brgy. 897... See You Soon mga mamazh and babies...