11/06/2026
IPAGLABAN ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA! US IMPERIALIST, #1 TERRORIST! ✊
Ngayong Araw ng Kalayaan, iniimbitahan ang mga Iskolar ng Bayan na ipagpatuloy ang ating laban para sa pambansang demokrasya at para itakwil ang dominasyon ng mga imperyalistang bansa sa ating bayan.
Hindi tunay na malaya ang Pilipinas kung hanggang ngayon ay malayang nakakapasok ang mga polisiya at proyekto ng US na lalong nagpapahirap sa sambayanan.
Noong May 5, nakita natin ang lantarang pambabastos ng US sa soberanya ng ating bansa sa pagpapalipad ng Tomahawk Missile na dumaan sa ilang bahagi ng bansa. Binabrand ng US bilang isang regalo ang Paxilica, ngunit sa katotohanan ay malaki lamang itong banta sa seguridad ng bawat isang Pilipino dahil ginagawang lunsaran ng mga gawaing pandigma ang Pilipinas.
Dagdag pa d'yan, dinaos din ang Balikatan Exercise 2026 para maglunsad nang pagsasanay sa ating bansa ang US, upang ihanda ang kaniyang militar sa gera at ihanda ang ating bansa bilang lunsaran ng digma sa pagitan ng iba pang imperyalistang bansa.
Hindi dapat pahintulutan ng mamamayang Pilipino ang pambabastos na ito. Hindi dapat maging lunsaran ng gera ang ating bansa, at dapat lamang na tutulan ng mamamayan ang gerang ganansya lamang ng iilan!
📌 JUNE 12 | HINDIpendence Day 2026
🕘 9:00 AM
📍 Kalaw St., cor. Taft
SUMALI SA COORDINATING GC: https://m.me/j/AbYhhX998E5Dct6e/