Brgy. 388 Zone 39 Dist. III • Quiapo, Manila

Brgy. 388 Zone 39 Dist. III • Quiapo, Manila OFFICIAL PAGE | Your source for the latest announcements, community updates, and local news. 💙

22/07/2026

📢 PAABISO SA MGA BENEPISYARYO
PAY OUT ALLOWANCE SCHEDULE:
Barangay 388 zone 39

Magkakaroon po ng distribution ng 2nd Quarter APRIL-MAY-JUNE Monthly Allowance mula sa City Government

PARA sa mga sumusunod na benepisyaryo:
👴 Senior Citizen
♿ PWD (Minor at Adult)
👩‍👧 Solo Parent

📅 Simula: JULY 23, 2026
📅 Hanggang: JULY 30, 2026 lamang ang pag-claim
⏰ Oras: 2:00 ng hapon
hanggang 7:00 ng Gabi

📌 JULY 31, 2026 – Liquidation
Mga Kailangang Dalhin (Requirements):
✔️ Original na ID
✔️ 4 photocopies ng ID
✔️ 3 original specimen signature

📣 Paalala:

Siguraduhing kumpleto ang requirements upang maiwasan ang abala sa pag-claim ng inyong allowance.
Hindi na po papayagan Ang expired na ID Ng mga PWD at Solo Parent. Kita kits po Tayo sa Brgy Hall bukas Ng 2pm
Maraming salamat po.

Isang karangalan po ang aking nominasyon bilang Outstanding Humanitarian and Leadership Service sa Philippine Leaders Aw...
19/07/2026

Isang karangalan po ang aking nominasyon bilang Outstanding Humanitarian and Leadership Service sa Philippine Leaders Award.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa buong Barangay 388 at sa bawat mamamayang patuloy na nakikiisa sa ating mga programa at adhikain.

Sa lahat ng aking mga nasasakupan, muli po akong humihingi ng inyong suporta at pakikiisa. Ipakita natin sa lahat kung gaano kadisiplinado, nagkakaisa, at kahanga-hanga ang ating Barangay 388.

💙 Malaki po ang maitutulong ng inyong suporta. Ang inyong pag-like at pag-share sa post na ito ay bahagi ng pagboto at makakatulong sa aking nominasyon para sa Outstanding Humanitarian and Leadership Service Award.

Kung naniniwala kayo sa ating mga nagawa at sa ating patuloy na paglilingkod sa komunidad, sana po ay maipakita ninyo ang inyong suporta sa pamamagitan ng pag-like, pag-share, at pagpapalaganap ng post na ito.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Ang pagkilalang ito ay para sa ating lahat. Para sa Barangay 388, sama-sama nating ipagmalaki ang ating komunidad! 🇵🇭💙

- Chw. Sylvia Laxamana

LET THE VOICE OF THE PEOPLE BE HEARD! 🇵🇭
The Philippine Leaders Award 2026 is now open for nominations!
This prestigious recognition honors CEOs, Entrepreneurs, and Public Servants whose stories of hope, inspiration, and contribution to the nation have created lasting impact in their communities and beyond.
If the negative feedback is found to be valid, credible, and with sufficient basis, the nominee will be automatically removed from the list of official nominees
Voting System (Engagement-Based)
👍 Like = 1 Vote
🔁 Share = 2 Votes
Celebrate those who lead with compassion, integrity, and vision — the men and women who prove that true leadership begins with service.
📝 Submit your nomination here: forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8
🗓️ Deadline for Nomination: August 20, 2026
📍 Venue: Centennial Hall, The Manila Hotel
Let’s honor the stories that inspire and the leaders who bring hope to our nation.

https://forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8

Sa sobrang init, kahit yung electric fan mo nanghihingi na ng yelo.Sa panahon ng climate change, ang heat wave ay isa na...
19/07/2026

Sa sobrang init, kahit yung electric fan mo nanghihingi na ng yelo.

Sa panahon ng climate change, ang heat wave ay isa nang seryosong banta sa ating kalusugan at komunidad. Ito ay hindi lang simpleng tag-init. Isa itong seryosong banta sa ating kalusugan.

Sa ikatlong yugto ng aming environmental advocacy series - “Alinsangan.” Aalamin natin kung ano ang heat wave, ang mga epekto nito sa ating kalusugan, at paano mapoprotektahan ang ating sarili at pamilya laban sa matinding init sa pamamagitan ng mga simple ngunit mabisang hakbang sa paghahanda at first aid.

Makinig. Matuto. Mamuno.




13/07/2026

"Alam mo ba?" 💡💭

Tatlong salita, pero maaaring maging simula ng mas matalinong paghahanda! ✨

Kapag narinig mo ang Super El Niño, matinding init ba agad ang naiisip mo? 🥵 Paano kung mas marami pa palang dapat malaman tungkol dito? 🤔

Kaya nama’y tuklasin natin ang ilang kaalaman tungkol sa Super El Niño. 🔍☀️

💬 I-comment sa ibaba kung ano ang pinaka "𝘖𝘰𝘰𝘰𝘩..." moment mo 👀




Oras na para painitin ang ating kaisipan! 🧠Subukan ang aming 4 Pics 1 Word Challenge at hulaan ang dalawang salitang may...
13/07/2026

Oras na para painitin ang ating kaisipan! 🧠

Subukan ang aming 4 Pics 1 Word Challenge at hulaan ang dalawang salitang may kaugnayan sa Super El Niño. ☀️🌏

🔎 Pagsama-samahin ang apat na larawan, pagdugtung-dugtungin ang mga clue, at tingnan kung tama ang hula mo!

I-comment ang inyong mga sagot sa ibaba! 💡💬




Mag-electric fan magdamag o magtipid para sa dagdag-singil ng Meralco? Mukhang pareho ka pa ring pagpapawisan. 🥵Sa gitna...
12/07/2026

Mag-electric fan magdamag o magtipid para sa dagdag-singil ng Meralco? Mukhang pareho ka pa ring pagpapawisan. 🥵

Sa gitna ng tumitinding epekto ng pagbabago ng klima, mahalagang maunawaan ang Super El Niño at ang mga hamong dala nito sa ating kalusugan, suplay ng tubig, pagkain, at kabuhayan.

Kasama ang Barangay 388, inihahandog ng KalamiTeam ang ikalawang yugto ng aming environmental advocacy series—"Lagablab." Sa seryeng ito, bibigyang-pansin natin ang isa sa mga pinakamahalagang usaping pangklima na kinahaharap ng bansa: ang Super El Niño.

Habang papainit ang panahon, kasabay rin ba nitong umigting ang ating kahandaan?

Alamin. Makialam. Kumilos.




❌PUTULIN ANG MGA PUNO SA QUIRINO AVENUE✅ DAGDAGAN PA ANG MGA GREEN SPACES SA MAYNILASa banta ng isa na namang   na super...
11/07/2026

❌PUTULIN ANG MGA PUNO SA QUIRINO AVENUE
✅ DAGDAGAN PA ANG MGA GREEN SPACES SA MAYNILA
Sa banta ng isa na namang na super typhoon sa bansa at sa labis-labis na init tuwing tag-araw, lumilinaw ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa CLIMATE CHANGE. Malinaw ang mga epekto nito sa buhay ng tao, ngunit ano nga ba ang mga sanhi nito?
Bilang tugon sa nagbabagong klima, inihahandog ng KalamiTeam, katuwang ang Barangay 388, Quiapo, Manila, ang isang gabay sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) na tumatalakay sa pagbabago ng klima. Narito na ang unang yugto ng aming serye, ang “Liwanag”. Ang pabagu-bagong klima ay isang isyung dapat tugunan, ngunit bakit pa nga ba at paano, bilang mga ordinaryong mamamayang Pilipino?
Maliwanagan, makialam, at maghanda.



See less

TAPAT AT MAY DANGAL: Isang Tunay na Huwaran sa Ating Barangay! 🫡❤️Isang malaking saludo po sa ating kabarangay na si  De...
11/07/2026

TAPAT AT MAY DANGAL: Isang Tunay na Huwaran sa Ating Barangay! 🫡❤️

Isang malaking saludo po sa ating kabarangay na si Delima Rico at sa kanyang asawa na si Reymond Rico (Mac Zigen Rico) na kamakailan lang ay nakapulot ng isang wallet na naglalaman ng mahahalagang dokumento at malaking pera. Sa halip na itago, hindi siya nagdalawang-isip na ibalik ito sa tunay na may-ari.

Agad niya itong ipinaalam sa ating barangay, at mabilis din namang kumilos ang mga opisyal upang matulungan siyang mahanap ang nagmamay-ari nito. Dahil sa mabilis na koordinasyon at katapatan, ligtas nang naibalik ang wallet!

Tunay naman po talagang nakatutuwa at nakabibilib ang ginawa ng mag asawang 'to. Patunay lang na buhay na buhay ang tapat na malasakit sa ating komunidad. Mabuhay ka, Sir Reymond! Proud ang buong barangay sa iyo! 👏🎉



Ang bawat hakbang ng paghahanda ay maaaring makapagligtas ng buhay. Ang buwan ng Hulyo ay itinalagang National Disaster ...
08/07/2026

Ang bawat hakbang ng paghahanda ay maaaring makapagligtas ng buhay. Ang buwan ng Hulyo ay itinalagang National Disaster Resilience Month ng Pilipinas, na may temang "NAGHAHANDA at KUMIKILOS tungo sa PANATAG na BAGONG PILIPINAS".

Nasusukat ang tunay na katatagan sa mga hakbang na ginagawa natin upang maging handa at patuloy na matuto ukol sa mga paparating na sakuna. Sama-sama nating gawing bahagi ng bawat araw ang kahandaan para sa mas ligtas at mas matatag na sarili, pamilya, at komunidad.

Bilang bahagi ng pagiging handa, narito ang ilang KalamiTIPS 😉o pangkalahatang paalala na maaari mong gamitin na gabay



Announcement | Water Interruption 💧💧From June 30, 2026 (10:00pm)To July 1, 2026 (4:00am)
30/06/2026

Announcement | Water Interruption 💧💧

From June 30, 2026 (10:00pm)
To July 1, 2026 (4:00am)

Address

1142 Pasaje Del Carmen Street Quiapo
Manila
1001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. 388 Zone 39 Dist. III • Quiapo, Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share