22/08/2026
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa WIKAakuhan 2026, na may temang “Perspektiba, Praktis, at Patutunguhan ng Pananaliksik sa Filipino Gamit ang Artificial Intelligence,” sa Agosto 25, 2026, Martes, mula 9:00 n.u. hanggang 12:00 n.t.
Isa sa mga tampok na tagapagsalita ay si Sr. Lib. Lady Catherine R. De Leon, RL, MLIS, Head Librarian ng UST Miguel de Benavides Library Filipiniana Section. Bilang tagapagtaguyod ng mga koleksiyong Filipiniana at ng paggamit ng mga kagamitang aklatan sa pananaliksik, ibabahagi niya ang kaniyang kaalaman at pananaw tungkol sa pananaliksik sa Filipino sa panahon ng Artificial Intelligence.
📚 Bilang isang Filipiniana Librarian, mananaliksik, at tagapagtaguyod ng kaalamang Pilipino, ibabahagi ni Sr. Lib. de Leon ang kaniyang perspektiba sa kung paano maaaring maging katuwang, hindi kapalit, ang AI sa pananaliksik—lalo na sa paghahanap, paggamit, at kritikal na pagsusuri ng mga sanggunian tungkol sa Pilipinas at sa wikang Filipino.
🎙️ Wikaakuhan 2026
📅 Agosto 25, 2026 | Martes
🕘 9:00 n.u. – 12:00 n.t.
📍 LIVE sa Facebook: UST Departamento ng Filipino
🎟️ Magparehistro: https://bit.ly/3SfQGMw
Wika natin. Pananaliksik natin. Kinabukasan natin. 🇵🇭
WIKAAKUHAN 2026 | TOMASINONG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 🇵🇭
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, halina't samahan ninyo kami sa isang makabuluhang talakayan hinggil sa wika, pananaliksik, at makabagong teknolohiya na magbubukas ng mga bagong perspektiba sa paggamit ng AI sa pananaliksik sa wikang Filipino.
Tampok sa talakayan ang ating mga Tagapagsalita at Reaktor mula sa iba’t ibang larangan na magbabahagi ng kanilang kaalaman, pananaw, at karanasan.
🎙️ Wikaakuhan 2026
Tema: “Perspektiba, Praktis, at Patutunguhan ng Pananaliksik sa Filipino Gamit ang Artificial Intelligence”
📅 Agosto 25, 2026 | Martes
🕘 9:00 n.u. – 12:00 n.t.
📍 LIVE sa Facebook: UST Departamento ng Filipino
🎟️ Magparehistro: https://bit.ly/3SfQGMw
Wika natin. Pananaliksik natin. Kinabukasan natin.