Manila Public Employment Service Office

Call Directions Contact the organization

Manila Public Employment Service Office PESO Manila is a multi-service facility established to provide employment information and assistance to Manileños.

Pagka debit agad. 💸
09/10/2026

Pagka debit agad. 💸

Muling magkakaroon ng Local Recruitment Activity para sa mga job seekers, katuwang ang mga kumpanyang kalahok sa paparat...
08/10/2026

Muling magkakaroon ng Local Recruitment Activity para sa mga job seekers, katuwang ang mga kumpanyang kalahok sa paparating na Sabado, October 10, 2026, mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM, na gaganapin sa PESO Annex, 2nd Floor, Park N’ Ride Building, Dr. Basa Street, Ermita, Manila.

Schedule ng mga Kumpanya:
• 8:00 AM–10:00 AM – Collecticons Inc. (Filbars)
• 10:00 AM–12:00 PM – Henry's Professional Photo Marketing Inc.
• 12:00 PM–2:00 PM – Topserve Service Solutions, Inc.

I-scan ang QR code o i-click ang link para sa pre-registration ng Local Recruitment Activity: https://forms.gle/mnUnaNuKU6wTqLC67

Patuloy ang pagbibigay ng Manila PESO ng oportunidad sa mga job seeker na naghahanap ng trabaho, katuwang ang mga kumpan...
08/10/2026

Patuloy ang pagbibigay ng Manila PESO ng oportunidad sa mga job seeker na naghahanap ng trabaho, katuwang ang mga kumpanyang kalahok sa isinagawang recruitment activity ngayong araw, Oktubre 8, 2026.

Ginaganap ang recruitment mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM sa PESO Office, Room 446, 4th Floor, Manila Clock Tower, Manila City Hall, Manila.

Schedule ng mga Kumpanya:
• 8:00 AM–10:00 AM – Acabar Marketing International, Inc.
• 10:00 AM–12:00 PM – CITI HRM Corporation
• 12:00 PM–2:00 PM – Smart Career Outsourcing Service Co.
• 2:00 PM–4:00 PM – JTC Group of Companies

Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-apply, ma-interview, at ma-hire on the spot!

Naganap ngayong araw, October 7, 2026 (Miyerkules), ang orientation para sa mga benepisyaryo ng Work for Senior Citizens...
07/10/2026

Naganap ngayong araw, October 7, 2026 (Miyerkules), ang orientation para sa mga benepisyaryo ng Work for Senior Citizens and PWDs Program ng Manila PESO bilang paghahanda sa kanilang deployment sa Shakey’s.

May kabuuang 11 Senior Citizens at 5 PWDs ang ide-deploy na kabilang sa programa. Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng inklusibong oportunidad sa trabaho para sa lahat.

06/10/2026

WATCH: Saludo sa sipag at dedikasyon ang ating mga Lolo at Lola ng Maynila. ❤️

Masigla nilang ginagampanan ang kanilang mga gawain bilang bahagi ng selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa ilalim ng TUPAD Program.

Hatid ng Manila PESO ang Local Recruitment Activity para sa mga job seekers, katuwang ang mga kumpanyang kalahok ngayong...
06/10/2026

Hatid ng Manila PESO ang Local Recruitment Activity para sa mga job seekers, katuwang ang mga kumpanyang kalahok ngayong Huwebes, October 8, 2026, mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM, na gaganapin sa PESO Office, Room 446, 4th Floor, Manila Clock Tower, Manila City Hall, Manila.

Schedule ng mga Kumpanya:
• 8:00 AM–10:00 AM – Acabar Marketing International, Inc.
• 10:00 AM–12:00 PM – CITI Hrm Corporation
• 12:00 PM–2:00 PM – Smart Career Outsourcing Service Co.
• 2:00 PM–4:00 PM – JTC Group of Companies

Mag-apply na at samantalahin ang pagkakataong ma-interview at ma-hire on the spot. I-scan ang QR code o i-click ang link para sa pre-registration ng Local Recruitment Activity: https://forms.gle/gP93ZNizsnnkqyAF6

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡:Tuloy-tuloy ang trabaho ng ating mga senior citizen beneficiaries na bahagi ng TUPAD Program. Naka-deploy sila s...
06/10/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡:Tuloy-tuloy ang trabaho ng ating mga senior citizen beneficiaries na bahagi ng TUPAD Program. Naka-deploy sila sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at patuloy na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒Muling magkakaroon ng 𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐇𝐞𝐥𝐩 𝐃𝐞𝐬𝐤 sa paparating na 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬) mula 𝟖...
06/10/2026

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒

Muling magkakaroon ng 𝐎𝐖𝐖𝐀 𝐇𝐞𝐥𝐩 𝐃𝐞𝐬𝐤 sa paparating na 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐢𝐲𝐞𝐫𝐤𝐮𝐥𝐞𝐬) mula 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐏𝐌 sa 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐀𝐧𝐧𝐞𝐱, 𝟐𝐟, 𝐏𝐚𝐫𝐤 𝐍’ 𝐑𝐢𝐝𝐞 𝐁𝐥𝐝𝐠., 𝐃𝐫. 𝐁𝐚𝐬𝐚 𝐒𝐭., 𝐄𝐫𝐦𝐢𝐭𝐚 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚

Para sa inyong mga katanungan, concerns, o nais malaman tungkol sa mga serbisyo ng OWWA, inaanyayahan namin kayong magtungo sa OWWA Help Desk.

Samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng impormasyon at assistance tungkol sa mga serbisyong inilaan para sa ating mga Active OWWA Members.

250 senior citizens, nakapagsimula na sa TUPADNagsimula na ang 250 senior citizens sa kanilang sampung araw na trabaho s...
05/10/2026

250 senior citizens, nakapagsimula na sa TUPAD

Nagsimula na ang 250 senior citizens sa kanilang sampung araw na trabaho sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Isinasagawa ang programa mula Oktubre 5 hanggang Oktubre 20 kung saan tatanggap ang mga benepisyaryo ng sahod na katumbas ng minimum wage.

Pinangunahan ito ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Director John Hiroshi Umeda bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga Manileño.

𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗝𝗼𝗯 𝗥𝗲𝗳𝗲𝗿𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗣𝗘𝗦𝗢Narito ang mga available na posisyon mula sa iba’...
05/10/2026

𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗝𝗼𝗯 𝗥𝗲𝗳𝗲𝗿𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗣𝗘𝗦𝗢

Narito ang mga available na posisyon mula sa iba’t ibang kumpanya. Tingnan ang mga job openings at piliin ang trabahong nais ninyong applyan.

Para makapag-apply, i-scan ang QR code o i-click ang link na ito: https://forms.gle/Rc78vomS7qRAFZyh9

📌 Paalala: Siguraduhing aktibo ang inyong cellphone number dahil ang employer mismo ang tatawag sa mga aplikanteng mapipili para sa interview.

Address

Room 446 4th Floor, Manila Clock Tower, Manila City Hall
Manila

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Saturday 7am - 4pm

Telephone

+63253102167

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manila Public Employment Service Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Manila Public Employment Service Office:

Shortcuts

Share