NNARA Youth - PUP

NNARA Youth - PUP Ang NNARA-Youth PUP ay isang pangmasang organisasyon ng mga kabataan at estudyanteng nakikiisa sa laban ng uring magbubukid para sa tunay na reporma sa lupa.

Ang National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA) - Youth PUP ay isang pangmasang organisasyon ng mga kabataan at estudyanteng nakikiisa sa laban ng mga magbubukid para sa karapatan, katarungan, hustisya, at higit sa lahat, para sa tunay na reporma sa lupa. Makimamuhay at makibaka! SUMALI SA NNARA-Youth PUP! Magsign-up dito: http://bit.ly/NRY-PUP-Sign-Up



22/08/2026

๐—–๐—”๐—กโ€™๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—ช๐—”๐—ฌ๐—ฆ ๐—•๐—˜ ๐—œ๐—ก ๐—Ÿ๐—”, ๐—ฆ๐—ข๐— ๐—˜๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—›๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—›๐—ข๐—Ÿ๐—— ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—›๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก!

Mapagpalayang pagbabalik at pagsalubong, mga Iskolar ng Bayan! Sa panibagong pagsibol ng taong-panuruan, makiisa at maging bahagi sa nag-aalab na pagkilos para sa ating uring magsasaka at sa ating sintang paaralan!

Hanggang ngayon, patuloy pa ring nilalapastangan at sinusupil ng naghaharing uri ang mga karapatan ng ating mga magsasaka. Laganap pa rin ang mala-pyudal na sistema sa bawat sakahan. Habang nagpapatuloy ang ganitong kalagayan, mahalagang maging kaisa tayo sa kanilang pakikibaka. Pangalagaan natin ang pangunahing pundasyon ng ating ekonomiya, ang sektor ng agrikultura, at ang ating mga magsasaka.

Kasabay nito ang walang humpay na pagkakait sa ating pamantasan ng sapat na pondo at espasyo. Hindi pa man nagsisimula ang unang semestre, muli na namang binawasan ang badyet ng ating paaralan. Sa inilabas na National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM), โ‚ฑ3.5 bilyon lamang ang inilaan na badyet para sa Fiscal Year 2027. โ‚ฑ300 milyon itong mas mababa kumpara sa kasalukuyang pondo, at malayong-malayo ito sa โ‚ฑ15 bilyong hiling na badyet ng ating pamantasan.

Kulang na kulang ang pondong ito para sa mahigit 106,500 estudyante ng PUP System. Dagdag pa rito ang niraratsadang NPU Bill. Isang bogus na modernisasyon sa ating pamantasan, batas na higit pang maglalagay sa ating edukasyon sa panganib ng pagsasapribado, komersyalisasyon, at pagkakait ng karapatan sa dekalidad at abot-kayang edukasyon.

Habang hikahos ang pondo para sa edukasyon at laganap pa rin ang mala-pyudal na sistema sa bawat sakahan, walang humpay naman ang paglulustay sa kaban ng bayan sa mga walang-katuturang proyekto ng gobyerno, tulad na lamang ng Pax Silica. Kaya naman, makiisa tayo sa pagtindig at dalhin ang mga panawagan ng mga Iskolar ng Bayan na hindi magpapatinag sa maalipustang sistemang patuloy na nagpapalaganap ng represyon. ๐——๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป.

Buwagin ang huwad at pasakit na sistema!
Pondo sa edukasyon, hindi sa korapsyon!

๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐——๐—”๐—ฌ ๐—™๐—œ๐—š๐—›๐—ง!
๐Ÿ“†AUGUST 22, 2026
CALL TIME: 9:00 AM
START OF SATELLITE CAMPUSESโ€™ PROGRAM: 10:00 AM
FDF MAIN CAMPUS PROGRAM: 10:20 AM- 11:20 AM
________
โœŠ Sumali sa NNARA Youth - PUP!
๐Ÿ“ Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

SA UNANG ARAW, SABAY-SABAY LUMABAN!Muling nagbubukas ang panibagong taong panuruan. Sa pagpasok natin sa paaralan, dala ...
21/08/2026

SA UNANG ARAW, SABAY-SABAY LUMABAN!

Muling nagbubukas ang panibagong taong panuruan. Sa pagpasok natin sa paaralan, dala natin hindi lamang ang layuning mag-aral, kundi pati na rin ang tungkuling makiisa sa lipunan. Sa pagsisimula ng panibagong school year, panahon na para muling buhayin ang makabayang tradisyon ng mga Iskolar ng Bayan. Ang First Day Fight ay hindi lang simpleng pagsalubong sa panibagong taon ng pag-aaral, kundi pagkakataon para sama-sama nating ipakita na ang kabataan ay may paninindigan at handang makiisa sa laban ng sambayanan.

Sa kanayunan, patuloy na nakikibaka ang mga magsasaka para sa lupang kanilang sinasaka at sa kabuhayang matagal nang ipinagkakait sa kanila. Samantala, tayo namang mga estudyante ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa pondo, pasilidad, at dekalidad na edukasyon.

Bilang mga Iskolar ng Bayan, hindi lang ang ating responsibilidad ay pumasok sa klase, mag-aral, at makapagtapos. Bahagi rin ng ating pagiging iskolar ng bayan ang paggamit ng ating kaalaman at tinig para makiisa sa mga batayang sektor. Ang laban ng mga magsasaka ay laban din para sa kinabukasang ipinaglalaban natin bilang kabataan.

Kaya sa unang araw ng klase, sama-sama nating irehistro ang ating mga panawagan, makiisa sa First Day Fight, at ipakita natin na ang mga kabataan ay hindi hiwalay sa laban ng bayan.

MGA ISKOLAR NG BAYAN, MAKIALAM! MAKILAHOK! MAKIBAKA!

MAKIPAMUHAY, MAKIBAKA, MAKIISA SA MAGSASAKA!

๐Ÿ“†AUGUST 22, 2026
CALL TIME: 9:00 AM
START OF SATELLITE CAMPUSESโ€™ PROGRAM: 10:00 AM
FDF MAIN CAMPUS PROGRAM: 10:20 AM- 11:20 AM
________
โœŠ Sumali sa NNARA Youth - PUP!

๐Ÿ“ Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

19/08/2026

NAGAGANAP:

SINALUBONG NG KILOS PROTESTA sa Bacolod plaza ngayong araw Agosto 19, 2026 ang ikaapat na buwan mula nang brutal na pag-masaker sa tinaguriang Negros 19.

Nagkakaisa ang mga magsasaka, manggagawang bukid sa tubuhan at mga myembro ng mga progresibong organisasyon sa panawagan ng hustisya at pagpapanagot sa berdugong Armed Forces of the Philippines.

Hanggang ngayon, laganap pa rin ang militarisasyon sa iba't ibang komunidad ng pesante sa Negros. Hanggang sa mga urban areas, damang dama ng masang manggagawa at maralita ang pasismo ng estado.

Hindi papipigil ang pakikibaka ng mga mamamayan ng Negros! Hangga't nagpapatuloy ang sistemang nagkakait sa kanila ng lupa, nakabubuhay na sahod at pantaong karapatan tuloy-tuloy ang laban!

HUSTISYA PARA SA NEGROS 19!
HUSTISYA PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG PASISTANG ESTADO!




๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—œ๐——! ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง ๐—”๐——๐—ฉ๐—ข๐—–๐—”๐—ง๐—˜! ๐ŸŒพAng NNARA Youth ay isang pambansa demokratikong orga...
15/08/2026

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—•๐—จ๐—ž๐—œ๐——! ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง ๐—”๐——๐—ฉ๐—ข๐—–๐—”๐—ง๐—˜! ๐ŸŒพ

Ang NNARA Youth ay isang pambansa demokratikong organisasyon ng mga kabataan na sumusuporta sa laban ng mga magsasaka sa tunay na reporma sa lupa. Naglulunsad ito ng iba't ibang aktibidad para maipaabot sa pinakamalawak ng hanay ng masang Pilipino ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Sa mga interesadong maging bahagi, magrehistro lamang sa link na ito:

https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

[๐Ÿ“• PAARALANG RANDY ECHANIS: PEASANT SITUATIONER]Sa bawat sampung magsasaka, 7โ€“9 ang hindi nagmamay-ari ng lupang sila mi...
14/08/2026

[๐Ÿ“• PAARALANG RANDY ECHANIS: PEASANT SITUATIONER]

Sa bawat sampung magsasaka, 7โ€“9 ang hindi nagmamay-ari ng lupang sila mismo ang nagbubungkal. Malalawak na lupain ang nananatiling monopolyo ng iilan, habang patuloy namang kino-convert ang mga lupang agrikultural tungo sa komersyal, industriyal, at residential na gamit.

Samantala, dahil sa gerang agresyon ng US sa Iran, sumirit ang presyo ng farm inputs, lalo pang nagpapabigat sa kabuhayan ng mga magsasaka. Sa gitna naman ng lumalalang krisis sa klima, patuloy na hinahagupit ng El Niรฑo ang mga sakahan, sinisira ang pananim at lalo pang itinutulak sa pagkalugi ang mga magsasaka.

Ano nga ba ang tunay na kalagayan ng mga magbubukid sa bansa sa gitna ng mga krisis na ito?

๐Ÿ“š Dumalo sa talakayan at alamin ang kalagayan, pakikibaka, at mga hamong kinakaharap ng ating mga magsasaka.

๐Ÿ“† Agosto 15โ€จโฐ 1:00 PMโ€จ๐Ÿ’ป Via Google Meet

๐Ÿ”— SUMALI SA COORDINATING GC:
https://m.me/j/AbYE8_LvW1MVMwLV/?send_source=gc:copy_invite_link_c

PAG-ARALAN ANG LIPUNAN, PAGSILBIHAN ANG SAMBAYANAN!

________

โœŠ Sumali sa NNARA Youth - PUP!

๐Ÿ“ Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

[๐Ÿ“• PAARALANG RANDY ECHANIS: PAX SILICA AND U.S. PLUNDER]โ‚ฑ30 kada square meter. 1,600 ektarya. 5 milyong galon ng tubig k...
10/08/2026

[๐Ÿ“• PAARALANG RANDY ECHANIS: PAX SILICA AND U.S. PLUNDER]

โ‚ฑ30 kada square meter. 1,600 ektarya. 5 milyong galon ng tubig kada araw.

Ito ang presyo ng โ€œeconomic securityโ€ at โ€œindustrialization.โ€

Pero habang itinatayo ang mga data center para sa pandaigdigang tech industry, saan napupunta ang magsasaka? Sino ang mawawalan ng lupa? Sino ang mauubusan ng tubig? At sino ang tunay na makikinabang?

Sa likod ng AI, data centers, at digital economy ay nananatili ang lumang kuwento: lupa, likas na yaman, at paggawa ng Pilipino ang alay para sa mga dayuhan.

Pag-aralan ang Pax Silica. Ilantad ang pandarambong. Makibaka para sa tunay na kasarinlan.

๐Ÿ“† Agosto 10
โฐ 6:00 PM
๐Ÿ’ป Via Google Meet:

๐Ÿ”— SUMALI SA COORDINATING GC:
https://m.me/j/AbYE8_LvW1MVMwLV/?send_source=gc:copy_invite_link_c

PAG-ARALAN ANG LIPUNAN, PAGSILBIHAN ANG SAMBAYANAN!

________

โœŠ Sumali sa NNARA Youth - PUP!

๐Ÿ“ Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

[๐Ÿ“• PAARALANG RANDY ECHANIS: GYERA, KRISIS, AT PAGKAIN]Habang tumitindi ang ribalan sa pagitan ng kapwa Imperyalistang US...
05/08/2026

[๐Ÿ“• PAARALANG RANDY ECHANIS: GYERA, KRISIS, AT PAGKAIN]

Habang tumitindi ang ribalan sa pagitan ng kapwa Imperyalistang US at Tsina, lalong lumalala ang krisis sa pagkain, kabuhayan, at klima. Ang mga bombang ibinabagsak sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo ay umaabot din sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino sa anyo ng gutom, implasyon, at kronikong kahirapan.

Inaanyayahan namin ang lahat sa Paaralang Randy Echanis: Gyera, Krisis, at Pagkain upang sama-samang suriin ang ugat ng mga krisis na ito at kung paano ito nakaugnay sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino at ng mga mamamayan sa buong daigdig para sa tunay na demokrasya at soberanya

๐Ÿ“† Agosto 5โ€จโฐ 6:00 PMโ€จ๐Ÿ’ป Via Google Meet

๐Ÿ”— SUMALI SA COORDINATING GC:
https://m.me/j/AbYE8_LvW1MVMwLV/?send_source=gc:copy_invite_link_c

PAG-ARALAN ANG LIPUNAN, PAGSILBIHAN ANG SAMBAYANAN!

________

โœŠ Sumali sa NNARA Youth - PUP!

๐Ÿ“ Sign-up:
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP
https://bit.ly/NNARAYOUTHPUP-SIGNUP

๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—ฃ๐—”๐— ๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—”๐—ž๐—”!

Address

Anonas, Sta. Mesa
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NNARA Youth - PUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NNARA Youth - PUP:

Shortcuts

Share