04/08/2026
ππππππ ππππ: πππ ππ πππ ππππππππππππ ππππππ ππ πππππ ππππ; πππππππ ππ πππ πππππππππ ππ ππππππππ πππππ
ππππ
Patuloy na lumalakas ang maritime workforce ng bansa matapos maitala ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pinakamataas na bilang ng mga aplikasyon para sa Seafarerβs Identity Document (SID) at Seafarerβs Record Book (SRB) sa unang anim na buwan ng 2026.
Umabot sa 162,770 ang SID at SRB applications mula Enero hanggang Hunyo ngayong taonβ61.49% na mas mataas kumpara sa 100,791 applications na naitala sa kaparehong panahon noong 2025. Ito rin ang pinakamataas na first-half figure sa nakalipas na limang taon.
Batay sa datos ng MARINA, nalampasan din nito ang 89,058 applications noong 2024, 86,814 noong 2023, at 61,097 noong 2022.
Pinakamataas ang bilang ng mga aplikasyon noong Marso na may 30,943, sinundan ng Hunyo (28,769), Pebrero (27,114), Mayo (26,461), Abril (24,925), at Enero (24,558).
Ayon kay MARINA Administrator Sonia B. Malaluan, patuloy na pinaiigting ng ahensya ang mga hakbang upang gawing mas mabilis, mas episyente, at mas accessible ang pagproseso ng SID at SRB applications ng mga seafarers.
βWe encourage our seafarers to continue scheduling their appointments using the eGovPH App via MARINAβs Online Appointment System or OAS. Marami pa pong available appointment slots sa ibaβt ibang MARINA offices sa buong bansa. Patuloy po naming pinag-iigihan ang aming serbisyo upang mas mabilis at maayos ninyong makuha ang inyong SID at SRB,β ani Malaluan.
Sa kasalukuyan, mahigit 13,000 appointment slots para sa SID at SRB ang nananatiling available sa ibaβt ibang MARINA offices sa buong bansa sa buwan ng Agosto at Setyembre.
Matatandaan na ayon sa pinakahuling ulat ng Baltic and International Maritime Council (BIMCO), nananatiling number one source of seafarers ang Pilipinas sa buong mundo, na may tinatayang 1.6 milyong Pilipinong marino.