03/08/2026
IPAGTANGGOL SI MYX KIA DIAZ! BASAGIN ANG ATAKE SA SANGKABAKLAAN! ISULONG ANG MALAYA AT MAKA-MASANG KULTURA! | Nagkakaisang Pahayag ng mga Pambansa Demokratikong Pangmasang Organisasyon ng PNU
Nitong Hulyo 30, lumabas sa Facebook ang isang post mula sa Catholic Faith Defenders (CFD) laban kay John Benedict โMyx Kiaโ Diaz, isang drag artist at kasalukuyang Chairperson ng Anakbayan PNU. Sa nasabing post, lantad na sinusupil ang kanyang malayang pagpapahayag bilang miyembro ng LGBTQIA+ at ang kanyang sining bilang drag artist.
Mariing kinukundena ng mga pangmasang organisasyon ang ganitong uri ng panggigipit. Ang drag ay hindi simpleng pagtatanghal o aliwan lamangโito ay isang porma ng protesta. Sa pamamagitan ng sining ng drag, naipapahayag ng sangkabaklaan ang kanilang danas, hinaing, at kolektibong panawagan sa gitna ng umiiral na bulok na sistema ng lipunan. Ipinap**ita ng sining na ito ang kakayahang humamon sa mga makalumang pananaw. Hindi ito dapat tinatatakang "deviant," "delikado," o "hindi katanggap-tanggap sa lipunan," sapagkat ang pagkontra at pagiging kritikal sa bulok na kaayusan ay batayang karapatan ng mamamayanโlalo na ng mga sektor na patuloy na pinagsasamantalahan.
Ang pagpapakalat ng pananaw na "masama" o "makasalanan" ang drag at ang malayang pagpapahayag ng sarili ay hindi simpleng usapin ng moralidad o pagkakaiba ng paniniwala. Ito ay manipestasyon ng atrasadong kulturang patuloy na nire-reproduce ng mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema. Sa pamamagitan ng mga umiiral na institusyon at dominanteng pananaw, hinuhubog at pinananatili ang mga paniniwalang nagtatakda sa mga hindi umaayon sa status quo bilang โdeviantโ o โhindi katanggap-tanggap,โ sa halip na kilalanin ang kanilang demokratikong karapatan sa malayang pagpapahayag.
Ginagamit ng mga nasa kapangyarihan ang ganitong panggigipit at panlalait upang hatiin ang hanay ng mamamayan, maghasik ng takot, at takpan ang tunay na dahilan ng ating paghihirap.
Ang laban ng sangkabaklaan at kababaihan para sa malayang pagpapahayag ay hindi hiwalay sa pang-araw-araw na p**ikibaka ng mamamayan para sa sahod, lupa, at trabaho. Ang mismong sistemang nagkakait sa atin ng disenteng pamumuhay ang siya ring nagsasabi kung ano lang ang "pwedeng gawin" at "dapat na gawi" ng isang tao upang pigilan tayong magkaisa at lumaban. Kailanman ay hindi magiging kasalanan ang magpahayag, gumawa ng sining, at lumaban para sa karapatan. Ang tunay na sagwil sa lipunan ay ang mismong bulok na sistema na nagpapanatili ng kahirapan at patuloy na sinusupil ang mga boses ng iba't ibang sektor sa ating lipunan.
Sa harap ng ganitong klaseng pag-atake, hindi dapat ito ipagsawalang bahala lamang. Ang pagtatanggol sa malayang pagpapahayag ay pagtatanggol sa demokratikong karapatan ng mamamayan na mag-isip, lumikha, at lumahok sa pagbabagong panlipunan. Walang sinuman ang dapat usigin, husgahan, o patahimikin dahil sa kanilang sining, identidad, o paninindigan.
Patuloy naming ipaglalaban ang isang kulturang mapagpalayaโisang kulturang nagsisilbi sa sambayanan at hindi sa pagpapanatili ng isang sistemang naghahasik ng diskriminasyon, pagsasamantala, at panunupil. Hanggaโt umiiral ang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistemang humuhubog sa mga atrasadong pananaw na ginagamit upang supilin ang mamamayan, mananatiling bahagi ng p**ikibaka ang pagtatanggol sa malayang pagpapahayag ng sangkabaklaan, kababaihan, at lahat ng inaaping sektor.
Hindi krimen ang drag. Hindi krimen ang pagiging kritikal. Hindi krimen ang malayang pagpapahayag.
๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐!
๐ง๐จ๐ง๐จ๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐จ๐ก๐จ๐ฃ๐๐!
๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก!
๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฆ ๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ง!
๐ฃ๐๐ฆ๐ฆ ๐ฆ๐ข๐๐๐ ๐๐ค๐จ๐๐๐๐ง๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ก๐ข๐ช!
๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ซ ๐๐๐ ๐๐๐๐ญ! ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ง๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก! ๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ ๐๐ง ๐ ๐๐๐-๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐! | ๐ก๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐๐ฒ๐บ๐ผ๐ธ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ก๐จ