06/10/2025
'WE ARE A PEOPLE OF LAWS, WE HAVE TO FOLLOW THE LAW'
Naiintindihan daw ni Pres. Bongbong Marcos ang galit ng taumbayan sa talamak na korupsyon sa bansa.
Aniya, maging siya ay hindi masikmura ang "kasalanang" ito ng mga nasasangkot na opisyal.
Pero giit ng Pangulo, kailangan pa ring sundin ang batas sa pagpapanagot sa mga tunay na may sala.
"We have to be thorough if we're actually going to punish these people. We have to be very, very clear of what we are doing," saad niya sa latest "BBM Podcast."