07/10/2026
๐จ ๐ฆ๐๐๐ ๐ ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ง | ๐ ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ข๐ช๐ช๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐น๐ผ๐ธ๐ผ
Kabayan, mag-ingat. Maraming manloloko at maraming kumakalat na pekeng impormasyon online. Marami ang gumagamit sa pangalan ng OWWA para manloko at samantalahin ang sitwasyon ng ating mga OFW.
Mahalagang paalala: Hindi kailangang magbayad ang OFW para sa repatriation assistance ng OWWA. Walang dapat singiling processing fee, advance payment, ticket arrangement fee, o anumang bayad kapalit ng pagpapauwi.
Nakatanggap ang OWWA ng mga ulat tungkol sa ibaโt ibang post, mensahe, Facebook accounts, at WhatsApp accounts na nagpapakilalang konektado sa OWWA at nag-aalok umano ng repatriation assistance.
Kabilang sa mga numerong naiulat sa OWWA ang WhatsApp number na +63 955 873 6353. Sa ilang kaso, pinapabili muna ang OFW ng airline ticket o hinihingan ng bayad na sinasabing mare-refund pagkatapos.
Hindi opisyal na OWWA contact number ang +63 955 873 6353.
Gayunman, hindi lamang sa numerong ito dapat mag-ingat.
Maaaring gumamit ang mga scammer ng ibaโt ibang WhatsApp numbers, Facebook accounts, private messages, pekeng IDs, AI-generated images, at online posts gamit ang pangalan o logo ng OWWA.
๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ข๐ช๐ช๐
โข Huwag magpadala ng pera.
โข Huwag magbigay ng personal, bank, OTP, o account information.
โข Huwag maniwala sa sinumang humihingi ng bayad kapalit ng repatriation assistance.
โข Huwag basta magtiwala sa WhatsApp number, Facebook account, private message, o online post dahil lamang gumagamit ito ng pangalan o logo ng OWWA.
โข Mag-verify muna sa opisyal na OWWA offices at communication channels.
Para sa repatriation concerns at iba pang OWWA assistance:
๐ OWWA Hotline: 1348
๐ง [email protected]
Huwag basta maniwala. Huwag basta magbayad. Mag-verify muna sa OWWA.
Sa OWWA, ang miyembro protektado.
OWWA MIMAROPA Regional Director Dindi Tan
Owwa OrientalMindoro
Owwa Occidental Mindoro
Owwa Marinduque
Owwa Romblon
Owwa Palawan