06/08/2026
ππ DAY 1 of Barangay 110 3-Day Basketball League | Grand Parade and Opening Program | 08.01.26
Opisyal nang binuksan noong Agosto 1 ang 3-Day Basketball League para sa mga kabataan at mamamayan ng Barangay 110. Pinangunahan ito nina Punong Barangay Ramir P. Roda, Kagawad Karen Villanueva (Chairperson, Committee on Sports), SK Chairman Dustine Colver G. Enaje, at ng buong Sangguniang Barangay.
Nagsimula ang programa sa isang maikling parada na sinundan ng opening ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng palaro at pagpapalakas ng pagkakaisa, sportsmanship, at camaraderie sa ating komunidad.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga manlalaro, muse, coaches, kawani, at volunteers ng barangay na naglaan ng oras at suporta upang maging matagumpay ang unang araw ng ating liga.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa mga Salesiano ng Don Bosco Youth CenterβTondo sa pagpapahintulot na magamit ang kanilang gymnasium para sa ating palaro, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Kagawad Toni T. Corpuz.