19/06/2026
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan!” - G*t Jose Rizal
Sa pagtatapos ng Filipino Youth Day, na ipinagdiriwang kasabay ng kapanganakan ni G*t Jose Rizal, patuloy nating kinikilala ang kabataang Pilipino bilang mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang mas makatarungan, pantay, at inklusibong lipunan.
Ang bawat kabataan—anumang kasarian, pagkakalinlan, o kalagayan sa buhay—ay may karapatang mangarap, marinig, at makilahok. Sa pagbibigay ng pantay na pagkakataon at ligtas na espasyo para sa lahat, mas napapalakas natin ang kanilang kakayahang maging bahagi ng makabuluhang pagbabago.
Kaya naman hindi magtatapos ang suporta sa mga kabataan sa araw na ito. Sama-sama nating isulong ang mga programa at polisiyang patuloy na magpapalakas sa kanila upang sila ay malayang mangarap, magpahayag, at may tapang na gamitin ang kanilang tinig para itaguyod ang kinabukasang ligtas at patas para sa lahat.