Municipal Treasurer’s Office - LGU Mansalay, Or. Mindoro

Municipal Treasurer’s Office - LGU Mansalay, Or. Mindoro The official page of the Office of the Municipal Treasurer of LGU Mansalay, Oriental Mindoro

🚨 PABATID SA PUBLIKO🚨⏳ Huling pagkakataon na para makapag-avail ng Real Property Tax Amnesty!Bukas ang Municipal Treasur...
04/07/2026

🚨 PABATID SA PUBLIKO🚨

⏳ Huling pagkakataon na para makapag-avail ng Real Property Tax Amnesty!

Bukas ang Municipal Treasurer's Office at Municipal Assessor's Office sa:

📅 Hulyo 3–5, 2026 (Biyernes, Sabado, at Linggo)
🕗 8:00 AM – 5:00 PM

upang magsilbi sa mga nais humabol sa pag-avail ng Real Property Tax Amnesty sa ilalim ng Republic Act No. 12001 (RPVARA Law).

✅ Ito na ang pagkakataon upang mabawasan ang inyong babayarang delinquent real property taxes sa pamamagitan ng amnestiya sa mga kaukulang penalties, alinsunod sa batas.

📌 Huwag nang hintayin ang huling oras! Magtungo na sa Municipal Treasurer's Office at Municipal Assessor's Office at samantalahin ang benepisyong hatid ng RPVARA Law.

⏰ Deadline ng pag-avail: Hulyo 5, 2026.

❗️PABATID SA PUBLIKO❗️📢 Hanggang Hulyo 5, 2026 na lamang ang huling araw ng pag-avail ng Tax Amnesty para sa mga delinqu...
30/06/2026

❗️PABATID SA PUBLIKO❗️

📢 Hanggang Hulyo 5, 2026 na lamang ang huling araw ng pag-avail ng Tax Amnesty para sa mga delinquent Real Property Taxes (Amilyar sa Lupa) sa ilalim ng RPVARA Law.

Upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang ating mga taxpayers, ang Municipal Treasurer’s Office at Municipal Assessor’s Office ay bukas sa Hulyo 3–5, 2026 (Biyernes, Sabado, at Linggo), mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon, upang tumanggap ng mga bayarin.

✅ Hinihikayat ang lahat ng may hindi pa nababayarang amilyar na samantalahin ang tax amnesty upang maayos ang kanilang obligasyon bago ang itinakdang deadline.

Para sa inyong mga katanungan o karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa Municipal Treasurer’s Office.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Magbayad na bago sumapit ang Hulyo 5, 2026!

❗️❗️❗️Additional Note: kung kayo po ay mayroon nang metro ngunit hindi pa nakakatanggap ng water bill, magtungo lamang p...
13/04/2026

❗️❗️❗️

Additional Note: kung kayo po ay mayroon nang metro ngunit hindi pa nakakatanggap ng water bill, magtungo lamang po sa on-site collection upang malaman ang inyong bayarin.

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢!

Ipinapaalam sa lahat ng mga residente ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝘂𝗹 na ang Municipal Treasurer’s Office ay magsasagawa ng on-site collection para sa bayarin sa Mansalay Water System (MWS) sa darating na April 15, 2026.

Ang pagtanggap ng bayad ay gaganapin mula 8:30 AM hanggang 11:30 AM sa nasabing barangay upang mas maging maginhawa at accessible ang pagbabayad para sa ating mga kababayan.

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang serbisyong ito upang maiwasan ang abala at mapanatiling maayos ang kanilang water account.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta!

Ferdinandtotoyjerie Maliwanag
Vice Mayor Joel Maliwanag

09/03/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Alinsunod sa 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗖𝗶𝗿𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟰 mula sa Office of the President, ang 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗮𝗹𝗮𝘆 ay nagpapatupad na ng Temporary 4-Day Work Week bilang bahagi ng energy at fuel conservation measures ng pamahalaan.

Sa ilalim ng nasabing memorandum, ang ilang tanggapan ng pamahalaan ay magpapatupad ng compressed work schedule mula Monday hanggang Thursday, kung saan ang 40 working hours kada linggo ay maisasagawa sa loob ng apat na araw.

Gayunpaman, upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko, mananatiling may operasyon tuwing Friday ang mga tanggapan na nagbibigay ng frontline at essential services, kabilang ang:

• 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 / Disaster Response Teams
• 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗥𝗛𝗨)
• 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗡𝗣)
• 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗕𝗙𝗣)
• Iba pang opisina na kinakailangang manatiling bukas upang magbigay ng agarang serbisyo sa publiko

Layunin ng hakbang na ito na makatulong sa pagtitipid sa konsumo ng kuryente at gasolina, habang patuloy na tinitiyak ang maayos at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo para sa mga Mansaleño.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa opisyal na anunsyo ng LGU Mansalay para sa karagdagang impormasyon at updates.

❗️PAALALA❗️Sa lahat ng mga magbabayad ng:• Business Permit & Business Tax• Tricycle Registration• Community TaxAng hulin...
25/02/2026

❗️PAALALA❗️

Sa lahat ng mga magbabayad ng:
• Business Permit & Business Tax
• Tricycle Registration
• Community Tax

Ang huling araw po ng pagbayad ng walang surcharge at penalty ay sa February 27, 2026, araw ng Biyernes.

Para sa anumang katanungan, magtungo lamang po sa Tanggapan ng Ingat Yaman.

❗️Pabatid sa Publiko❗️Ang amin pong tanggapan ay bukas hanggang 12:00 ng tanghali sa December 30, 2025 para sa pagtangga...
09/12/2025

❗️Pabatid sa Publiko❗️

Ang amin pong tanggapan ay bukas hanggang 12:00 ng tanghali sa December 30, 2025 para sa pagtanggap ng bayarin sa real property tax o amilyar sa lupa. Ito rin po ang huling araw ng pag avail ng 15% discount para sa real property tax sa taong 2026.

Muli pong magbubukas ang aming opisina sa January 2, 2026 para sa pagtanggap ng inyong mga bayarin.

Maraming salamat po!

Address

Mansalay
5213

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Treasurer’s Office - LGU Mansalay, Or. Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Treasurer’s Office - LGU Mansalay, Or. Mindoro:

Shortcuts

Share