30/07/2026
SPES BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG KANILANG MGA TSEKE
Isinagawa ang Special Program for the Employment of Students (SPES) Cheque Distribution noong Hulyo 29, 2026, kung saan natanggap ng mga benepisyaryong mag-aaral ang kanilang mga tseke bilang kabayaran sa kanilang naging serbisyo sa ilalim ng programa. Layunin ng SPES na matulungan ang mga kabataang Mapandanian na masuportahan ang kanilang pag-aaral habang nagkakaroon ng mahalagang karanasan sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng inisyatiba ng pamahalaan.