Sangguniang Kabataan ng Brgy. Poblacion I-A

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Poblacion I-A Official page of Sangguniang Kabataan Poblacion I-A, Maragondon, Cavite
“Isakatuparan ang KARAPATAN ng bawat KABATAAN.”

🎓 CALLING ALL LATIN HONOR GRADUATES OF POBLACION I-A! 🌟The Sangguniang Kabataan of Poblacion I-A is proud to recognize a...
25/07/2026

🎓 CALLING ALL LATIN HONOR GRADUATES OF POBLACION I-A! 🌟

The Sangguniang Kabataan of Poblacion I-A is proud to recognize and celebrate your hard work, dedication, and academic excellence through our Small Cash Incentive Program for graduates with Latin Honors.

If you are eligible, we encourage you to apply by following the steps below:

📌 How to Apply:
✅ Fill out the Google Form using the link provided.
✅ Upload a clear proof of your achievement (e.g., Diploma, Certificate of Graduation with Latin Honors, or any official school document indicating your Latin Honor).
✅ Submit your application on or before September 30.

🗓️ Application Period: Until September 30

🔗 Google Form: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeOQ0V-gaiQMGpkD045LerBYs6I1JaNrJWrr_Mozw9HOpeIWQ/viewform?usp=dialog

Congratulations on this remarkable achievement! May this simple incentive serve as our way of recognizing your hard work and inspiring you to continue reaching for your dreams. We are proud of you! 💙💛

KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa at naging bahagi ng ating KK Assembly ...
05/07/2026

KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026

Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa at naging bahagi ng ating KK Assembly 2026!

Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay na ang kabataan ng Poblacion 1-A ay handang makiisa at maging bahagi ng pag-unlad ng ating komunidad.

Naging mas makahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng distribution ng Educational Assistance at School Supplies, isang munting tulong mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion 1-A upang makatulong sa paghahanda ng ating mga estudyante para sa nalalapit na pasukan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral at maabot ang inyong mga pangarap.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga resource speakers na naglaan ng kanilang oras at kaalaman upang gabayan at bigyang-inspirasyon ang ating mga kabataan:

✨ Mrs. Mariel Calderon-Gahol – Local Youth Development Officer I (LYDO)
🔥 FO1 Sir Edmond – Bureau of Fire Protection
🔥 FO1 Sir Ahmod – Bureau of Fire Protection
👮 PMSg Ms. Annalyn – Philippine National Police
👮 PMSg Ms. Leni – Philippine National Police

Maraming salamat din sa ating Barangay SK Officials, at sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.

Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas aktibo, mas ligtas, at mas maunlad na kabataan.

Back to School na... Ano, tara na.🎒💙

KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026Join us this July 5, 2026 (Sunday), 8:30 AM at the Maragondon Town Plaza for our Kati...
03/07/2026

KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY 2026

Join us this July 5, 2026 (Sunday), 8:30 AM at the Maragondon Town Plaza for our Katipunan ng Kabataan Assembly 2026 - a day of learning, engagement, and opportunities for every youth in our barangay.

📚 Kasabay rin nito ang distribution ng Educational Assistance at School Supplies para sa mga napiling beneficiaries. Ito ay munting tulong mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion 1-A upang makatulong sa paghahanda para sa nalalapit na pasukan.

Back to School na... Ano, tara?🎒✨

Kita-kits sa July 5! 💙

🎒📚 BACK TO SCHOOL NA!Narito na ang listahan ng mga students na makakatanggap ng Educational Assistance & School Supplies...
02/07/2026

🎒📚 BACK TO SCHOOL NA!

Narito na ang listahan ng mga students na makakatanggap ng Educational Assistance & School Supplies ngayong July 5, 2026.

Bilang bahagi ng aming serbisyo sa kabataan, ito ay munting tulong lamang mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion 1-A upang makatulong sa inyong paghahanda para sa nalalapit na pasukan. 💙

📢 May ilan pang slots na available! Kung hindi pa kayo nakakapag-register o nakakapag-submit ng requirements, habol na! Baka isa ka pa sa mga makasama sa programa. Limited slots only!

Back to School na... Ano, tara? 😉🎒
Tara na at samahan kami ngayong July 5! 💙

BALIK ESKWELA, ANO TARA? 🤔 – May magandang balita para sa inyo!Dahil alam naming marami pa as inyo ang nag-aayos ng mga ...
18/06/2026

BALIK ESKWELA, ANO TARA? 🤔 – May magandang balita para sa inyo!

Dahil alam naming marami pa as inyo ang nag-aayos ng mga dokumento at nag-hahanda, we are giving you more time! The application period has been EXTENDED.

Kaya’t huwag nang magpahuli! Ito na ang pagkakataong inaabangan mo. 🎓💚
📌 Complete your requirements.
📌 Secure your slot.

⚠️ Limited slots only!

Dahil ang bagong deadline ay mas malayô na, huwag na ring maghintay ng huling sandali! Iwasang mapag-iwanan ng slot. 😜

Mula JHS, SHS, hanggang College—tara, ipagpatuloy natin ang iyong biyahe tungo sa isang maliwanag na kinabukasan.📖✨

✅ Submit your applications until JUNE 25, 2026!

📚🎒 BALIK ESKWELA, ANO TARA? 🤔Para sa ating Junior High School, Senior High School, at College students ng Brgy. Poblacio...
01/06/2026

📚🎒 BALIK ESKWELA, ANO TARA? 🤔

Para sa ating Junior High School, Senior High School, at College students ng Brgy. Poblacion 1A:

✨Tara sa school na may baong pangarap.
✨Tara sa pagpupuyat na may patutunguhan.
✨Tara sa diploma na isang hakbang palapit sa tagumpay.

Dahil ang tunay na "sana all" ay yung may pagkakataong makapag-aral at maabot ang pangarap. 🎓💚

📌 Complete your requirements.
📌 Submit early.
📌 Secure your slot.

⚠️ Limited slots only!
Kaya huwag nang magpaka-main character na magpapasa sa deadline. 😜

Mula JHS, SHS, hanggang College—tara, ipagpatuloy natin ang kwento ng iyong tagumpay!📖✨

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga bata at magulang na dumalo at naging bahagi ng ating matagumpay na Gift G...
21/12/2025

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga bata at magulang na dumalo at naging bahagi ng ating matagumpay na Gift Giving na may temang “Pasko ng Pag-asa: Kalinga at Saya para sa Kabataan.”

Ang inyong presensya, masasayang ngiti, at taos-pusong pakikiisa ang siyang nagbigay-buhay sa tunay na diwa ng Pasko—ang pagbibigayan, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa. Malaki ang aming kagalakan na kahit sa munting paraan ay nakapaghatid kami ng saya at pag-asa sa ating mga kabataan.

Nawa’y magsilbi itong paalala na sama-sama tayong nagmamalasakit at patuloy na nagsusulong ng mga programang para sa ikabubuti ng bawat bata at ng buong komunidad. Muli, maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Maligayang Pasko sa ating lahat! 🎄✨


Isang paanyaya po sa lahat ng kabarangay na dumalo at makibahagi sa gaganaping Gift Giving Program bukas na may temang “...
20/12/2025

Isang paanyaya po sa lahat ng kabarangay na dumalo at makibahagi sa gaganaping Gift Giving Program bukas na may temang “Pasko ng Pag-asa: Kalinga at Saya para sa Kabataan.”

Layunin ng programang ito na maghatid ng saya, pag-asa, at kalinga sa ating mga kabataan ngayong panahon ng Pasko.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at suportahan ang makabuluhang gawaing ito. 🎄🎁


🎄✨ PASKO NG PAG-ASA: KALINGA AT SAYA PARA SA KABATAAN ✨🎄Inaanyayahan po namin ang buong barangay na dumalo at makibahagi...
06/12/2025

🎄✨ PASKO NG PAG-ASA: KALINGA AT SAYA PARA SA KABATAAN ✨🎄

Inaanyayahan po namin ang buong barangay na dumalo at makibahagi sa espesyal na programang “Pasko ng Pag-asa: Kalinga at Saya para sa Kabataan” na gaganapin sa December 21, 2025, ganap na 4:00 PM sa ating Barangay Hall Poblacion 1-A 💚❤️

Layunin ng proyektong ito na maipadama ang diwa ng bayanihan, pagkalinga, at tunay na diwa ng Pasko sa ating mga kabataan. Magsasama-sama po tayo para sa isang hapon ng pagbibigay, kasiyahan, at mga gawaing nakatuon sa paghubog ng pag-asa at positibong karanasan para sa kanila.
Hinihikayat po namin ang lahat na maging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito at suportahan ang adhikain na patuloy na pagyamanin ang kabataan bilang pag-asa ng ating bayan ❤️🙌

Sa nasabing programa, inaasahang mas magiging masidhi ang kasiyahan ng mga kabataan dahil tampok dito ang masarap na Jollibee Spaghetti at loot bag na may iba't ibang uri ng candy para sa mga bata, iba’t ibang Palaro na magbibigay sigla at saya, Cash Prizes para sa mga mapapalad na mananalo, mga Regalo bilang bahagi ng diwa ng pagbibigayan, at isang kapana-panabik na Raffle na tiyak na magdadagdag ng sorpresa at tuwa sa lahat ng dadalo ❤️

Maraming salamat, at umaasa kaming makita kayo sa araw ng programa. 🎁✨




The Sangguniang Kabataan of Poblacion 1-A proudly congratulates Yenzhou Nicolas for successfully passing the November 20...
01/12/2025

The Sangguniang Kabataan of Poblacion 1-A proudly congratulates Yenzhou Nicolas for successfully passing the November 2025 Pharmacists Licensure Examination.

Your dedication, perseverance, and commitment to excellence are truly commendable. This achievement reflects not only your hard work but also serves as an inspiration to the youth of our community.

We wish you continued success in your professional journey.
Mabuhay ang kabataang may pangarap at determinasyon! 🎓💊✨

Address

Barangay Poblacion I-A, Cavite
Maragondon
4112

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Poblacion I-A posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share