Sustainable Livelihood Program - Region 8

Sustainable Livelihood Program - Region 8 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sustainable Livelihood Program - Region 8, Government Organization, DSWD Extension 2 SLP Unit, YVI Center, Marasbaras.

DSWD's Sustainable Livelihood Program aims to enhance the capabilities of poor Filipino households and individuals by strengthening their skills and resources in accessing income-generating opportunities to help improve their socio-economic well-being.

TINGNAN: Umabot sa 894 na benepisyaryo mula sa 44 barangays ng bayan ng Paranas, Samar ang nakatanggap ng Livelihood Ass...
28/07/2021

TINGNAN: Umabot sa 894 na benepisyaryo mula sa 44 barangays ng bayan ng Paranas, Samar ang nakatanggap ng Livelihood Assistance Grant (LAG). Nasa P4,470,000 ang kabuuang halaga na naipamahagi ng DSWD - Sustainable Livelihood Program (SLP).

TINGNAN: Nasa halagang P18,802,000 ang naipamahagi ng DSWD-SLP sa Ormoc City, Leyte para sa 1,880 na benepisyaryo ng Liv...
28/07/2021

TINGNAN: Nasa halagang P18,802,000 ang naipamahagi ng DSWD-SLP sa Ormoc City, Leyte para sa 1,880 na benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant (LAG).

15/07/2021
10/07/2021

"Malaking tulong sa aking pamilya. Dahil sa shop na pinondohan ng SLP, mas malaki ang kita ko ngayon kaysa noong namamsada pa ako."

Sa ika-sampung taong anibersaryo ng SLP, ipinagdiriwang din natin ang mga magagandang pagbabago na nararanasan ng ating mga benepesaryo sa pamamagitan ng oportunidad na ipinagkaloob sa kanila ng programang SLP.

Mula sa PagSibol, hanggang sa PagSulong!





Department of Social Welfare and Development

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong  Marso, basahin ang pahayag ni Mary Jane kung paano nakatulong ang...
25/03/2021

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, basahin ang pahayag ni Mary Jane kung paano nakatulong ang DSWD-Sustainable Livelihood Program sa kanilang grupo na binubuo ng kababaihan. Ang kanilang grupong Bigasan ng 4Ps SLP Association (SLPA) ay matatagpuan sa Brgy. Buenavista, San Isidro, Northern Samar.

SLP Northern Samar

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, basahin ang pahayag ni Mary Jane kung paano nakatulong ang DSWD-Sustainable Livelihood Program sa kanilang grupo na binubuo ng kababaihan. Ang kanilang grupong Bigasan ng 4Ps SLP Association (SLPA) ay matatagpuan sa Brgy. Buenavista, San Isidro, Northern Samar.

Nagpapasalamat si Mary Jane sa pagtugon ng ahensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang grupo na magkaroon ng pagkakakitaan at matuto kung paano palaguin ang kanilang kabuhayan. May mensahe rin siya sa mga kapwa niya kababaihan na patuloy lumalaban sa hamon ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Kahit may pandemya, huwag po sana tayong mawalan ng pag-asa at patuloy pa rin na lumaban sa buhay. Kahit sa maliit na pinagkakakitaan, pagtrabahuan natin ng maigi. Ipagpatuloy natin ang buhay,” pag-hikayat ni Mary Jane.

Juana Laban sa Pandemya: Kaya!

Credits: PDO Reynalyn Diocton, DSWD-SLP Northern Samar

Department of Social Welfare and Development
DSWD Sustainable Livelihood Program




23/03/2021
21/12/2020

TINGNAN: 263 na kwalipikadong pamilya ang masayang nakatanggap ng kanilang Livelihood Assistance Grant (LAG) ngayong araw sa bayan ng San Roque, Northern Samar.

Ang ayuda ay ipinamahagi ng DSWD-Sustainable Livelihood Program (SLP) sa ilalim ng implementasyon ng Bayanihan Act 2. Ang bawat benepesaryo ng LAG ay nakatanggap ng P15,000.

Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.

https://fo8.dswd.gov.ph/2020/12/263-na-kwalipikadong-pamilya-sa-bayan-ng-san-roque-northern-samar-masayang-nakatanggap-ng-kanilang-livelihood-assistance-grant-lag-ngayong-araw/

DSWD Sustainable Livelihood Program

Kuha ni SLP-PMEO Paul Jeric Endriano


Basahin ang kwento ni Gina mula sa PagSibol, hanggang sa PagSulong!
27/11/2020

Basahin ang kwento ni Gina mula sa PagSibol, hanggang sa PagSulong!

Malaki ang pasasalamat ni Gina na naging kasapi siya ng Brgy. Giparayan 4Ps SLP Association, isang grupo na inorganisa ng DSWD Sustainable Livelihood Program (DSWD-SLP) sa bayan ng Pambujan, Northern Samar. Dahil sa tagumpay sa kanilang egg-laying production livelihood project ay nagkaroon na siya ngayon ng karagdagang pinagkakakitaan. Ang natanggap niya sa kanilang unang profit-sharing ay ginamit din niya upang maging puhunan para sa kaniyang indibidwal na pangkabuhayan--ang homemade special pinyato, isang matamis na kakanin ng Northern Samar.

Ibinibenta ni Gina ang kanyang produkto gamit ang internet at social media. Ang kanyang produkto ay kilala na sa kanilang lugar kaya naman siya ay naanyayahan na lumahok sa mga trade fair na isinasagawa ng Department of Trade and Industry, isang partner agency ng DSWD-SLP, sa iba’t-ibang bayan ng Northern Samar.

Lubos ang pasasalamat ni Gina na isa siya sa mga kwalipikadong nakatanggap ng livelihood assistance mula sa SLP. Dahil sa kanilang livelihood project ay natutulungan niya ang pamilya niya at naibibigay ang pangangailagan ng kaniyang mga anak. Hangad ni Gina na magpatuloy ang ganitong uri ng programa na binibigyang prayoridad matulungan ang mga kapuspalad na katulad niya.

Ang Sustainable Livelihood program ay isang programa ng DSWD na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mga tulong na may kaugnayad sa serbisyo na pagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at karanasan ng mga kalahok tungo sa mas kapaki-pakinabang na negosyo at trabaho.

©️ SLP-PMEO Paul Jeric Endriano

“Mula sa PagSibol, hanggang sa PagSulong!”

Department of Social Welfare and Development
DSWD Sustainable Livelihood Program


Sigaw ng Palapag Women SLPAs: Tikman ang aming perpek na kropek! 💯
22/10/2020

Sigaw ng Palapag Women SLPAs: Tikman ang aming perpek na kropek! 💯

LOOK: A group of parolees and probationaries served under the DSWD- Sustainable Livelihood Program (SLP) officially laun...
16/10/2020

LOOK: A group of parolees and probationaries served under the DSWD- Sustainable Livelihood Program (SLP) officially launched the "Kangara Pagbabago SLP Communal Garden" in Brgy. San Isidro, Carigara, Leyte.

Hello, PLEASE SUPPORT OUR REGIONAL ENTRY. Click the photo/original post and react ❤️ or 👍. Your support is very much app...
23/05/2020

Hello, PLEASE SUPPORT OUR REGIONAL ENTRY. Click the photo/original post and react ❤️ or 👍.

Your support is very much appreciated. Thank you! 🙏

Johnnie Leocorpio Amaraya Baluran Zenith Gabor Krizza Abanid Nerja Dave Limar Delima Carmen Edwin Romagos Masbang Sweap Dswd Maricel Peleño

Mensahe ng pag-asa at pagkakaisa mula sa Sinirangan Bisayas para Sa Lahat ng Pilipino:

Ang pagsubok ay matatapos din
Basta hawak kamay nating harapin.
Sabay nating hintayin
PAGHILOM ay darating din.

Ang SLP ay kasama mo Sa Lahat ng Panahon...

Mula sa PagSibol, hanggang sa PagHilom!

***
This advocacy media content is one of the entries (Entry #22- Field Office VIII) for the PAGHILOM: SLP Greetings of Hope, Unity, and Encouragement Social Media Content Contest.

Feel free to share and react to this photo and be one with us in this collective effort to spark up hope and optimism in the midst of a global health crisis.

Mula sa PagSibol, hanggang sa PagSulong!
Mula sa PagSibol, hanggang sa PagHilom!



Department of Social Welfare and Development

Address

DSWD Extension 2 SLP Unit, YVI Center
Marasbaras
6500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sustainable Livelihood Program - Region 8 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sustainable Livelihood Program - Region 8:

Share