28/08/2026
113 pamilyang apektado ng kalamidad sa Marawi, tumanggap ng relief goods
Lanao del Sur, BARMM โ Kabuuang 113 pamilyang apektado ng kalamidad sa Marawi City ang tumanggap ng relief goods mula sa MSSD ngayong Agosto sa ilalim ng Emergency Relief Assistance (ERA).
Kabilang dito ang 42 pamilyang binaha at nasiraan ng bahay dahil sa natumbang puno, na tumanggap ng 25-kilogram na bigas at family food packs.
Samantala, 71 pamilyang naapektuhan ng sunog ang tumanggap ng parehong tulong, at karagdagang hygiene kits, sleeping kits, infant kits, cooking kits, water kits, at trapal. (JMM/ICD)
๐Follow MSSD for more updates!
FB: https://facebook.com/MSSDBangsamoro/
IG: https://www.instagram.com/mssdbangsamoro/
X: https://x.com/MSSDBangsamoro
YT: https://www.youtube.com/
Tiktok: https://www.tiktok.com/.barmm