26/07/2026
Sa pamamagitan ng SAM-KITS Joint Program ng ating Chief Minister Abdulraof 'SAM' Macacua at MP Atty. Kitem "KITS" D. Kadatuan, Jr., opisyal na naipamahagi ang 2,000 sacks ng 10kg bigas at 2,000 food packs para sa mga mamayan ng Marawi City na kabilang sa vulnerable sectors, (PWD, Senior Citizen, Solo Parent, Pregnant at mga Orphans) na nakatira sa mga shelter ng lungsod. Kabilang narin sa nabigyan ang ilang Ulama at mga Ustad.
Ang naturang relief turnover ay tinanggap ni ABC President Dr. Camid U. Gandamra, Jr. para sa 38 Permanent and Temporary Shelters ng Marawi City.
Alhamdulillah!