30/06/2025
Ang DepEd ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-23 Araw ng Pagkakaibigang Pilipino-Espanyol ngayong Hunyo 30.
Sa okasyong ito, kinikilala natin ang higit isang siglong matatag na ugnayan ng Pilipinas at Espanya bilang patunay ng patuloy na pagkakaibigan at pag-unawa sa pagitan ng ating mga bansa.
Kasabay nito, ginugunita rin natin ang Siege of Baler (1898–1899), bilang paalala ng pagpapatawad, malasakit, at kapayapaan na patuloy nating isinusulong bilang isang nagkakaisang sambayanan.